Ibinahagi ng isa sa pinakamalapit na kaibigan ni Yen Santos ang kalagayan ngayon ng aktres.
Ayon sa ulat ng PEP.ph, sobrang apektado daw si Yen sa kontrobersiyang kinakaharap. At ito nga ay ang pagkasangkot sa hiwalayang Paolo Contis at LJ Reyes.
Nakausap umano ng nasabing website ang malapit na kaibigan ni Yen. Kung saan naitanong nila kung nais magsalita ni Yen kaugnay ng kinasasangkutang kontrobersiya.

“I will ask her. She’s so down rn [right now] kaya all we can do is comfort her,” sagot ng kanilang source.

Kalahating oras ang lumipas ay muli umanong sumagot ang source at sinabing, “No comment na muna si Lilieyen.”

Lilieyen Santos ang full name ng aktres noong una siyang nasilayan sa Pinoy Big Brother: Teen Clash 2010.

Nang matanong naman kung kaano-ano ng source si Yen sinabi nitong isa siya sa malalapit na kaibigan ng aktres. Family friend at best friend umano si Yen ng kanyang kapatid.

Nang usisain ng PEP ang social media account ng source na kanilang kausap ay makikitang may mga larawan ito kasama si Yen sa mga nakalipas na taon, mula pa noong 2013.

May mga komento din ang aktres sa mga post ng source. At ilang litrato nila ay magkayakap pa.

Sa Facebook page din ng fans ni Yen ay nailathala umano ang pagtatanggol ng source sa aktres.
Saad sa nasabing post, “Lilieyen is a smart girl and I don’t think she would ruin her reputation over a guy.”
Marami na raw nagkalat na intriga tungkol kay Yen noon pa man ngunit kahit isa ay wala naman umanong ebidensya.
Kasunod nito ay isa pang post na nagsasabing, .
“THERE IS ALWAYS TWO SIDES OF THE STORY, That is why we must be careful in whatever we say taht we think is the truth”
Paolo Contis, sinabing nadamay lang si Yen Santos sa issue nila ni LJ matapos magpasama sa Baguio

Ayon kay Paolo Contis, wala umanong kinalaman si Yen Santos sa hiwalayan nila ni LJ Reyes.
Matapos ang pananahimik sa mga batikos na natatanggap, nagsalita na sa wakas si Paolo Contis.
Sa kanyang Instagram post kagabi, September 8, isa-isang sinagot ni Paolo ang mga intrigang kinakaharap.

Gusto lang sana niyang manahimik ngunit marami na umanong taong nadadamay na hindi dapat. Kaya napagdesisyunan niya ng magsalita.

At ang pinaka nadiin umano sa kontrobersiyang kinakaharap ay ang aktres na si Yen Santos.

Itinanggi ni Paolo na si Yen ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni LJ Reyes. Pero inamin ng aktor ang tungkol sa third party issue.

Aniya, “Aaminin ko, naging marupok at gago ako sa ilang taon naming pagsasama. I’m not proud of it. For that, I’m sincerely sorry. I’m truly ashamed of my actions”

Gayunpaman, nilinaw niyang walang kinalaman dito si Yen.

“She was never the reason of our break up. I was. Kung matagal na kaming hindi okay ni LJ, it was mainly because of me. Masyado niyo siyang diniin sa issue na to. Pati pag promote namin ng movie nabahiran na ng kung anu ano,” sabi ni Paolo.

Paglilinaw pa ni Paolo, inimbita lang niya si Yen “as a friend” nang malaman niyang lumipad si LJ at ang kaniyang mga anak sa States, para mayroon siyang makausap.

“When LJ left for the States with the kids, I went to Baguio for 3 days dahil ayaw ko sa Manila at gusto kong makapag-isip-isip. Naging insensitive ako about the possible effects nung issue and I invited Yen for a day para may makausap since malapit lang siya sa North din. She went there as a friend. Hindi ko naisip na madadamay siya ng ganito. I’m sorry for this.”
The post Yen Santos, mabigat ang loob ngayon matapos madamay sa issue ni Paolo Contis: “so down” appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments