Looking For Anything Specific?

Charice Pempengco, Uniti-unti Na Raw Nauubos Ang Mga Naipundar At Mga Properties Ay Nabenta Na

Ika nga ng marami, walang permanenteng bagay sa mundo, tanging pagbabago lamang. Tulad na lamang sa mundo ng showbiz. Maaaring ang kasikatan at karangyaan tinatamasa ngayon ng mga sikat na artista ay maaaring magbago sa paglipas ng panahon. Maaaring sila ngayon ang pinakamayaman at kilala na artista sa bansa ngunit hindi din natin masasabi kung ito ay hanggang kailan dahil maaaring sa paglipas ng panahon ay unti-unti ding mawala o magbago ang tagumpay at kasaganaan na mayroon sila ngayon. 

Kaya naman kung ang isang artista ay hindi maayos sa paraan sa paghawak ng pera na kaniyang kinikita at patuloy lamang ang paggastos niya dito ay tiyak na ito ay magiging isang mas malaking problema.

Marami sa atin ang nakasaksi sa simula hanggang sa pagtatagumpay ng karera ni Charice Pempengco. Sa kaniyang galing sa pag-awit, hindi na nakakapagtaka kung bakit siya ay hinahangaan ng maraming mga Pilipino at nang iba pang mga lahi. Siya ay nakasama na din sa mga kilalang programa at indibidwala sa buong mundo.

Ngunit kamakailan lamang ay ginulat ng kaniyang lola na si Lola Tess ang publiko tungkol sa rebelasyon nito na unti-unti na umanong nauubos ang mga ari-arian na naipundar ng singer.

Ayon sa ulat mula sa Pilipino Star Ngayon, sinabi umano ni Lola Tess na naibenta na ni Charice ang mansion, condo nito sa Laguna, apartment sa Cabuyao, dalawang apartment sa Amerika, at maging ang negosyo nito sa Amerika ay wala na din.

Sinabi ni Lola Tess na hindi niya mapigilan na mag-alala at mangamba para sa kaniyang apo dahil baka tuluyan nang mawala lahat ng mga pinag-ipunan nito at ito ay bumalik sa wala.

Bukod pa diyan, naglabas din ng sama ng loob si Lola Tess nang palitan ng kaniyang apo ang kaniyang pangalan na Charice bilang Jake Zyrus.

Ani Lola Tess,

“Hindi ko apo si Jake Zyrus.”

Dagdag pa niya,

“Sino ba si Charice Pempengco? Apo ko. ‘Yong Jake Zyrus, hindi ko apo iyan. Hindi ko kilala yan!”

Mariing pahayag ng lola,

“Kahit ikam4tay ko, anak, hindi ko kukunsintihan na maging Jake Zyrus ka.”

Sinabi pa ni Lola Tess na hindi siya nagsalita noong umamin si Charice na siya ay isang l3sbian ngunit ibang usapan na daw ang pagpapalit nito ng pangalan.

Aniya,

“Hindi tama yun! Diba nung unang-una ang apelyido ang tinanggal? Hindi rin ako pumayag.”

Dagdag pa ni Lola Tess,

“Kahit anong gawin man na palitan niya ang pangalan niyang Jake Zyrus, anong mangyayari, si Charice Pempengco pa rin ang hahanapin ng mga tao.”

Nakakalungkot lamang isipin ngunit lahat talaga ng mga bagay sa ating mundo ay maaaring mabago sa paglipas ng panahon. Kaya naman ay dapat tayong makinig sa payo ng ating mga magulang na ugaliin nating magpasalamat at makuntento sa mga bagay na mayroon tayo dahil ito ay maaaring mawala sa atin kung hindi natin iingatan ng mabuti.

Jake Zyrus, Galit Na Galit Na Binuweltahan Ang Mga Taong Hinahanap Pa Rin Si Charice Pempengco

Taong 2017, Hunyo, nang magbago ang pangalan ni Charice at nagpakilala sa publiko bilang si Jake Zyrus. Naging kontrobersyal na isyu ito sapagkat pinag-usapan talaga ito ng mga tao.

Kung kaya naman, hindi maitatangging galit na galit ito sa kaniyang mahabang post na nasa anyong malalaking titik pa ang lahat ng mga salita.

Nito lamang, naglabas ng sama ng loob ang transman singer sa kaniyang Instagram stories,  ika-19 ng Mayo, tungkol sa mga netizens na nakakabastos na umano ang mga pinagsasasabi tungkol sa kaniyang katauhan.

Ang saloobing itoni Jake ay maaaring may kinalaman sa bago niyang kanta, na nilabas niya sa Apple Music na “Fix Me” ilang araw ang nakakaraan.

Panimula ni Jake: “I DON’T CARE IF YOU WANT TO LISTEN TO MY CHARICE SONGS ALL DAMN DAY OR IF YOU HEAR MY CHARICE VOICE IN MY FALSETTOS, BECAUSE OF COURSE YOU DUMBASS MF, BOSES KO PARIN YON. NAG-TRANSITION LANG.

“SABI KO WAG NA PATULAN MGA GANUNG TAO KASI NAGIGING FEELING NA, PERO HINDI KASI BASTOS NA TALAGA ANG IBA.

“OKAY AKO KUNG I-COMPLIMENT MONG NARIRINIG MO KASI TOTOO NAMAN YON.

“PERO PARA IPANGALANDAKAN MO NA ‘CHARICE IS COMING BACK’ AND ALSO BINABASTOS NA ANG PAGKATAO KO NANG DAHIL LANG DOON, GET YO MF TRANSPHOBIA ASS AWAY FROM ME.

“FEELING ALAM ANG SINASABI. PATALINO EFFECT. ENTITLED.”

Sinabi pa nito, noon daw ay hinahayaan niya na lamang ang mga panghihinayang ng netizens sa sa kaniyang pag-pa-patransition bilang lalaki at nami-miss daw ng mga ito si Charice Pempengco, na dati niyang katauhan.

Ngunit, ngayon daw ay hindi na niya palalampasin ang mga ganitong pangyayari.

Bukod pa sa iba, mayroon ding mga miyembro ng lesbian, gay, bisexual, transgender at queer (LGBTQ) community na nambabatikos sa kaniya.

Samantala, nagpasalamat naman si Jake sa mga rumespeto sa kaniya.

The post Charice Pempengco, Uniti-unti Na Raw Nauubos Ang Mga Naipundar At Mga Properties Ay Nabenta Na appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments