Looking For Anything Specific?

Jinkee Pacquaio, sinabihan ni Cristy Fermin na dapat ay matuto na umano itong mamili at mag-shopping sa Divisoria!

Tila hindi na matapos-tapos ang isyu ni Cristy Fermin kay Jinkee Pacquiao, dahil may panibago na namang banat ang kolumnista sa asawa ng boxing champ. Ito ay karugtong ng mga isyung hindi umano marunong makiramdam si Jinkee sa mga nangyayaring paghihirap ngayon ng mundo. Dahil ayon sa kolumnista, hindi nagiging sensitibo si Jinkee sa mga ibinabahagi niyang mga luho sa buhay samantalang marami umano ang mga taong naghihirap ngayon dahil sa pandemya.

Source:IG/jinkeepacquiao

Kaya naman kamakailan lamang, sa kanyang online show na ‘Cristy Ferminute’ sinabihan niyang dapat daw ay matuto na ng mamili at mag-shopping si Jinkee sa Divisoria. Dahil nga kilala ang Divisoria sa mga produktong nasa mababa ang presyo kung saan tinatangkilik ng mga resellers ang mga RTWs at iba’t-ibang mga produkto na mumurahin lamang. Ito ang naging advice ng kolumnista kay Jinkee matapos ideklara ni Senator Manny Pacquiao ang kanyang pagtakbo bilang susunod na Presidente ng bansa sa susunod na taon.

Source:IG/jinkeepacquiao

Tulad ng sinumang sumusuportang asawa, nai-post ni Jinkee sa kanyang Instagram ang kanyang reaksyon at suporta sa anunsyo ng kanyang asawa. Kaya naman ang kanya na namang mga post sa social media ay hindi na naman nakaligtas sa mga mata ng kolumnista.

Pahayag ni Cristy, “Yung pahayag naman ni Ms. Jinkee Pacquiao sa kanyang IG post na sinabi niyang may basbas ng Panginoon ang pagtakbo ni Sen. Manny Pacquiao sa panguluhan, katulad rin daw noong walong sinturon sa iba’t ibang dibisyon na siya ay pinagpala ng Diyos kaya niya nakuha.”

Source:IG/jinkeepacquiao

Dagdag pa niya, kung talagang gusto ni Jinkee na magpaabot ng tulong sa mga tao dapat siya mismo ang haharap sa mga ito at hindi ang kanyang mga tauhan.

Aniya, “Siguro ito na ‘yung panahon na dapat talaga, si Jinkee na ‘yung nakikipag-usap sa ating kababayan, hindi na ‘yung admin.”

Source:IG/jinkeepacquiao

Kaya nararapat lang na matuto umano itong mamili sa Divisoria para naman makita niya ang kahirapan ng mga tao kung bakit mga mumurahin lamang ang kanya nitong bilhin at hindi mga branded. Sabi pa ni kolumnista na itago na lahat ni Jinkee sa kanyang kabinet ang kanyang mga mamahalin at branded na mga gamit baka daw kasi hindi siya lapitan ng mga tao kung magagara ang kanyang mga kasuotan kapag siya ay naging ‘first lady’ ng bansa.

Panoorin ang kabuuang pahayag ni Cristy Fermin na nasa ibaba:

Hindi naman masamang mangarap”: Ayon kay Jinkee Pacquiao, patungkol sa kanyang sa pagiging ‘first lady’ ng bansa

Dahil nga usap-usapan ngayon ang opisyal na pagtakbo ni Senator Manny Pacquiao bilang susunod na Presidente ng bansang Pilipinas. Sa pagtakbo ni Senator Manny Pacquiao hindi naiwasan na tanungin ng kilala ring talent manager na si Annabelle Rama na tanungin ang kanyang kaibigan na si Jinkee Pacquiao kung handa na nga ba itong maging ‘first lady’ kung sakaling manalo si Senator Manny sa kampanya.

Source:IG/mannypacquiao

Ayon nga sa inilabas na payahag ng ‘Philippine Star’ noon lamang July 7 ngayong taon ay ibinunyag ni Annabelle kung saan isa siya sa mga malalapit na kaibigan ng mga Pacquiao. Dito ibinahagi niya ang naging sagot ni Jinkee sa naging tanong nito sa kanya.

Source:IG/jinkeepacquiao

Saad ni Jinkee, nawa’y magdilang anghel umano daw ito. Pagkukwento pa ni Anabelle,

“Sabi ko kay Jinkee, ‘Day, ready ka ba maging First Lady?’ Tumawa lang, ‘Tita naman, sana magdilang anghel ka,’ sabi sa akin. ‘Siempre, (di) naman masamang mangarap,’ sabi niya, ‘pero wala pa sa ulo ko yan.’”

Source:IG/jinkeepacquiao

Samantala ay sinabi din ni Senator Manny kay Annabelle na naghihintay pa siya ng mensahe mula sa itaas para sa mga desisyon nito sa susunod na taon.

Ani ni Senator Manny, “Pero kasi yung presidente, destiny yan, sabi niya. ‘Pag binigay sa akin sa itaas, tatanggapin ko ng maayos. Pero ‘pag wala talagang sign for me to be in a higher position, di naman ako nagmamadali, sabi niya sa akin.”

Source:IG/jinkeepacquiao

Matatandaan naman na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang si Senator Manny at ang Pangulong Duterte dahil sa usapin umano ng korapsyon kaya naman nanganganib na hindi makatanggap ang pambansang kamao ng suporta mula sa Presidente.

Source:IG/jinkeepacquiao

Samantala, si Jinkee naman ay mayroon na ring karanasan sa public service matapos nitong maging Vice Governor ng Saranggani Province mula 2013-2016. Hanggang sa nag desisyon na lamang ito na hindi na muli pang tumakbo sa pulitika dahil gusto na lamang niyang pagtuunan ng pansin ang kanyang asawa at mga anak.

The post Jinkee Pacquaio, sinabihan ni Cristy Fermin na dapat ay matuto na umano itong mamili at mag-shopping sa Divisoria! appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments