Isa ka ba sa mga nagka problema dahil sa mga tigyawat o pimples mo sa mukha nais mo ba itong mawala? Nakaranas kana ba na kung minsan ay ayaw mong makipag usap dahil ikaw ay nahihiya makihalubilo sa iyong mga kaibigan dahil sa iyong mga tigyawat.
Marahil kung isa ka sa mga nakakaranas ng ganitong problema subalit wala ka na dapat maging problema ngayon dahil marami na tayong paraan para mawala o alisin ang mga tigyawat o pimples sa ating mukha.
Narito ang ilang mga paraan upang mawala ang ating mga tigyawat sa mukha.
1. Maghilamos ng Mukha dalawang (2) beses kada araw.
Ang isa pinakaimportante upang maalis ang mga tigyawat o pimples ay ang paghihilamos ng dalawang beses sa isang. Paraan ito upang maalis ang dumi, impurities at iba pang excess oil sa ating balat.
Maaari din na maghilamos ng tatlong beses sa isang araw kung iyong nanaisin sa umaga, tanghali at sa gabi gamit ang malinis at maligamgam na tubig. Maaari ka rin gumamit ng facial cleanser pagkatapos maghugas ng mukha.
* Iwasan mong kuskusin ng matigas o magaspang na tela.
* Dahil ay pwedeng maging dahilan ng pagkakaroon mo ng mas maraming tigyawat at pwedeng maging dahilan ng pagdami paglala ng iyong tigyawat o pimples.
* kung naisipan mong maghilamos ng higit pa dalawa o tatlong beses sa loob ng isang araw .Siguro ay mas mabuti na huwag itong ugaliin dahil maaaring maging sanhi ito ng pagkatuyo ng iyong balat.
2. Iwasan galawin at putukin ang Tigyawat o Pimples.
Mas mabuting huwag palaging hawakan at galawin ang mga tigyawat sa mukha lalong lalo na ang paputukin ang mga ito upang hindi kumalat ang bakterya sa iyong mukha.
* Marahil kung minsan ay nanggigil ka sa iyong tigyawat kaya itoy iyong nagagalaw, subalit hindi ito makakatulong at posible itong maging dahilan ng acne scars.
* May pagkakataon din na hindi namamalayang hinahawakan mo na pala ang iyong mukha.
* Iwasan mo ring isandal ang iyong mukha sa iyong kamay habang natutulog.
3. Iwasan ang sobrang paggamit ng mga Skin Product.
Marahil sa panahon natin ngayon marami ng nagsilabasan , ibat ibang produkto ng pagpapaganda ng balat. At dahil sa dami , hindi natin matukoy kung saan o alin nga ang pinakaepektibong produkto.
Samantala ang paggamit naman nito ay hindi masama ngunit hindi maganda ang labis na paggamit nito dahil maaaring masira ang ating balat sa mukha sa labis na paggamit at imbes na kuminis at baka kabaligtaran ang maging resulta.
* Ang paggamit ng mabibigat na produkto o chémical, dail possible itong makasira sa iyong mukha o balat.
* Limitan mo ring sobrang eexpøse ng yung balat, sa pagpapalit palit ng mga skin cares. Para maiwasan ang pagkasira ng iyong balat
4. Uminom ng maraming Tubig
Ang pinaka-importante sa lahat ay ang pag-inom ng tubig, marami itong benepisyo sa ating katawan. Napapanatili rin nitong hydrated ang ating katawan na tumutulong maging makinis at mapintog ang ating balat. Mas mainam na uminom ng lima hanggang walong basong tubig sa loob ng isang araw.
* Ang pag inom ng tubig ay mabisang pangontra sa pagkulubot ng balat natural anti aging treatment.
* Pinapanatiling mamasa-masa, at hindi dry ang balat, sariwa, malambot, at makinis.
Source: Healthline
0 Comments