Ang ina ay isang ilaw ng tahanan na nagbibigay ng liwanag sa pamilya. Kung hindi dahil sa ina, ay hindi tayo isisiling sa mundong ibabaw. Sakripisyo ang ibinibigay nila sa atin simula ng tayo ay ipininganak ng ating mga ina hanggang sa huling hininga nila. Kaya naman wala tayong karapatan na såktan ang ating ina kahit ano pa ang dahilan.
Viral naman ngayon ang isang video na kuha ni Ma Shiela Degamo Palma. Labis ang gålit ng mga netizen na nakapanood ng video dahil sa ginawa ng anak sa kanyang ina.
Mapapanood kung paano sinåmpal at sinåbunutan ang isang ina ng kanyang sariling anak. Hindi naman gumaganti ang ina. Sa video ay maririnig ang malakas na sigawan at tila may pinag-aåwayan. Ngunit kahit na ano pa ang dulot ng kanilang pag-aåway, ay wala pa rin siyang karapatan na såktan o pagbuhatan ng kamay ang sarili niya ina.
Marami naman ang nagkomento at nakapagbitiw ng hindi magagandang salita sa anak marahil dahil sa galït na kanilang nararamdaman. May mga netizen naman ang nagkokomento ng programang Raffy Tulfo in Acti0n at nananawagan na sana ay mabigyan ng leksyon ang anak na nasa video sa ginawa nito sa kanyang ina.
“Igalang at mahalin mo ang iyong nanay dahil kahit anong pagtatalo nyo, sa huli sya pa rin ang huling tao na iyong lalapitan at hindi ka pababayaan. “
Netizen, Bumuhos ang Luha Matapos na Makita at Maℓaman ang Kaℓagayan ng Isang Lola
Lubhang nakakahabag ng damdamin ang sitwasyon ng isang matandang babae na nakahiga sa sahig at tila walang kaanak na nag-aalaga. Ibinahagi ito ng Heaven Elements facebook page ang pahayag ng isang netizen na kumuha ng litrato ni Lola. Ayon sa uploader, lubos siya napaluha nang mismong siya ang nakarinig ng nakakaawang kalagayan ni Lola. Narito ang kanyang pahayag,
“Habang naglalakad ako kahapon, biglang napatigil ang mundo ko. Nang makita ko ang sitwasyong kinalalagyan ng matandang nakahiga sa malamig na semento. Dahil sa awå na nadarama ko, napaluha ako. Umupo ako sa tabi niya, nilagyan ko ng 100 pesos yung latang nasa harap niya. Mas lalo pang bumuhos yung luha ko ng sabihin nyang “Anak, salamat. Kaawaan ka ng diyos.” Wala akong masabi. Tulo nalang nang tulo yung luha ko.
“Tapos maya-maya, tinanong ko sya, ‘Lola, kung bibigyan kita ng isang pagkakataong tuparin yung hiling mo, anong hihilingin mo?’ Tumingin sa akin yung matanda, at bigla syang umiyak.. Sabay sabi, ‘Gusto ko ng PAMILYA.’ Napayuko ako sa sobrang lungkot. Umiyak… Niyakap ko yung matanda. Sabi niya, ‘Anak, baka madumihan ka.’ Hindi ako umimik at niyakap ko sya ng mahigpit.
“Ilang minuto ang lumipas, may kinuha syang litrato, litrato ng pamilya niya. Buo at masaya. Tinanong ko sya ulit.. ‘Nay, nasaan na ba yung pamilya mo?’ Hindi sya umimik at tinuro nalang niya sa itaas na ang ibig sabihin.. P@tay na. Sa pag alis ko, kinuhaan ko sya ng litrato. Binilhan ko sya ng tubig at tinapay. Nang ibinalik ko yung litrato ng pamilya nya, nilagyan ko ng 500 pesos para sa gastusin nya sa pagkain.
“Tulungan natin si Lola sa pamamagitan ng dasal. Panginoon, humihingi po kami ng paumanhin sa lahat ng kasalanan na nagawa namin sa isip man o sa gawa. Hinihiling po namin na tulungan nyo po ang mga taong nangangailangan. Lalo na po yung mas mabigat ang dinadala. Panginoon, kung wala ka, wala rin kami. Kaya lubos po kaming nagmamakaawa sa gabay at patnubay sa bawat bukas na aming haharapin.”
The post Watch | Ina, Sinåmpal at Sinåbunutan ng Sarili Niyang Anak! appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments