Tila isang cryptic post ang ibinahagi ng aktor na si Kiko Estrada sa kanyang Instagram Stories.
Matatandaan na ilang Linggo na ang nakakalipas ay biglang nag-unfollow si Kiko sa kanyang nobya na si Heaven Peralejo.
Binura na din ng aktor ang mga litrato nila ni Heaven sa kanyang IG account. Wala naman ibang detalye na ibinahagi si Kiko ukol dito.
Ilang araw din ang lumipas, si Heaven naman ang nag-unfollow kay Kiko. Ito ang napansin ng kanilang mga fans noong Linggo, September 19, 2021.
Bukod sa pag-unfollow kay Kiko, wala na rin sa Instagram feed ni Heaven ang mga posts nito kasama ang aktor.
Kaya naman umugong ang balita na tila hiwalay na daw ang dalawang Kapamilya stars. Samantalang nito lamang nakaraang buwan nila isinapubliko ang kanilang relasyon.
August 30, nang ibahagi noon ni Kiko na ipinagdiriwang nila ni Heaven ang kanilang 3rd monthsary bilang magkasintahan.
Nakapagpalitan pa nga ang dalawa ng sweet messages sa post ni Kiko tungkol sa kanilang third monthsary.
Hinuha ng ilan ay nagselos umano si Kiko sa bagong ka-love team ni Heaven na si Gino Roque.
Sa vlog naman ni Ogie Diaz, kinumpirma nito na may reliable source daw siya na nagsabing hiwalay na nga ang dalawa. Si Ogie ay ang dating manager ni Heaven.
Ngunit magpasa-hanggang ngayon ay tikom pa rin ang bibig ng dalawa sa tunay na estado ng kanilang relasyon.
Samantala, sa gitna ng kanilang hiwalayan issue, isang makabuluhang IG story naman ang ibinahagi ni Kiko. Ito ay larawan ng isang ahas na kulay dilaw.
Maraming netizens naman ang nagsabi na ang ahas na iyon ay si Heaven. Dapat nga daw na inilagay ni Kiko sa kanyang caption ay “me and my beautiful girl”
Tingin mo ano kayang ibig sabihin ng post na ito ni Kiko?
Ogie Diaz sa hiwalayan nina Kiko Estrada at Heaven Peralejo: “may nakausap ako, wala na sila, nag-split na sila.”
Ayon na mismo kay Ogie Diaz, Heaven Peralejo at Kiko Estrada hiwalay na.
Sa kanyang latest Showbiz Update vlog, tinalakay ni Ogie ang tungkol sa kontrobersyal na magkasintahan.
Kung saan ibinunyag ni Ogie na ayon sa kanyang source ay hiwalay na nga sina Heaven at Kiko.
“Kapag ganyan na nag-unfollow na si lalake du’n sa babae, wala na ‘yun,” pahayag ni Ogie.
Pagpapatuloy pa niya, “Mako-confirm natin kung talagang wala na sila kung si Heaven ay mag-a-unfollow na rin kay Kiko at magde-delete na rin siya ng photos nila.”
As of now kasi ay naka-follow pa din si Heaven kay Kiko. Hindi pa rin binubura ng aktres ang mga larawan nila ng aktor.
Pero ayon umano sa reliable source ni Ogie ay split na daw talaga ang dalawang Kapamilya stars. Aniya, “So ‘yun na ‘yon, one way of saying, ‘wala na kami.’ Hindi natin alam kung ano ang rason. Pero ako may nakausap ako, wala na sila, nag-split na sila.”
Lumabas ang pahayag na ito ni Ogie matapos mag-viral ang ginawang pag-unfollow ni Kiko kay Heaven sa IG. Binura na din ng binata ang mga litrato nila sa kanyang account.
Lumakas ang bulong bulungan ng mga netizens na hiwalay na agad ang dalawa dahil sa ginawang ito ni Kiko.
Samantala kasunod naman ng naturang pag unfollow at pagbura ng litrato ay nagbahagi naman ng isang tweet si Heaven, isang laughing emoji lamang ang ibinahagi nito at wala nang iba pang sinabi.
Kapansin-pansin din naman na hindi lamang si Heaven ang ini-unfollow ni Kiko kundi lahat ng pina-follow niya.
Narito ang buong pahayag ni Ogie Diaz tungkol sa isyung ito:
The post Kiko Estrada, agaw atensyon ngayon matapos magbahagi sa kanyang IG Story ng larawan ng ahas appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments