Looking For Anything Specific?

Andrew E, aminadong hindi nakapagpaalam kay Jeric Raval tungkol sa kissing scene nila ng ka-love team na si AJ Raval

Wala palang kaalam alam si Andrew E na anak ni Jeric Raval si AJ Raval. Na ka-kissing scene niya sa pelikula.

May mainit na eksena sina Andrew E. at AJ Raval sa bagong pelikula nilang Shoot Shoot. Na idinirehe ni Al Tantay sa Viva kasama rin si Sunshine Guimary.

At dahil Viva artist na rin ang tatay ni AJ na si Jeric Raval ay natanong si Andrew kung nagpasintabi siya sa kasabayan niyang aktor noong araw para sa kissing scene nila ng anak.

Aniya, “Kung pasintabi ang tanong hindi ako nagkaroon ng chance and the next thing I knew was meron na akong movie with AJ so, you know everything happened naturally and was never thought of that and kasi hindi ko naman alam na anak niya si AJ coming to the movies.

“Ako naman hindi ko rin alam na there was Shoot! Shoot! (movie) na magbabalik mula sa sa lunggaan 18 years ago biglang maghi-hit.  So, I never knew about that, I didn’t see it coming,” paliwanag ng aktor.

Pagbabalik tanaw pa ng komedyante, “Sabay kaming nag-artista o baka mas nauna siya o hindi 30 years ago. I just can’t remember and we landed on both sides o opposing camps, Viva ako and Octo (Arts) siya ‘di ba?

“Hindi ka nagkaroon ng chance na magkaroon ng camaraderie o ng friendship kasi nasa ibang mother unit or mother studio.

“But then again, sure ball ako na sa first time na na-meet ko siya nandoon pa rin yung pagiging action star niya and I really like it.  He lives to that genuine aura of an action star. And after that wala na, hindi na kami nagkita.”

Kaya hindi raw talaga nagkaroon ng chance na magpasintabi sa ama ni AJ sa gagawin nilang kissing scene sa pelikula.

Cristy Fermin, natutuwa sa pagpapaalam ni Aljur Abrenica kay Jeric Raval upang ligawan si AJ Raval!

Ang talk show host at kolumnistang si Cristy Fermin ibinahagi sa kanyang show ang patungkol sa tunay na relasyon ng aktres na si AJ Raval sa aktor na si Aljur Abrenica. Noon lamang October 7, sa isang episode ng kanyang show na ‘Cristy Ferminute’ isinalawat ng kolumnista ang pag-amin ni AJ sa panliligaw umano sa kanya ni Aljur Abrenica.

Dito kanyang pinuri si Aljur dahil hiningi nito ang permiso ni Jeric Raval upang ligawan ang anak nitong si AJ.

Saad pa nito, “Ang maganda kay Aljur, nagpupunta bahay nina Jeric at nagpaalam siya para manligaw sa anak ni Jeric na si AJ, ‘di ba? Nakakatuwa.”

Dagdag pa niya, “Mayroon lang siyang dapat asikasuhin dito talaga kung uuwi sa seryosong relasyunan ‘yung sa kanila ni AJ Raval. Kasal sila ni Kylie.”

Aniya pa, “Hindi natin pupwedeng i-deny na nagpakasal sila ni Kylie. At alam naman natin kapag kasal pa kayo wala ka pang karapatan na makipag-relasyon sa iba hangga’t hindi napapawalang-bisa ang una mong pakikipagbuklod sa iyong asawa. Siguro may mga usapan na ito.”

Si AJ Raval isang aktres, social media star and YouTube vlogger. Siya ay isa sa anak na babae ng action star na si Jeric Raval. Ang aktres ay napapanood sa movie na “Death of a Girlfriend,” kasama ang aktor na si Diego Loyzaga.

Ano ang inyong masasabi dito sa artikulong ito?

The post Andrew E, aminadong hindi nakapagpaalam kay Jeric Raval tungkol sa kissing scene nila ng ka-love team na si AJ Raval appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments