Ben Tulfo, may mainit na buwelta sa naging komento ni Vice Ganda!
Walang prenong nilapastangan ni Ben ang komedyanteng si Vice Ganda sa kanyang programang Pambansang Sumbungan.
Tila tinamaan kasi ang broadcaster sa naging komento ng It’s Showtime host tungkol sa mga taong mahilig umano gumamit ng bible verses pero sumusuporta ng magnanakaw.

Ani ni Vice, “Di ba, may mga gano’n? ‘Yung post ka nang post ng mga Bible quotes sa social media pero sumusuporta ka naman sa magnanakaw.”

Sa kabilang banda, inamin naman ni Ben na personal siyang tinamaan sa naging pahayag ng komedyante. Gumagamit din daw kasi ng bible verses ang kanilang programa.

Nanggagalaiting sagot ni Ben, “Wag na wag mong sasabihin ulit, hindi mo ige-generalize. Kasi kami, we feel na yung sinasabi mo, parang pati kami hagip d’yan. Dapat nilinaw mo.”

Dagdag niya, “Pino-post namin sa social media, yung mga sinasabi ho namin, mga Bible verses, ano ho yung verses? Naniniwala ho kami dito, may pananampalataya po kami dito.”

Paliwanag ng broadcaster, hindi daw nila ginagamit ang bibliya para makahakot ng suporta. May paniniwala daw talaga sila dito.
Sa sobrang galit ni Ben, nilait at may side comments pa ito kay Vice Ganda.
Hindi pa sumasagot ang komedyante sa naging talak ni Ben Tulfo tungkol sa kanya.
Vice Ganda, may patama kay Ate Gay at sa nang-okray sa P20K na itinulong niya nang magkasakit ito?

Tila may tugon na si Vice Ganda tungkol sa naging pahayag ni Ate Gay tungkol sa mga taong tumulong sa kanya.

Kamakailan nga lamang ay naging usap-usapan ang post ni Ate Gay kung saan kinlaro niya. Na hindi si Vice ang nagbayad ng hospital bill niya noon.

May netizen kasing nagkomento na sana raw ay hindi na siya tinulungan ni Vice na bayaran ang kanyang hospital bill noong magkasakit ito.

Sumagot si Ate Gay, at nilinaw na ang kapatid niya ang nagbayad sa hospital bill na umabot ng P600K.

Nag-abot din daw ng tulong sa kanya si Vice, pati ibang artista gaya nina Paolo Ballesteros, Beks Battalion, Ogie Diaz, Ogie Alcasid, at Teri Onor. Pero ginamit niya ito sa ibang gastusin, gaya ng renta ng condo unit niya at maintenance ng kanyang ina.

Inilista pa ni Ate Gay ang halaga ng perang itinulong ng mga kaibigan niya: Paolo Ballesteros (P30K).

Beks Battalion (P30K), Teri Onor (P20K), Vice Ganda (P20K), Ogie Alcasid (P10k), at Ogie Diaz (P10K).
Nakasaad sa kanyang post na burado na ngayon. Na 20K ang ibinigay ni Vice Ganda at 600K naman ang binayaran ng kanyang kapatid.

Aminadong naapektuhan si Ate Gay sa batikos sa kanya ng netizens. Ito raw ang nag-udyok sa kanya para ilista ang halaga ng itinulong ng kanyang showbiz friends.
Ngunit ng dahil dito ay nakatanggap umano ng batikos si Vice. Kaya naman sa kanyang pahayag sa Sept. 16 episode ng It’s Showtime ay may pasaring ito.
Aniya, “Tumulong na ako nang kusa, ayoko nga magpa-acknowledge, kaya hindi ko sinasabi. Pero ‘yung nilabas mo pangalan ko, tapos inokray pa ako ‘bakit 20,000 lang ang binigay mo?’ nasaktan ako. Kapag hindi ka tumulong, parang ang sama mo; ‘pag tumulong ka, kukwestyunin pa: ‘Bakit ‘yun lang ang tinulong mo?’ That hurts.”
The post Ben Tulfo, galit na pinagsabihan si Vice Ganda matapos itong magpayag tungkol sa mga taong nagpo-post umano ng Bible verse sa social media! appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments