Hindi na napigilan ng Kapuso actress na si Heart Evangelista ang kanyang sarili na patulan ang mga basher.
Ayaw pa ring tantanan si Heart Evangelista ng kanyang basher. Lagi na lamang sinisilip ng mga ito ang hindi pa niya pagkakaroon ng anak.

Matatandaan na ‘nakunan’ si Heart sa kambal na magiging anak sana nila ni Chiz Escudero. Tatlong buwan na sana ang kanyang nasa sinapupunan ng mawalan ito ng heartbeat.

Nangyari ito taong 2018 at tatlong taon na nga ang nakakalipas ay hindi na muling nagbuntis si Heart.

Ilang beses na din ibinabahagi ng aktres na magpasa hanggang ngayon ay masakit pa rin sa kanya ang nangyari. Tila nagkatrauma si Heart kaya hindi pa umano niya kayang masundan ang kanilang nawalang kambal.

Bagamat bukas sa publiko ang malungkot na pangyayaring ito sa aktres ay hindi pa din nawawala ang mga basher. Na laging kumekwestyon sa hindi niya pa pagkakaroon ng anak.

Kamakailan nga lamang isang netizen ang tinawag siyang ‘baog.’ “Kahit ilang honeymoon pa yan baog ka pa den d ka na magkakaanak,” saan ng nasabing netizen.

Tila napikon naman si Heart sa komentong ito at hindi niya ito pinalagpas. Napamura na rin si Heart dahil sa below the belt na comment na ito.

Matapang na sagot dito ng aktres, “Ul0l- the only word you can understand.”

Hindi ito ang unang pagkakataon na sinagot ni Heart ang mga basher niya. Kamakailan nga lang din ay sinagot niya ang mga nagsasabing kaya ayaw niya magbuntis ay dahil baka masira ang kanyang figure.

Aniya, “stop telling me to get pregnant unless you really want to hurt me. Nobody knows the real struggle. Also may I add life is good people I love are fine and everything else in between is ok so bonus nalang if I do conceive, again it’s my body”
Heart Evangelista, Ibinahagi Kung Bakit Hindi Siya Mabuntis Ng Kanyang Mister Na Si Chiz Escudero
Sa latest vlog ni Heart Evangelista, nagsalita na tungkol sa mga paratang na kung saan nabuntis di umano siya nung siya ay dalaga pa.
Sagot ng aktres, hindi siya nabuntis noong siya ay dalaga pa, ngunit kung nangyari umano ay kanyang aalagaan dahil ito ay biyaya galing sa Panginoon.
“Definitely, no. But if I had a baby whether when I was your or whether I was expecting or not, I always believe that a baby is a blessing,” ani Heart.

“No, I was never married before. But I thought of getting married a couple of times,” dagdag pa niya.

“I did get a ring, but it was just a promise ring. It was shaped like a heart, and they used thre diamonds cut to be shaped like a heart—like an illusion diamond,” paliwanag ng aktres.

“And I remember when I got my engagement ring, it was a whole shaped diamond ring. And then I remember Chiz (Escudero) said, ‘Oh! Buo na yan!’ I found that cute, and it was funny,” dagdag pa niya.
Sinagot din niya ang tanong na kung saan hindi na umano sila nagtatabi ng kanyang asawang si Chiz sa isang higaan.
“Of course we share the same room! Minsan minsan na ng lang kami magsama, ‘di pa kami magshe-share?,” sabi pa niya.

Mismong si Heart na nagsabi na takot siyang mabuntis.
“To be honest with you, I am because this is my job, I am not going to deny that,” sabi pa niya.

“But for me not to want to have a baby because of that, it’s a no. Parang hindi naman ganu’n kagrabe. That was my fear before, but the moment I got pregnant, welcome ko naman siya, so I know it’s not an issue for me.” dagdag pa niya.

“Grabe ka naman, breastfeeding makes you lose weight, ‘di ba? That’s if mabubuntis ako! E, ang tagal ko na ngang ‘di nabubuntis. Ano ba ‘to!” sabi pa niya.

“Malapit na! After ng pandemic, mag-o-option C na ako. Nag-B na ako, so C na ako. Bigyan lang natin ng chance. Kasi nga, kapag dumarating na si Chiz, tapos na ‘yung week na fertile ako. Nakakainis!” pahayag ng aktres.

“You know, it’s not easy to get pregnant, ha! You only have a few days, the window is three to five days. Pero kapag nagkabagyo at nandu’n si Chiz, o, selfish ba ako? Pag nandu’n siya, magda-drive ba siya dito ng nine hours para nandito siya sa window na fertile ako?” dagdag pa niya.

“Mahirap talaga ang situation pero after the pandemic, maghintay lang kayo. And stop asking if I am buntis or if I have a baby bump kasi BonChon nga lang yan!” dagdag pa niya.
“Sometimes it makes me sad, but I’ve accepted it because I am grateful for my life, and I know it will happen!,” huling sagot niya.
Panoorin ang buong video:
The post Heart Evangelista, walang pag-aalinlangan na minura ang netizens na nagsabi sa kanya ng ‘Baog’ appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments