Looking For Anything Specific?

Ganito Pala Kagalante At Kabait Na Kaibigan Si Gretchen Barretto Na Hindi Alam Ng Marami

Nitong isang araw ay namahagi ang actress na si Gretchen Barretto ng mga kahon-kahon na pagkain sa kaniyang mga kaibigan sa industriya.

Tila maagang pamasko nga ito ni Gretchen sa mga taong malalapit at mahahalaga sa kaniyang buhay. Labis naman ang pasasalamat ng mga nakatanggap sa mga ibinigay na ito ni Gretchen sa kanila.

Ilan sa mga nakatanggap ay sina Ellen Adarna at ang kaniyang anak na si Elias Modesto. Gayundin ang mag-inang sina Candy Pangilinan at Quentin. Nakatanggap din ang pamilya ng dermatologist ni Gretchen na si Dra. Aivee ng Aivee Clinic. Ganoon din ang mga anak ni Nadine Samonte.

 

Pero maging si Gretchen ay nakatanggap din ng special na cake na gawa mismo ng kaniyang kaibigan na si Bing Loyzaga.

Samantala, lubos naman ang pasasalamat ng mga personalidad na nakatanggap ng munting regalo kay Gretchen at maging ang mga anak nito ay nagpapasalamat din sa munting handog sa kanila ng actress.

 

Marami naman sa mga netizens ang pumuri kay Gretchen dahil sa pagiging mabuti nito, lalo na sa kaniyang mga kaibigan. Marami din ang mas lalo pang humanga sa actress dahil sa kabutihang loob nito, hindi lamang sa mga bata at malalapit niyang kaibigan, kundi maging sa mga taong nangangailangan din.

Narito ang ilang komento mula sa mga netizens:

“Gretchen B is real generous person. Aside from giving gifts to children and friends, she never fails giving and helping too to other ordinary people”

 

“Masarap makatanggap ng gift mula sa kaibigan, kahit mayaman ka.oh mahirap pg nkakatanggap tyo ng gift dba an saya at napakagaan ng pakiramdam kasi may isa tayong kaibigan na labis tayong pinapahalagahan. God bless Gretchen. ”

“Pretty Gretchen it ads to your beautiful Person being Generous n thoughtfulness this pandemic,am your Fan always excited to see news from you, Sana All has a Sweet pretty Friend like You ”

Gretchen Barretto, Muntik Ng Masubsob Dahil Nakipaghabulan Sa Kaniyang Mga Alaga!

Si Gretchen Barretto ay isa sa mga kontrobersyal at kilalang personalidad sa Pilipinas. Siya ay unang nakilala ng publiko dahil sa kaniyang husay pagdating sa pag-arte. Isama mo pa ang kaniyang taglay na kagandahan. Kahit nga siya ay 51 taong gulang na ngayon ay kapansin pansin pa din ang kaniyang kagandahan at kaseksihan.

Sa kabila ng kaniyang kasikatan noon ay pinili ni Gretchen na iwan ang showbiz limelight at mamuhay kasama ang kaniyang partner na si Antonio “Tonyboy” Cojuangco at ang kaniyang anak na si Dominique. Madalas ay lumalabas pa din naman siya sa ilang mga TV shows at nagu-update sa kaniyang mga social media accounts tungkol sa kaniyang buhay.

 

Hindi maipagkakaila na isa si Gretchen sa mga personalidad na namumuhay ng marangya.

Kamakailan lamang ay nag viral online ang video na in-upload ni Gretchen sa kaniyang social media accounts ang video tampok ang kaniyang aso na mayroon pang sariling sasakyan, yaya, at driver!

Sa nasabing video, makikita na nagpapaalam na si Gretchen sa kaniyang minamahal na aso habang ito ay buhat ng yaya nito. Sinabihan pa ng aktres ang yaya ng kaniyang aso at driver nito na alagaan at mag-ingat sa pagmamaneho.

Samantala, sa isang bahagi pa ng video ay makikita naman si Gretchen na tila hinahabol ang manok na sinasabi na kanilang panab0ng umano. Sa isang punto ng video, ibinahagi din ng aktres ang paghahanda na kaniyang ginagawa dahil hindi umano siya sinwerte sa nakaraang laro niya.

Kaagad naman naging usap-usapan sa social media ang nasabing video ni Gretchen at umani ng samu’t saring reaksyon mula sa mga netizens. May ilan na natuwa sa pagiging sosyal ng mga aso ni Gretchen dahil talagang mayroon pang sariling driver, sasakyan, at yaya ang mga ito. Gayunpaman, may ilan naman ang hindi nagustuhan ang pagsusu6al ng aktres.

The post Ganito Pala Kagalante At Kabait Na Kaibigan Si Gretchen Barretto Na Hindi Alam Ng Marami appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments