Karamihan sa atin ngayon, tila nakakalimot na tayong tumawag sa ating Panginoon. May pagkakataon na naalala lamang natin ang tumawag sa kanya sa tuwing tayo ay may mabigat na problemang dinadala. Ngunit, ang pagdarasal ay hindi lamang sa tuwing tayo ay may problema bagkus dapat din tayong magpasalamat sa mga biyayang ating natatanggap sa araw-araw at humingi ng tawad sa mga kasalanang nagawa.
Isa na rito ang isang lolo na nag-viral sa social media kamakailang lang dahil sa kanyang larawan kung saan makikita itong nakaluhod sa kanyang hospital bed habang taimtim na nagdadasal. Ang larawang ito ay ibinahagi ng kinilalang si Nenita Dalde, ayon sa kanya nakuhaan umano niya ang naturang larawan bago inilipat ang lolo sa ICU. Ngunit makalipas lamang ang isang linggo pumanaw ito.
Ayon kay Nenita, lagi daw sinasabi sa kanila ni lolo na dapat gawin nila ang lahat ng bagay ng may kaayusan at panalangin. Dagdag pa ni Nenita, kahit na nahihirapan si lolo na makatayo at dahil na rin sa kanyang kondisyon at katandaan ay pinilit pa rin nito ang lumuhod at taimtim na manalangin. Ang lolo na ito ay nakilalang bilang si Ka Dalds. Kaya naman maraming netizens ang naantig sa kanyang kalagayan.
Tiyak ngayon ay nasa mapayapang lugar na si lolo dahil sa kanyang kabutihan at malakas na pananampalataya sa ating Panginoong Diyos. Marahil tila na naramdaman na niya noon na siya ay hindi na magtatagal sa mundo kaya naman kahit hirap na itong makatayo ay pinilit niya pa ring ang lumuhod upang magdasal.
Narito ang kabuuang post ni Nenita:
“This photo was taken on the night he was transferred to the ICU, exactly one week before he expired. Palagi niyang tagubilin sa amin, “gawin ninyo ang lahat ng bagay ng may karapatan at kaayusan.” Hirap nang tumayo pero nakaluhod pa din kung manalangin. Salamat sa madaming inspirasyon, Ka Dalds At 87.”
Samantala, mabilis naman na naging viral sa social media ang naturang larawan ng lolo at umani ng mga positibong komento mula sa mga netizens. At marami din ang nagpahayag ng kanilang pakikiramay para sa pamilyang naiwan ni lolo.
YouTube Vlogger na Si Buknoy Glamurr, Viral Sa Social Media Matapos Gawin Ang Bagay Na Ito
Nag-trending kamakailan ang Youtube vlogger na si Andrew Luis N. Lapid o mas kilalang Buknoy Glamurr.
Arestado matapos timplahan ng Tang Orange ang Holy water sa St. Paul the Apostle Parish Church.
Ayon kay Buknoy ay isa lamang itong prank para sa susunod na vlog. Nasa kustodiya na ng Q.C. Police District ang vlogger matapos lumabag sa ECQ Guidelines.
Ngunit, ang kumakalat na bali-balita ngayong umaaga, pero kalaunan ating napag-alaman na hindi ito galing sa mismong Facebook Page ng Philippine Star.
Sa ngayon hindi pa tukoy kung Fakenews nga ba ang balitang ito lalo’t ang orihinal na litratong ginamit ay hindi eksaktong logo ng Philippine Star.
Matatandaan na ilang beses na ring nadawit ang pangalan ni buknoy at ang latest ay noong isyu niya kay Awra, Vice Ganda at Ion Perez na kalaunan humingi rin ito ng pasensya.
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon. Para sa iba pang latest trending topics na kwento, wag mag atubiling pindutin ang link sa aming Facebook page na Daily Update para mag-like at mag-follow. Maraming Salamat.
The post Viral Ngayon Ang Isang Lolong Nakaluhod Sa Kanyang Hospital Bed Na Taimtim Na Nanalangin appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments