Looking For Anything Specific?

Isang Tatay, Nakaipon Ng Malaking Halaga Matapos Itigil Ang Bisyo Ng Paninigarilyo!

Hindi maipagkakaila na hanggang ngayon ay patuloy na dumadami ang mga tao na nahihilig sa paninigarilyo. Ito ay sa kadahilanan na ito umano ang nakakapagbigay ng kaginhawaan sa kanilang katawan.

Ngunit, ang madalas at sobra sa paggamit ng sigarilyo ay maaaring makapagdulot ng iba’t ibang komplikasyon sa ating katawan na maaaring makapagdala sa atin sa kapahamakan o kam4t4yan.

May ilan sa atin ang nahihirapan na talikuran at itigil ang paninigarilyo dahil sa tila nasanay na ang kanilang katawan dito ngunit may ilan din naman na pinipilit na itigil ang bisy0ng ito upang sila ay magkaroon ng mas ligtas at mas malusog na kalusugan.

 

Katulad na lamang ng kwento na ito sa social media na mabilis na naging viral. Sa post kasi, ibinahagi ng isang ama ang kaniyang “ipon challenge” kung saan pinilit niya ang sarili na talikuran ang kaniyang mga bisy0 lalo na ang paninigarilyo at mas pinili na ipunin na lamang ang pera na kaniyang binibili ng sigarilyo.

Ayon sa netizen, sa halip umano na gamitin ang kaniyang pera upang makabili ng sigarilyo ay inipon na lamang niya ito. Sa kaniyang ikalawang buwan na pagtigil sa bisy0, siya ay nakapag-ipon ng tinatayang P4,360 sa kaniyang alkansiya.

Basahin sa ibaba ang post na ibinahagi Analyn Candolea Manipis kung saan naka-tag dito si Jeric Esmores at Sherwin Manipis:

“Start ng January, D na sya nagyosi kaya lahat ng pangyosi niya hinuhulog niya dyan sa alkansya niya. Sinilip namin at binilang namin ngayong after 2months total 4360!! Not bad papa! Congrats natigilndin yosi mo may pera kapa!

Tuloy lang pag-ipon try mo naman 1 year.”

Ang pagtigil sa kaniyang bisy0 ay talagang nagbigay ng malaking epekto sa kaniyang buhay. Bukod kasi sa nakaipon siya, siya ay nakaiwas pa sa sakit na maaari niyang makuha dahil sa paninigarilyo.

Isang Nanay, Nakakita Ng 1 Million Argentine Sa Damit Na Binili Sa Ukay-ukay!

Karamihan sa ating mga Pilipino ay talagang mahilig sa pagbili ng mga ukay-ukay na kagamitan o segunda manong mga damit. Bukod kasi sa magaganda ang kalidad ng karamihan sa mga ukay, mabibili pa ang mga ito sa murang halaga lamang. Ngunit minsan ay hindi lamang mga damit o ibang kagamitan ang maaaring makita sa ukay, minsan ay kung sinusuwerte ay may kasama pang pera ang damit na iyong binili.

Katulad na lamang ni Sandie Peterson na bumili ng jacket sa ukayan para gamitin sa kaniyang pag-akyat ng bundok. Ayon kay Sandie, mayroon umano siyang nakuha na 100 Hongkong dollars sa bulsa ng jacket na kaniyang nabili. Kung ito ay ipapalit, ang halaga nito ay umaabot sa P650.00.

Sa kabilang banda, sa warehouse naman ng panindang ukay-ukay ni Lorevie sa Lapu-Lapu City ay mayroon siyang nakitang pera sa kada bundle ng mga damit na kaniyang ibebenta. Noong minsan nga ay nakakuha siya dito ng 200 yuan o nasa P2,000. Bukod pa diyan, siya ay nakakuha din ng 700 yuan o kung ipapalit ito sa peso, ito ay nagkakahalaga ng P5,000.

 

Samantala, nakakita naman ng anim na piraso ng 1,000,000 argentine dollars si Badang na mula sa Quezon City. Ang pera umano ay natagpuan nila sa damit na mula pa sa isang kilalang fashion retailer na bumagsak sa ukayan. Laking gulat na lamang daw ni Badang ng umabot sa halagang P5-M ang halaga ng pera noong tignan ito ng kaniyang anak.

Kaagad namang nagplano si Badang kung saan niya gagamitin ang pera na nakuha. Ayon sa kaniya, gagamitin umano niya ang pera para sa matrikula ng kaniyang mga anak, pagpapagawa ng kanilang bahay, pangbayad sa utang, at bibigyan din niya ang kaniyang mga kamag-anak na nangangailangan ng tulong.

Ngunit, ayon sa isang eksperto, ang halaga ng pera nito ngayon ay umaabot na lamang sa P8,600 kumpara sa P617 na halaga nito noong 1983. Ngunit kinumpirma din ng embahada ng Argentina na demonitized o wala ng halaga ang perang ito.

Ang natitirang pag-asa na lamang ni Badang ay ang maibenta ang pera na ito sa mga money collectors upang siya ay magkapera kahit papaano.

The post Isang Tatay, Nakaipon Ng Malaking Halaga Matapos Itigil Ang Bisyo Ng Paninigarilyo! appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments