Looking For Anything Specific?

Isang Mangingisda nakakuha ng higanteng perlas na aabot raw ng 5-bilyon ang halaga


Marahil mas kilala natin sa tawag Perlas na Silangan kung bansagan ang bansang Pilipinas na mula pa sa mga salitang Espanyol na Perla De Oriente o Perla Del Mar De Oriente. Sinilang ang bansag na ito ng isang Spanish na Jesuit Missionary na si Juan J. Delgado noog 1751.

Ayon kay Fr. Juan Delgado na ibinigay niya ang bansag na “Pearl of Lao Tzu” o “The Pearl of Allah” ng matagpuan sa Pilipinas ang pinakamalaking Perlas na nasusulat sa kasaysayan ng buong Mundo. Dagdag pa rin hanggang ngayon sa kasalukuyan ay na sa Probinsya pa rin ng Palawan sa Pilipinas ang Pearl of Lao Tzu.

Samantala, may mga napabalitang may mangingisdang nakakuha ng Higanteng Perlas na tinatayang 75 pounds ang timbang mas malaki kaysa unang naitalang perlas na sa Palawan Island din natagpuan.

Subalit ang nakakalungkot lamang ay walang kaalam-alam ang mangingisda tungkol sa kapalit na halaga ng kanyang nakita.

Kaya naman imbes na ibenta ay ginawa niya lamang itong palamuti at lucky charm sa kaniyang bahay. Subalit sa kasamaang palad ay natupok lamang ito ng sunog dahilan upang lumipat siya ng bahay.

Ang naisalbang higanteng perlas ay ipinagkatiwala na lang niya sa kaniyang tiyahin na isang opisyal na turismo kaya agad naman nilang natuklasan na ang perlas na ito ay galing sa isang higanteng clam.

Ayon naman sa tiyahin ng mangingisda, Namangha siya ng kanyang makita ang perlas na dinala sa kanya ng kanyang pamangkin

Samantala, sa tulong naman ng eksperto na mga gemologist, Napatunayan rito na tunay ang naturang perlas. Ang nakakalulang kapalit raw nitong halaga ay umaabot ng $100M o 5 Bilyong piso.

Unang nakita ng publiko ang naturang Higanteng Perlas sa isang tourist Attraction sa Puerto Prinsesa sa Palawan City Hall. Subalit sa kasalukuyan ay nasa pangangalaga na ito ng isang hindi pinangalanang kilalang museo sa New York.

Post a Comment

0 Comments