A memorable wedding indeed!
Ikinasal na ang Kapuso actress na si Kris Bernal sa kanyang long time partner na si Perry Choi.
Ginanap ang kanilang intimate church wedding sa St. Alphonsus Mary de Liguori Parish sa Makati City.

Matapos ang ilang buwan na pag postponed sa kanilang kasal, sa wakas ay natuloy na ang pag-iisang dibdib ni Kris at Perry.

Katulad ng karamihan sa mga bride, pinaghandaan din ng aktres ang kanyang wedding gown. Tila naging center of attraction din ang wedding gown ni Kris na gawa ng sikat na fashion designer na si Mak Tumang.

Si Mak Tumang ay ang brilyanteng tao sa likod ng mga naging gowns ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Naging isang real life bride princess si Kris sa kanyang Swarovski-embellished custom-made wedding gown.

Ang kanyang groom naman ay binagayan ang kanyang suot, beige suit na gawa ni M Baretto. Kasalukuyang naka live stream ang wedding ng dalawa sa YouTube channel ni Kris.

Apat na taon nang magkasintahan ang newly weds. Nag propose naman si Perry noong February 2020 at binalak magpakasal noong June 2021 pero napostpone dahil sa pandemya.

Matatandaan na naging emosyonal pa si Kris sa isang vlog niya kung saan kanyang ibinahagi ang ilang paghahanda sa kanilang kasal. Noong mga panahon na iyon, naka hold ang kanilang wedding day.

Congratulations, Mr. and Mrs. Choi!
Kris Bernal, sobrang na-starstrucksa kagandahan ni Julia Montes ng makita niya ito sa personal

Napa-wow na lang si Kris Bernal sa kagandahan ni Julia Montes.
Isa si Julia Montes sa may pinakamagandang mukha sa industriya ng showbiz.
Hindi naman talaga ito maitatanggi, kaya magpasa-hanggang ngayon ay marami pa rin siyang tagahanga. Kahit pa hindi na siya ganun ka-aktibo sa TV Screen o pelikula.
Sa kanyang social media accounts na lang bumabawi ang kanyang mga fans, kaya inaabangan ng mga ito ang bawat post tungkol sa kanya.

At lagi na ding nagiging usap-usapan ang bawat balita na lumalabas tungkol sa aktres.
Nakaraan nga ay trending ang paghuhugas niya ng plato sa bahay ni Dimples Romana. Kasunod naman nito ay ang paglilinis niya ng inidoro.

Bawat maliit na detalye na lumalabas tungkol kay Julia ay nagiging viral agad.

At kamakailan nga lang, isang video ni Kris Bernal ang naging usap-usapan.

Ito ay dahil na shookt ang Kapuso actress sa angking kagandahan ni Julia ng magkita sila sa isang salon.

“The Julia Montes, very beautiful pa din,” maririnig na saad ni Kris habang nag-vivideo. “Ang unfair ng world, so nice to see you,” dagdag pa nito.

Tila na starstruck si Kris nang muling makita ng personal si Julia makatapos ang mahabang panahon.

Kung matatandaan sa kanyang mga nakaraang panyam ibinahagi ni Kris na fan talaga siya ni Julia.
Noong nagkaroon pa nga siya ng cosmetic line ay isa si Julia sa mga pinadalhan niya ng mga make-ups.
Marami raw siyang pinadalhan ng kanyang makeup product, pero hindi lahat ng pinadalhan niya ay nag-post at nagbannggit ng kanyang produkto.
Isa si Julia sa mga hindi siya binigo at parang tulong na sa kanya na ipinost pa ng aktres ang kanyang produkto sa Instagram Story nito.
Samantala, sa nasabing video ay makikita rin na nakaroon ng chikahan time sina Julia at Kris.
Narito ang video:
The post Kris Bernal, nag mala-prinsesa ngayon sa kanyang napakagandang wedding gown sa mismong kasal na gawa ng sikat na designer na si Mak Tumang appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments