Looking For Anything Specific?

Bagong larawan ni Ivana Alawi na may carpet sa ibabaw ng kanyang kama pinuna ng ilang mga netizens ngayon!

Palaisipan sa marami ngayon ang carpet na nakalagay sa ibabaw ng kama ni Ivana Alawi.

Isa si Ivana sa pinaka sikat na internet personality sa ngayon. Kaya naman bawat kilos ng dalaga ay napupuna ng mga netizens.

Kamakailan nga lamang ay agad nag viral ang video nila ng aktor na si Marco Gumabao. Kung saan makikitang sweet sila sa isa’t-isa.

Napansin din ng marami ang paghawak ni Marco sa hita ni Ivana kaya naman nabigyan ito ng ibang kahulugan.

Matapos nito ay marami ding ebidensya ang naglabasan na tila matagal ng may pagtitinginan ang dalawa.

Ngunit magpasa hanggang ngayon ay tikom ang bibig nina Marco at Ivana ukol dito kahit pa man pinutakte ng mga netizens kung ano nga ba ang tunay nilang relasyon.

Samantala, panibagong palaisipan na naman sa mga taga hanga ng sikat na aktres at vlogger ang napansin ng mga netizens.

Ito ay kung bakit daw mayroong carpet na nasa ibabaw ng kanyang kama. Na kamukhang kamukha din ng carpet na nasa sahig ng kanyang kwarto.

Nakita nila ito sa altest photo upload ni Ivana sa kanyang social media accounts kung saan nag-flex siya ng kanyang bagong hairstyle.

Isa sa mga agad nakapansin at nag-iwan ng kanyang komento ay si Xian Gaza. Saad nito, “idol ba’t pati sa kama may carpet”

Narito naman ang sagot ng netizens sa tanong na ito ni Gaza:

“sapin yun…para hindi mamantsahan yung kama”

“dami mo talaga napapansin sa likod ano”

“mayaman sila sa carpet, walang mapaglagyan na”

“para hindi mag mantsa yung ano, wag na nga lang magtalk”

“para walang Ebidensya HAHA”

“Pang kuskos ata yan sa paa sa mga hindi makatulog parang sa kulambo?

Ikaw sa tingin mo para saan nga ba ang carpet sa kama ni Ivana?

Ivana Alawi, Ni-reject Ang Isang Napakayamang Manliligaw Na May-ari Ng Isang Private Jet

Hindi maitanggi na isa si Ivana Alawi sa mga personalidad na kilala at hinahangaan ngayon. Tinawag pa nga ang 23-taong-gulang na aktres na bagong “Crush ng Bayan”. Sa kaniyang hitsura, katawan, kasikatan, at kayamanan, hindi maipagkakaila na marami ngang mga kalalakihan ang pinapangarap na maging kasintahan siya.

Gayunpaman, hindi lahat ng kaniyang manliligaw ay nagkakaroon ng pagkakataon para siya ay makausap.

Kamakailan lamang, sa isa sa kaniyang mga vlogs sa kaniyang YouTube channel, ibinahagi ni Ivana ang isa sa kaniyang mga karanasan sa isang manliligaw.

 

Ayon kay Ivana, ang nasabing lalaki ay napakayaman umano at nagmamay-ari ito ng isang private jet. Ang hindi pinangalanang lalaki ay isang avid follower ni Ivana at madalas din itong nagse-send ng mga direct messages sa aktres.

Saad ng social media star, inimbitahan umano siya ng lalaki na magpunta sa Japan noong nakita nito na nais kumain ni Ivana ng Japanese food sa kaniyang Instagram post.

 

Aniya,

“Parang nagki-crave ako nag-post ako sa Instagram. Matagal na siya nagdi-DM sa Instagram. Sabi niya, “Puwede ba kita ligawan? Sunduin kita ng private jet. Tapos punta tayo ng Japan, tapos kakain tayo dun”.

“Tapos, parang ako, sa tingin mo sasama ako sa’yo papunta ng Japan dahil lang may jet ka? No!”

 

Ayon kay Ivana, tinanggihan umano niya ang nasabing lalaki.

“Ni-reject ko yun. Ang yabang! Hindi siya bongga. Mayabang. Pinakamayabang yun.”

Dagdag pa ni Ivana, bukod umano sa hindi magandang pag-uugali ng isang lalaki, hindi din mahuhulog ang loob niya kahit sa mga romantic gestures pa yan.

Ani ng aktres,

“Eto lang masasabi ko, hindi porke’t may pera ka makukuha mo lahat ng gusto mo. Sometimes you just have to be good to people. You have to be friendly. Kung gusto mo makipagkaibigan, makipagkaibigan ka. Pero hindi porke’t, ‘Ay, may jet ako’, lahat ng babae sasama sa’yo.”

 

Naiirita naman si Ivana sa tuwing naalala niya ang lalaki. Akala siguro ng lalaki ay mabubulag o makukuha niya ang aktres sa kaniyang yaman.

Nitong nakaraan lamang, sinabi ni Ivana na mas pinapahalagahan niya ang pagiging tunay ng isang tipikal na manliligaw. Sinabi din niya sa kaniyang pamilya na huwag siyang bilhan ng mga mamahaling regalo sa mga spesyal na okasyon.

“Mas gusto ko po yung simple. Dalhin mo ako sa bulalo, kwekwek. Pero yung yayabangan mo ko? Ay, ni-reject ko talaga.”

The post Bagong larawan ni Ivana Alawi na may carpet sa ibabaw ng kanyang kama pinuna ng ilang mga netizens ngayon! appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments