Ibinahagi ni Diego Loyzaga ang respetong ibinibigay niya sa nobyang si Barbie Imperial tuwing may kakaiba siyang role.
Sa press con ng pelikula nilang Bekis on the Run kasama sina Christian Bables, at Kylie Verzosa ay nakapanayam ng press people si Diego.

Dito ay inilahad niya ang pagiging open niya sa kanyang girlfriend na si Barbie tuwing may mga intimate scene siyang ginagampanan.

Sa nasabing pelikula ay may mga extra scene umanong ibinigay sa kanilan ang direktor na si Joel Lamangan.

Ibig sabihin nito ay may mga scene na ipinapagawa sa kanila kahit wala ito sa script ng pelikula. Tulad na lamang ng kissing scenes.

Sa part ng leading lady na si Kylie pinaguusapan nila ng boyfriend niyang si Jake Cuenca ang mga detalye ng respective projects nila para hindi nagkakagulatan pag pinanood na.

Nang si Diego naman ang natanong tungkol dito ay ganun din daw ang ginagawa nila ni Barbie. Pero hindi sila ang tulad ng ibang celebrity couple na walang pakealamn pagdating sa trabaho.

Ani Diego, “No, imposibleng walang pakialaman…imposible ’yon.Although Barbie is an artista, she’s still my partner, my lover, so it’s impossible to say that even if I tell her before or prior to shooting na, ‘Baby may ganito,’ she’s not gonna feel it? Of course, she’s gonna feel something when she sees it. But doon lang pumapasok ’yong understanding na she is in the same business. So, alam niyang work lang.”

Pero alam daw niyang may awkward moments sa tuwing mapapanood ito ng kanyang kasintahan. Kaya naman mas ginusto nilang ‘wag na lamang panoorin ang pelikula ng bawat isa.

Nanghihingi din siya ng paumanhin sa aktres tuwing may mga intimate scene siyang ginagawa sa pelikula.
Barbie Imperial, Ibinunyag ang Pagkakaiba ni Diego Loyzaga sa mga Naging Ex-Boyfriend Niya Noon

Hindi lang sa career blessed ang young actress na si Barbie Imperial, kundi maging sa kanyang love life! Maraming netizens ang talagang napa-“sana all” sa nakakakilig na pagsasama ni Barbie at ng kanyang boyfriend na si Marco Gumabao. Matatandaang nitong January 2021 lamang nang ibunyag ni Barbie na official na ang relasyon nila ni Diego.
Sa social media, ibinabahagi rin ng aktres ang sweet moments nila ni Diego. Ayon kay Barbie, wala na siyang ibang mahihiling pa dahil mapagmahal at maunawain si Diego sa kanya.
Ayon pa sa ibang fans na nakasubaybay sa kanilang relasyon, talagang deserve ni Barbie ang pagkakaroon ng mabuti at responsableng boyfriend.


Kamakailan lang, sa kanyang exclusive interview sa KAMI ay ibinahagi ni Barbie ang kaibahan ni Diego sa kanyang mga ex-boyfriend noon.
Matatandaang na-link si Barbie dati sa kanyang co-star na si JM de Guzman, at naging ex-boyfriend niya rin ang aktor na si Paul Salas. Ayon kay Barbie, ibang-iba si Diego sa mga ito.
“There’s a lot of differences with my relationship now with Diego from my past relationships. I was serious naman before, but now, mas grabe. We talk about life. We talk about future. At ang sarap sa pakiramdam when someone you love talks about a future with you. I’ve learned a lot from Diego,” pahayag ni Barbie.

Dagdag pa nito, malaki rin ang pasasalamat niya dahil marami siyang natututunan kay Diego. Na-inspire rin daw siyang maging mas mabuting tao dahil sa impluwensya ng kanyang boyfriend.
“He guides me. He helps me become the best version of myself. Im so used to being the alpha in a relationship, but with Diego, I can be just me. I can be a girl. I can be soft. He’s the best. And Im so lucky to have him in my life talaga,” pahayag ng aktres.

The post Diego Loyzaga, aminadong nagso-sorry sa kanyang girlfriend na si Barbie Imperial sa tuwing sasabak sa intimate scene appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments