Nakilala ang aktor na si Buboy Villar bilang batang sidekick noon sa mga palabas sa telebisyon at mga pelikula. Nagsimula si Buboy bilang isang child star at hanggang sa siya ay sumikat dahil sa kanyang kahusayan sa pag-arte lalo na sa pagpapatawa.
Naging bukas naman sa publiko sa ang naging buhay pag-ibig ni Buboy sa kanyang dating longtime girlfriend na isang foreigner. Siya ay kinilalang si Angiellyn Gorens, taong 2015 nang sila ay nagsama at nagkaroon sila ng dalawang anak na sina Vlanz Karollyn at George Michael.
Sa edad na 17 taong gulang naging isang ama si Buboy at ayon sa kanya isang biglaang pangyayari ng kanyang buhay ang pagiging isang ama sa napaka-batang edad. Tunay nga ang kasabihan na kapag naging magulang ka na, “mas makikilala mo ang iyong sarili at mas maiintindihan mo ang iyong mga magulang.”
Inamin naman ng aktor na ito ang kanyang natuklasan sa buhay ng siya ay maging isang ama sa hindi inaasahang pagkakataon. Samantala ang kanila namang pagsasama ng kanyang dating kasintahan na si Angiellyn ay hindi rin nagtagal, subalit nananatili naman silang may maayos na pakikitungo sa isa’t-isa para sa kanilang dalawang anak.
Sa kasalukuyan, si Angiellyn ngayon ay naninirahan sa America kasama ang kanyang mga magulang habang ang kanilang dalawang anak naman ay nasa pangangalaga ng aktor. Maliban naman sa kanyang pag-aartista, pinasok na din ni Buboy ang mundo ng pagiging YouTube vlogger.
Siya ay mayroon ding negosyo, ito ay ang kanyang paresan na tinawag niyang ‘Paresan ni Bok.’ Laging abala naman ngayon si Buboy sa kanyang mga taping at negosyo na siyang pinangtustos niya sa mga pangangailangan ng kanyang mga anak.
Dahil sa pagiging batang ama, mas maraming nadiskubre si Buboy sa kaniyang sarili. Aniya, kung hindi siya naging isang ama sa maagang edad, hindi siguro niya alam kung saan siya pupulutin ngayon.
Natutunan din niyang mas alagaan ang sarili para sa kanyang dalawang anak. Pag-amin din ng aktor, ayaw niyang maranasan ng kanyang mga anak ang kanyang naranasan na hirap ng buhay at kung saan hindi siya naging malapit sa kanyang ama.
Kaya naman sinisigurado din ni Buboy na masuportahan at matugunan ang mga pangangailangan ng kanyang dalawang anak kahit wala ito sa piling ng kanilang ina. Sa tulong na rin ng kanyang negosyo nakakatulong ito sa pandagdag suporta sa pangangailangan ng kanyang pamilya at mga anak.
Determinado at talagang pinagsisikapan niyang maibigay ang mga pangangailangan ng kanyang dalawang anak. Tunay ngang isang huwaran si Buboy sa pagiging isang mabuti at mapagmahal na ama kahit na maaga siyang namulat sa pagiging isang magulang.
Buboy Villar, ibinahagi ang kanyang pinakamahirap ng pinagdaanan sa pagiging batang ama noon sa edad na 17
Ibinahagi ni Buboy Villar kung paano nabago ang kanyang buhay ng maging ama siya sa edad na 17.
Ito ay kanyang ibinahagi sa panayam niya kay Toni Gonzaga sa vlog segment nitong Toni Talks.
Sa nasabing panayam, inamin ni Buboy na hindi niya inasahan ang mangyayari sa kanila ni Angillyn Gorens.

Si Angilyn ay ang ina ng dalawang anak ni Buboy.

“Love at first sight, tapos gusto ko talaga siya. Hindi namin talagang plano mag-anak noon. Plano lang namin was mag live-in kasi partners kami,” saad ng aktor.

Sinabi niya din na firstlove niya si Angilyn kaya naman hinikayat niya itong manirahan dito sa Pilipinas.

“Lakasan ng loob po yun, kasi nasa America na siya noon. Sabi ko, ‘Parang hindi ko kaya na ganito yung set-up natin.’ Nilakasan ko yung loob ko. Sabi ko, ‘Uwi ka na lang kaya dito sa Pilipinas, magsama na lang tayo.’ Nagulat siya,” pagbabalik tanaw ni Buboy.

Kahit nagdadalawang isip ay agad namang pumunta ng bansa si Angilyn galing ng US na hindi alam ng kanyang mga magulang.

Inamin din ni Buboy na mali ang kanilang ginawa, ngunit ng mga panahon daw na iyon ang nasa isip lang nila ay ang kanilang pagmamahalan.

“Alam namin na mali yun. Ginawa namin yung gusto lang namin. Hindi namin pinakinggan yung mas nakakatanda sa amin,” pagbabahagi niya.

Dagdag pa ni Buboy, “Alam ko na nagkamali man ako sa mga past na nangyari sa akin. Pero hindi ko na kailangan tignan pa yun pabalik kasi naging aral ko na yun.”

Sa ngayon ay mabuting magkaibigan daw sila ni Angilyn, habang ang kanilang anak ay nasa pangangalaga ng kanyang mga biyenan.
The post ALAMIN: Ang buhay ngayon ni Buboy Villar, bilang isang single dad na itinataguy0d ang kanyang dalawang anak! appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed

0 Comments