Looking For Anything Specific?

Gretchen Barretto, pina-wow ang mga netizens dahil sa kanyang kagandahan na walang kupas matapos ibahagi ang bagong larawan

Looking young and fresh umano si Gretchen Barretto ayon sa maraming netizens.

Nakakabighani ang kagandahan ni La Greta kahit pa noong kabataan niya. At tila lalo pa siyang gumaganda sa kanyang pagtanda.

Kahit maraming pinagkaka-abalahan sa buhay naging maalaga siya sa kanyang balat, mukha, at pangangatawan. Ageless beauty kumbaga.

At ito nga ang napansin ng mga netizens sa latest photo ni Gretchen na ibinahagi niya sa kanyang Instagram account.

Sa nasabing litrato ay nakasuot si Gretchen ng old rose pink dress na tinernuhan niya ng nude color sandalsTila naging teeanager model siya. Kahit pa na 51` years old na siya ngayon.

Aniya sa caption, “Make me blush Happy Hour begins”

 

Hindi nga lamang mga netizens ang nakapansin ng pagiging young looking at glow ni La Greta. Pati na din ang ilang celebrities ay napa wow sa kanyang ganda.

Ilan sa mga pumuri kay Gretchen ay sina  Sofia Andres, Zsa Zsa Padilla, Shaina Magdayao, Pokwang, Jackielou Blanco, Mariel Padilla at madami pang iba.

Wow na nga lang din ang nasambit ng kanyang unica hija na si Dominique Cojuangco na kaka-engaged lamang sa kanyang non-showbiz boyfriend.

Narito naman ang ilan sa komento ng netizens:

“Super Gorgeous as always”

“Thirty, flirting, and thriving!”

Always beautiful!!!”

“so pretty Tita Gretchen”

Gretchen Barretto, Inamin Na Ginamit Lang Siya Ni Tonyboy Cojuangco Sa Loob Ng 27 Years Nilang Pagsasama

Diretsahang inamin ng dating actress na si Gretchen Barretto na siya ay ginagamit lamang ng kaniyang partner na si Tonyboy Cojuangco sa loob ng 27 taon nilang pagsasama.

Sa kaniyang Instagram post, kinagiliwan ng maraming netizens ang mga video na in-upload ni La Greta.

Makikita sa nasabing video si Gretchen habang nakikipagkwentuhan sa kaniyang mga kaibigan at kasama din niya ang kaniyang longtime partner na si Tonyboy.

Ito ay isang intimate dinner habang sila ay nagkakasiyahan at nagboboding magkakaibigan. Sa unang video, sinabi ng actress ang isang big revelation na ikinagulat ng marami.

 

 

Sa nasabing video, maririnig kasi ang pagpuri ni Tonyboy sa kaniyang partner.

Saad ng business tycoon,

“Sa dami dami ng babae dito pero sa totoo lang si Gretchen pa rin ang pinakamaganda.”

Biniro naman ni Gretchen si Tonyboy at sinabi na hindi niya narinig ng maayos ang binanggit nito. Sa isa pang video, nagsalita naman si Gretchen at inihayag ang big revelation.

Natatawang sambit ni Gretchen habang tinuturo si Tony,

“Imagine that revelation after twenty seven and a half years, na-realized ko ginamit lang ako nitong mamang to.”

Dagdag pa niya,

“He said, kaya ko lang naman sinamahan `yan kasi ang ganda-ganda niya. Eh, paano ‘pag hindi na ako maganda?”

 

 

Saad pa ng actress,

“Bingi na siya! Hahahaha!”

Pangungulit na tanong ni Gretchen kay Tonyboy,

“Paano nga kung biglang hindi na ako maganda? Paano ‘yan Dada?”

Sagot naman ni Tony,

“Can I finish?

“Can I finish? I really need a smart answer, sabi niya. Hahahaha!”

Tumatawang saad ni La Greta,

“Okey take your time. As long as it’s the answer I wanna hear…”

 

 

Samantala, marami naman sa mga netizens ang naaliw sa kulitan ng dalawa. May ilan namang netizens ang nagsabi na kahit ilang taon pa ang lumipas ay nasisigurado nila na hindi kukupas ang taglay na kagandahan ni Gretchen.

The post Gretchen Barretto, pina-wow ang mga netizens dahil sa kanyang kagandahan na walang kupas matapos ibahagi ang bagong larawan appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments