Looking For Anything Specific?

Yeng Contantino, nangungulila ngayon dahil sa pagpanaw ng kanyang pinakamamahal na ina

Nagluluksa ngayon ang award-winning singer-songwriter na si Yeng Constantino dahil sa pagkawala ng kanyang ina.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ng mang-aawit ang ilang larawan nila ng kanyang ina na si Susan Constantino.

“Paalam Mama,” maikling caption ni Yeng

Hindi pa naman ibinahagi ng singer ang mga detalye sa pagkawala ng kanyang Mama Susan.

Bumuhos naman ang pakikiramay ng mga netizen at kapwa artista kay Yeng.

Mensahe ng Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda, “Yakap at dasal para sa inyo, Yeng.”

“Maraming salamat po Tita sa lahat,” sabi ni Angeline Quinto.

Sabi naman ni KZ Tandingan,  “Praying for comfort for the whole family ate!”

“Ate Yeng, condolences. May God comfort you and your family,” post ni Sam Mangubat.

“Yakap, Ate. Nakikiramay po ako.,” saad naman ni Sue Ramirez.

Ani naman ng kanyang kapwa singer na si Kyla, “Yenggay sending you my deepest sympathies and condolences. Praying for comfort for you and family.”

“Condolence josephine prayers,” komento ni Piolo Pascual.

Pakikiramay naman ni Jaya, “Condolences my dear Yeng. God’s s peace be upon you
maxene Sending my most sincere condolences to you and your family.”

Sa isang interview kay Yeng, naibahagi niya kung paano nagsumikap at nagsakripisyo ang ina para sa kanilang pamilya. Aniya, “Kami ng pamilya ko hindi po kami talaga mayaman. Ang maganda sa magulang ko, ‘di nila ipinaparamdam na kapos kami.

“Mama ko,raketera ng taon talaga yan. As in naglalabada, nagtitinda ng isda, ng karne. Ang tatay ko ay librarian, ang mom ko gusto niya rin talagang matulungan ang papa ko.

Ang pagkawala ng ina ni Yeng ay tatlong linggo makalipas na ipagdiwang niya ang kanyang 15 years sa showbiz.

Angel Locsin, ibinunyag na 10 sa kanyang kapamilya ang nag-positibo sa sakit na COVID-19

Matapos ang balitang nagpositibo sa C0’VID ang kanyang ama, ibinahagi din ni Angel Locsin. Na 10 sa miyembro ng kanilang pamilya ay positibo din.

Dinagsa ng dasal ang post ni Angel Locsin tungkol sa kanyang 94-year-old father na si Angelo Colmenares. Fully vaccinated na ang ama ni Angel.

Last Sunday nga nang sabihin ni Angel na feeling helpless siya dahil sa pagkakaroon ng C0’VID ng ama niyang isang bulag.

Sa video na ipinost ni Angel sa kanyang Instagram story, maririnig ang boses ng aktres na nagsabing, “Bye daddy. Kuya (driver) ingat kayo ha susunod po kami, susunod po kami.”

Iisa naman ang mensahe ng mga nagpaabot ng suporta sa pamilya ni Angel kabilang na ang mga kaibigan at katrabaho sa showbiz, patuloy daw nilang ipagdarasal ang paggaling ng daddy ni Angel.

Samantala, kagabi, September 13, ay nagpasalamat si Angel sa mga taong nagdadasal para sa kanyang ama.

Pero hindi lang ang ama ni Angel ang nagka-C0’VID.

Sa kanyang IG stories ay sinabi nitong 10 pang miyembro ng pamilya nila ang nahawa.

“Thank you for the prayers. I’m going to take my post down because this is something I don’t want to remember. I just needed to airout yesterday. 10 members of the fam from separate houses got c0’vid. Thank you everyone for being a ray of sunshine to me and my family.”

Samantala, six days ago ay nag-post si Angel ng tungkol sa mga may pinagdaraanan ng bawa’t miyembro ng pamilya na ramdam niya ang mga ito.

Aniya, “To those who can’t go & console family & friends fighting their battles alone. I feel you. I wish for you to overcome whatever it is you are going through.”

The post Yeng Contantino, nangungulila ngayon dahil sa pagpanaw ng kanyang pinakamamahal na ina appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments