Hindi na mapigilan ni Neil Arce ang kanyang nagpupuyos na sama ng loob sa isang undersecretary matapos umano nitong tawaging “no bran cells” ang kanyang asawa at aktres na si Angel Locsin. Matatandaan na noon lamang September 8, ay malugod na pinasalamatan ni Angel ang mga health workers.
Source:IG/neil_arce
Pahayag ni Angel, “This crisis has made me realize that the world can work without politicians, businessmen, police, and even without actors like me. But the world can never work without health workers.”
Source:Facebook
Ang pahayag na ito ng aktres ay agad namang pinuna ng government official na si Mon Cualoping, kung saan siya rin ang Undersecretary & Director General at Philippine Information Agency (PIA), dito sinabi niyang imposible raw ang mga sinasabi ni Angel. Ani ng Usec., “Angel Locsin has no brain cells. Or a wrong appreciation of things. How can we all continue to live life if there’ll be no police force, actors, business folks and yes, even politicians?”
Source:IG/moncualoping
Samantala, bilang asawa ni Angel hindi nagustuhan ni Neil ang mga sinabi nito patungkol sa mga pahayag ng aktres at dito hinamon niya si Usec. Mon na magkita sila sa personal. Ayon pa kay Neil, hindi niya raw palalampasin ang ginawang pang-iinsulto ng Usec. sa kanyang asawang si Angel. At tila pisikalan ngayon ang hamon ni Neil ang Usec. dahil sa sinabi niya na huwag magdadala ang opisyal ng sandata o kahit kanyang mga bodyguards.
Source:IG/neil_arce
Ika ni Niel, “Hey mon I don’t know you but people have been sending me this post. Mukhang sobrang tapang mo sa Facebook sir. I respect your political stand and your opinions but insulting my wife personally is a bit off.”
Dagdag pa niya, “You can message me here on Facebook kung matapang ka talaga kita tayo no weapons no bodyguards lalake sa lalake lang kung di ka lalaki baka may kuya ka or kapatid na bata. Pwede na din proxy. Hope to see you soon.” Nagbigay naman ng kanyang reaksyon si Usec. Mon at talagang pinanindigan niya ang mga kanyang sinabi sa aktres.
Source:Facebook
Ayon pa dito, “Tungkol naman sa brain cells, I stand by what I said. How do we survive as a society without police force and business folks? May nagsabi pang figure of speech lang daw yung sinabi ng artista. Pano?” At talagang may back-up pa ang Usec. na isang abogado at ito si Atty. Darwin Cañete na may sagot din isyu.
Source:Facebook
Pahayag ni Cañete, “At least di nakapatay si Mon Cualoping sa birthday niya kasi gusto magpasikat sa super spreader event. Real talk. Pabida pa kasi.”
Source:IG/neil_arce
Sa kabilang banda, wala pa namang pahayag ukol dito ang aktres.
Neil Arce, galit na binuweltahan ang Philippine Information Agency undersecretary na nagsabing walang brain cells ang asawang si Angel Locsin
“Kung matapang ka talaga kita tayo!”
Hinamon ni Neil Arce and Philippine Information Agency Undersecretary na si Mon Cualoping.
Ito ay matapos na tawaging “No brain cells” ni Cualoping ang aktres na si Angel Locsin.
Nag ugat ito sa naging appreciation post ng aktres sa kanyang Instagram noong September 8, 2021.
Bahagi ng caption ni Angel, “This cr1sis has made me realize that the world can work without politicians, businessmen, police, and even without actors like me.
But the world can never work without health workers. Again, thank you all that you do.”
Muling pinasalamatan at binigyang pugay ng aktres ang mga health workers na hanggang ngayon ay patuloy ang pakikipag laban sa pandemya.
Sa kabilang banda, tila minasama at niliteral ito ng Undersecretary ng Philippine Information Agency na si Mon Cualoping.
Tinawag niya kasing “No brain cells” ang multi awarded actress dahil sa naging appreciation post nito.
Sa kanyang official Facebook account, nagbahagi ng kanyang saloobin si Mon tungkol dito.
“Angel Locsin has no brain cells. Or a wrong appreciation of things,” bungad niya sa kanyang post.
Punto naman niya, paano daw mabubuhay ang mga tao kung wala ang mga nabanggit ni Angel. Nagbigay pa siya ng mga “examples” sa kanyang post.
Nakarating naman ito sa asawa ni Angel na si Neil Arce at hindi pinalagpas ang naging komento ni Mon.
Nirerespesto daw ni Neil ang kanyang opinyon pero hindi daw tama ang deretsahang komento nito sa kanyang asawa.
Hamon ni Neil, “You can message me here on Facebook kung matapang ka talaga kita tayo no w3apons no bodyguards lalake sa lalake…”
Sa ngayon, wala pa ulit sagot si Mon Cualoping.
The post “No bodyguards, lalaki sa lalaki lang!”: Paghahamon ni Neil Arce ng suntukan sa isang undersecretary, matapos nitong insultuhin ang kanyang asawang si Angel Locsin. appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments