Looking For Anything Specific?

Alwyn Uytingco lubos ang pasasalamat sa pagbibigay ni Jennica Garcia ng ‘second chance’ sa kanilang pagsasama

Sobra ang pasasalamat ni Alwyn Uytingco sa muling pagtanggap sa kanya ng misis na si Jennica Garcia.

Noong October 14, ay ibinahagi ni Jennica sa panayam niya sa 24 Oras na nag-uusap na silang muli ni Alwyn.

Aniya malaki umano ang posibilidad na magkabalikan sila ng kanyang estranged husband. Ani Jennica, “I am very thankful to Jesus because He heard my prayers. He gave me what I was hoping for—for Alwyn to come back [to] us. He expressed his desire for family restoration.”

Samantala, ilang araw lang ang nakalipas ay lubos ang kasiyahan na ibinahagi ni Alwyn ang kanyang pasasalamat kay Jennica.

Sa kanyang Facebook post ngayong araw October 17 ay ibinalita ni Alwyn sa kanyang followers ang tila pagkakaayos na nila ni Jennica.

“I HAVE to admit, I don’t deserve my family. I don’t deserve a second chance.”

Ito ang bahagi ng naging pahayag ng aktor tungkol sa estado ng relasyon nila ngayon ng asawang si Jennica.

Sa simula ng kanyang post ay tinawag niya pang ‘habibi’ ang aktres. Salitang arabic na ang ibig sabihin ay “my love.”

Saad ni Alwyn kalakip ang litrato nila ni Jennica, ’Habibi’

“When God gives you something you don’t deserve, that’s what He calls grace. I have to admit, I don’t deserve my family. I don’t deserve a second chance. Please don’t get me wrong, I will do everything for another chance in this life.”

Nagpasalamat din si Alwyn sa asawa na hindi bumitaw sa kanya at sa pagbibigay nito ng pangalawang pagkakataon upang maghil0m ang mga su’gat sa kanilang puso.

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

Jennica Garcia, kinumpirma na hiwalay na sila ng kanyang asawa na si Alwyn Uytingco matapos ang anim na taong pagsasama

Jennica Garcia at Alwyn Uytingco, hiwalay na matapos ang anim na taong pagsasama!

Nito lamang nakaraan, umugong ang usapin na hiwalay na ang mag-asawang Jennica Garcia at Alwyn Uytingco.

Ang dalawa ay parehas umalis sa showbiz at mas nag focus sa pagbuo ng sariling pamilya.

Sa loob ng anim na taon, naging tahimik ang pagsasama ng dalawa. Masaya din naman ang mga family bondings nila na makikita sa social media posts ng celebrity couple.

Nitong mga nag daang buwan, lumutang ang usap-usapan na dumating sa puntonng hiwalayan ang dalawa.

Ito ay matapos mag post ng malalalim na mensahe si Jennica sa kanyang Instagram. Nag tanong din siya kung paano palitan ang kanyang username na nakasunod naman sa apelyido ng asawa.

Taong 2014 nang ikasal sina Jennica at Alwyn. Nabiyayaan naman sila ng dalawang anak.

Kinumpirma naman ng aktres ang hiwalayan nila sa naging exclusive interview niya sa GMA Entertainment.

“From a family-of-four, we are now just a family-of-three, sacrifices must really be made,” nakakalungkot na pahayag ng aktres.

Subalit tumanggi naman ito mag bigay ng iba pang impormasyon tungkol sa hiwalayan nilang dalawa.

“That’s the most that I could say right now. It’s the reason din kasi talaga kung bakit kinailangan [ko] bumalik sa pag-a-artista,” mariing sagot ni Jennica.

Sa kabilang banda, tahimik din naman si Alwyn tungkol sa nakakalungkot na balitang ito. Hanggang ngayon, wala pang sinasabi ang former child star tungkol dito.

Lilipat na si Jennica kasama ang kanyang dalawang anak sa bago nilang tirahan para magkaroon ng “fresh start.”

Binenta na din niya ang ibang gamit nilang pamilya.

The post Alwyn Uytingco lubos ang pasasalamat sa pagbibigay ni Jennica Garcia ng ‘second chance’ sa kanilang pagsasama appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments