Kamakailan lamang sa pinaka-latest na balita ni Cristy Fermin sa kanyang Cristy Ferminute noon lamang October 22, 2021. Diretsahan niyang sinagot ang naging pasaring sa kanya ni Kylie sa twitter.
Dito kanyang sinabi ang dahilan kung bakit nagalit si Kylie sa kanyang post, ito ay marahil dahil sa pagpuri ng kolumnista sa sexy-actress na si AJ Raval kung saan ito ang naiiugnay sa kanyang ex-husband na si Aljur Abrenica.
Saad niya, “Okay, eto ka ngayon, meron kang ipinost na ganito at nagagalit ka sigurado dahil pinuri ko si AJ Raval. Gusto kong sabihin sa yo na yung papuri ko kay AJ Raval ay galing sa puso.”
“Hindi iyon sinabi lang ng bibig at galing sa ilong. Akoy humahanga sa mga taong, marunong tumanggap ng pagkakamali. Yung nilulunok nila yung kanilang pride at hindi lang yung laway nila kapagka kailangan”.
Pahayag pa ni Cristy, mas humahanga umano siya kay AJ dahil mas marunong daw itong tumanggap ng kanyang pagkakamali. At bibihira lang daw ang kagaya niya na kapag nakagawa ng pagkakamali ay humihingi agad ng tawad sa lahat ng taong naapektuhan niya.
Aniya pa, “Bibihira ang tulad ni AJ Raval na nakagawa ng pagkakamali pero humingi agad siya ng paumanhin, sa publiko, sa mga taong naapetkuhan, lalo na sa iyo.”
“Si AJ Raval ay hindi tulad ng ibang personalidad, na buking na buking na alam na alma na pati ng konsensya niya na siya’y nagkakamali, pero nagmamaldita pa at nagyayabang. Iyon ang dahilan kung bakit ko pinuri si AJ Raval,” sabi pa ng kolumnista.
Dagdag pa ng kolumnista, gusto niya rin daw ang personalidad ni AJ dahil hindi daw ito nagmamaldita at nagyayabang. Kaya buong puso daw niyang pinupuri ang dalaga. Hindi rin daw nakakapagtaka kung bakit nakuha ng aktres ang puso ni Aljur.
Panoorin ang kabuuang detalye kay Cristy Ferminute:
AJ Raval, hindi na nakapagtimpi at ibinahagi ang patama sa mga netizens na walang laman ang utak
AJ Raval, may kasagutan na sa kanyang ex-boyfriend na si Axel Torres at sa mga taong nanghuhusga sa kanya.
Matapos ang naging kontrobersiya tungkol kay AJ at mangliligaw nitong si Aljur Abrenica, nag post ng cryptic messages ang ex ng aktres sa kanyang Instagram.
Noong una ay nag post si Axel ng kanyang larawan na may malalim na caption tungkol sa kanyang “ex.”
Sumunod naman nito ay Instagram stories kung saan nilagyan niya ng lyric caption sa kanta ni Olivia Rodrigo na Traitor.
Ang mga larawan ay si AJ pero nakatakip naman ang mukha ng aktres.
Sa kabilang banda, may isang netizen na nag call out sa aktres dahil nagsinungaling umano si AJ sa vlog ni Donna na hindi pa niya naranasan ma-surprise.
Sagot ni AJ, “I think I have to answer this, actually yung photo na nakita niyo ako ang nag shopping don and nag arrange nag pa pic lang ako kasi valentines day yon gusto ko lang mag post na sinurprise din ako.”
Dagdag pa niya, “Tama na ang pagmamagaling ha? Wala kayong alam”
Sa huli, pinasaringan din ni AJ Raval ang mga taong puro ingay lang daw ang alam.
The post “GALIT KA DAHIL PINURI KO SI AJ RAVAL”, Cristy Fermin sinabing ito ang dahilan kung bakit siya pinasaringan ni Kylie sa Twitter! appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments