Marami ang kailangan planuhin sa pagpapakasal mula sa maliit na detalye hanggang sa pinakamalaking parte ng kasalan.
Kaya naman magiging abala ang magpapakasal sa preparasyon pa lamang. Sa kabila ng masusing paghahanda hindi pa din maiiwasan ang mga hindi inaasahang mangyari sa araw mismo ng kasal. May mga nakakatuwa at kakaibang pangyayari sa mga kasalan.
Tulad na lamang ng bagong kasal isang maikling video clip na ibinahagi ni Aldrin Mat Acero Salazar na ipinost sa Facebook page. Makikita na ang bagong kasal na ito kasama ang entourage ay pinaghahanda para sa pagkuha ng litrato pagkatapos ng seremonyas ng kasal.
Mula sa kanilang official photographer ay nagbigay ng utos na gumawa sila ng isang wacky pose, ngunit ang groom ay aksidenteng nagkaroon ng isang sweet moment sa kanilang bridesmaid na dapat sa kanyang bride.

Mula sa photographer sinabi na kailangan nilang lumapit sa isa’t isa at pagdikitin ang kanilang pisngi. Madami ang natawa ng mapansin ng photographer na nagkaroon ng pagkalito sa groom kung saan aksidente niyang nasandal ang kaniyang ulo sa gawi ng isa sa kanilang bridesmaid.
Naging katuwaan sa mga taong nakapansin at kahit ang bride ay napagtanto na nakalimutan niya ang kaniyang groom.
Ang pangyayaring ito ay isa sa mga hindi malilimutang nakakatuwang pangyayari ng bagong kasal at kanilang kamag-anak na nakasaksi.
Ang trending na video ay ang talaga namang nagbigay ng saya at tuwa sa ating mga netizens.
Narito ang nakakatuwang video:
Source: Aldrin Mat Acero Salazar
TINGNAN: Pinuri ng mga netizens ang magkasintahang ito, na naging masaya sa kanilang kasal kahit na napakasimple lamang nito.

Ang dalawang taong nagmamahalan kahit anong hirap ng buhay magkasama yan sa lahat ng bagay. Kaya na lamang sa pagpapakasal kung saan hindi ito nagiging madali lalo na sa panahon ngayon.
Hindi biro ang mga gastusin kapag nagpapakasal kaya naman ang iba ay nagiging praktikal na lamang, kahit minsan ay nauuso pa rin ang magagarbong kasalan. Dahil na rin sa hirap ng buhay, may mga magkasintahan pa rin na pinipili ang simpleng pagpapakasal.

Basta’t ang mahalaga ay ang kanilang pagmamahalan. Katulad na lamang ng magkasintahan na ito, na naging usap usapan ngayon sa social media dahil sa kanilang naging napaka-simpleng kasalan.
Ang kwentong ito ay ibinahagi ni Kenze Malmis Ponce, isang photographer na siyang kumuha mismo ng mga larawan kung saan makikita rito ang simpleng kasalanan na mag-asawang bagong kasal.

Ayon kay Kenze, matagal na di-umano nasubaybayan ang pagmamahalan ng magkasintahan. Dagdag pa niya, ang magkasintahan na ito ay matagal ng magkasama sa hirap na kanilang pamumuhay sa kabundukan.
Ang naging simpleng kasalan ng magkasintahan ay tila nagpaantig sa puso ng mga netizens. Kahit mismo si Kenze, ay naiyak sa naging kagapanan ng kasalan habang kinukuhaan niya ito ng magagandang larawan.

Kitang-kita sa larawan, na ang bagong kasal ay nasa harap ng kanilang napakasimpleng handaan. Mapapansin rin sa kanilang hapag kainan ang mga simpleng mga pagkain na kanilang inihanda para sa kanilang mga bisita na nakalagay sa mahabang lamesa kung saan naroroon ang mga plato, kubyertos, kanin, ulam at softdrinks na para naman sa kanilang mga primary sponsors.
Makikita rin dito ang napakasimple nilang dekorasyon at sobrang payak na kanilang naging selebrasyon.
Masarap rin sa pakiramdam ang venue ng kanilang kasal, dahil pwedeng makalanghap ng sariwang hangin at hindi nalalayo sa kanilang mga tahanan. Kaya mas lalo silang hinangaan ng mga netizens, dahil kahit simple lamang ang kanilang naging pagpapakasal, nababakas naman sa kanilang mga mukha ang kanilang kagalakan at tunay na pagmamahalan.

Ito ay nagpapatunay na sa pagmamahalan hindi mahalaga ang karangyaan sa buhay, ang tanging mahalaga ay ang taong makakasama mo sa habangbuhay. Na siyang magbibigay ng isang buong masayang pamilya.
Nawa’y maging inspirasyon ang magkasintahan na ito, lalo na sa mga taong may balak magpakasal. Na laging isipin na hindi mahalaga ang magarbong salo-salo, dahil ang mahalaga mahal ninyo at isa’t isa at handang magdamayan sa bawat pagsubok na mararanasan sa araw-araw.
The post Groom tila nakalimot sa araw ng kanyang kasal, nagkaroon ng isang sweet moment sa kanilang bridesmaid appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments