Ang talk show host at kolumnistang si Cristy Fermin ibinahagi sa kanyang show ang patungkol sa tunay na relasyon ng aktres na si AJ Raval sa aktor na si Aljur Abrenica. Noon lamang October 7, sa isang episode ng kanyang show na ‘Cristy Ferminute’ isinalawat ng kolumnista ang pag-amin ni AJ sa panliligaw umano sa kanya ni Aljur Abrenica.

Dito kanyang pinuri si Aljur dahil hiningi nito ang permiso ni Jeric Raval upang ligawan ang anak nitong si AJ.
Saad pa nito, “Ang maganda kay Aljur, nagpupunta bahay nina Jeric at nagpaalam siya para manligaw sa anak ni Jeric na si AJ, ‘di ba? Nakakatuwa.”

Dagdag pa niya, “Mayroon lang siyang dapat asikasuhin dito talaga kung uuwi sa seryosong relasyunan ‘yung sa kanila ni AJ Raval. Kasal sila ni Kylie.”
Aniya pa, “Hindi natin pupwedeng i-deny na nagpakasal sila ni Kylie. At alam naman natin kapag kasal pa kayo wala ka pang karapatan na makipag-relasyon sa iba hangga’t hindi napapawalang-bisa ang una mong pakikipagbuklod sa iyong asawa. Siguro may mga usapan na ito.”

Si AJ Raval isang aktres, social media star and YouTube vlogger. Siya ay isa sa anak na babae ng action star na si Jeric Raval. Ang aktres ay napapanood sa movie na “Death of a Girlfriend,” kasama ang aktor na si Diego Loyzaga.
Ano ang inyong masasabi dito sa artikulong ito?
Netizens, Binansagang “Tirador Ng Mga Anak Ng Action Stars” Si Aljur Abrenica

Tila may bagong tawag ang mga netizens ngayon sa actor na si Aljur Abrenica matapos umamin aminin ni AJ Raval ang tungkol sa estado ng kanilang relasyon.
Usap-usapan ngayon sa social media sina Aljur Abrenica at AJ Raval. Ito ay matapos aminin ng actress ang tungkol sa estado ng relasyon nila ngayon ni Aljur.
Sa exclusive interview ni AJ sa PEP.ph, sinabi nito na nasa getting to know each other stage na sila ni Aljur ngayon.
Inamin din niya na madalas din silang magkasama at magkita ng actor. Ngunit nilinaw niya na wala pa silang relasyon.
Si Aljur din ang tinutukoy ni AJ na kaniyang manliligaw na boyfriend material umano sa vlog ni Donnalyn Bartolome.
Samantala, nananatili namang tahimik tungkol dito si Aljur habang si AJ ay hayagan namang inamin sa publiko ang tungkol sa namamagitan sa kanila ng actor.
Maraming mga netizens ang ikinabit ang mga larawan ni Aljur habang nagkakape sa isang video ni AJ na ipinakita ang hitsura ng binata ng kaniyang kwarto. Malaki kasi ang pagkakahawig nito sa larawan ng actor.
Tugman din sa mga intrigang kinasasangkutan ng dalawa sa mga larawan at video na ibinahagi ni Xian Gaza.
Kaya naman ang mga netizens ay binansagan si Aljur na ‘tirador ng mga anak ng action stars’. Ito ay dahil kakahiwalay lamang ng actor sa kaniyang asawa na si Kylie Padilla na anak naman ng action star na si Robin Padilla.
Samantala, si AJ ay anak naman ni Jeric Raval, isang sikat na action star noong 90s.
Marami pa nga sa mga netizens ang nagbiro at sinabi na baka si Grace Poe na anak ni Da King FPJ naman ang isusunod ni Aljur.
Narito ang mga komento mula sa mga netizens:
“Kabahan na mga anak ni cesar montano gigil moko aljur! Letche ka!”
“Know the difference of “Boyfriend material” and “Husband material” jusko Aj kalma mo yan may mas deserving pa sayo, sira lang career mo dyan.”
“nako Grace Poe , magtago ka na ikaw yata isunod”
“Lupit ni aljur.. Mga babaerong tatay din ang ginagantihan”
The post Cristy Fermin, natutuwa sa pagpapaalam ni Aljur Abrenica kay Jeric Raval upang ligawan si AJ Raval! appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments