Looking For Anything Specific?

Marco Gallo, inaming na-excite nang malamang may kissing scene sila ni Julia Barretto

Napaka memorable umano sa aktor na si Marco Gallo ang naging kissing scene nila ni Julia Barretto.

Sa bagong serye ng TV 5 na “Di Na Muli” ay magkatambal sina Marco at Julia, together with Marco Gumabao.

For Marco Gallo’s part, hindi daw niya agad pinaniwalaan noong tinawagan siya ng Viva para ialok ang project sa kanya.

Tila tanggap na yata ng half-Italian na si Marco Gallo na hindi siya pang-bida kaya ganoon ang reaction niya.

Pero aniya, nang mahimasmasan na siya ay saka siya nakaramdam ng pressure. At nang mag-umpisa na ang kanilang taping nawala na raw ang kanyang kaba.

At napalitan ito ng excitement lalong lalo na ng malaman niyang may kissing scene sila ni Julia sa nasabing serye.

Ani Marco, “I am excited because my friends know that my girl crush, like, celebrity crush in show business is Julia Barretto.

“When I learned I’m having a kissing scene [with her], I was, like, ‘Oh my god, the universe heard me’”

Sa kanyang exclusive interview eith PEP.ph, ibinahagi ng aktor na nakaramdam siya ng “intimidation” sa kaalamang nobyo ni Julia si Gerald Anderson.

Kuya daw kasi kung ituring ni Marco si Gerald at madalas siyang nagpupunta sa gym na pagmamay-ari nito.

Aminado rin siya na nahiya siya nang kunan ng direktor na si Andoy Ranay ang passionate kissing scene nila ni Julia. Nahihiya umano siya dahil deep inside ay kinikilig siya.

Pero alam din ni Marco na sa parte ni Julia ay walang personalan, at trabaho lang ang lahat.

Samantala, breath of fresh air ang pagkakalarawan ni Julia kay Marco Gallo at sa character portrayal nito.

Tila nagbalik teenager daw siya sa mga naging ekesena nila ni Marco para sa “Di Na Muli”

Julia Barretto, aminadong lubos na tinitingala noon ang kanyang tita Claudine Barretto pagdating sa pag-arte

Magmula pa noong bata pa lamang siya, tinitingala na ni Julia Barretto ang kanyang Tita Claudine Barretto.

Sa media conference ng upcoming TV5 show ni Julia kasama sina Marco Gumabao at Marco Gallo titled ‘Di Na Muli’. Inamin ni Julia na fan siya ng kanyang Tita Claudine.

“I grew up watching your auntie Claudine sa mga series, may mga chance na nakikita namin yung ikaw sa pag-arte… Sa part mo ng acting skills mo, alin sa mga duon yung nakuha mo sakanya or naging inspired sakanya?” tanong kay Julia ng isa sa press people.

Sagot naman ng aktres, “Naku, nakuha? Naku, siguro wala. Siguro wala, kasi nag-iisa lang siya eh. Napaka husay niya and growing up, you know, I’ve been always vocal about this, I have always been a fan of her and of her work and of her projects. And I really look up to her growing up as an actress.”

Dagdag pa niya, “Pero again, siguro when it comes to our craft iba, we’re different and we’re different because again, iba siya. Iba talaga siya umarte at iba talaga siya. Pero ako naman, I try my best everyday and every time I’m given the opportunity…”

Sinabi pa ni Julia na ginagawa niya ang lahat para maging mahusay na aktres din siya.

“I always try to be at my best and perform and deliver. I just want to make everybody around me proud. And everybody who trusts with a project proud. I think that’s always been the goal is to help bring life to the character that I’m given…”

Aminado din and nobya ni Gerald Anderson na hindi niya kayang tapatan ang husay ng kanyang tiyahin.

The post Marco Gallo, inaming na-excite nang malamang may kissing scene sila ni Julia Barretto appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments