Hindi mailarawan ang sayang nadarama ni Herlene ‘Hipon Girl’ Budol sa sorpresang ibinigay sa kanya ni Ivana Alawi.
Naging guest ni Ivana Alawi si Herlene sa kanyang latest vlog. Kung saan kasabwat niya pa ito para i-prank ang kapatid niyang si Hashim.
Marami pa nga ang humanga sa galing ni Herlene umarte sa prank na ginawa nila dahil paniwalang paniwala si Hash.

Gumawa kasi ng challenge sina Hash at Ivana na kukuha ng phone numbers ng mga random people na kunwari’y makakasalubong lamang nila sa Bonifacio High Street.

Naging matagumpay naman ang unang part ng challenge. Subalit nagkunwaring nagutom si Ivana at nag-ayang kumain.

At naroon nga si Herlene sa resto na kanilang pinuntahan para maging kasabwat sa prank na gagawin ni Ivana sa kapatid.

Tinuro ni Ivana si Herlene kay Hash at sinabing pwede din nitong kuhain ang number ng dalaga. Nilapitan nga ni Hash si Hipon Girl na hindi niya agad nakilala dahil umano sa wig na suot nito.
Hindi lang din numero ang nakuha ni Hash kay Herlene, dahil nakipagkwentuhan din ito sa kanya. Subalit nang biglang dumating pa ang isang kasabwat na si ‘Kelly’ na nagkunwari naman boyfriend ni Hipon Girl, doon na nagsimula ang animo’y totoong alitan.

Nang umaalma na si Hash para ipagtanggol ang kapatid, doon na nila isiniwalat na ‘prank’ lamang ang makapigil hiningang eksena.

Sa huli isang sorpresa naman na binigyan ni Ivana si Herlene ng brand new Iphone 12 na ikinabigla ng huli.

Nagbiro pa nga si Herlene na saktong-saktong ang pagbibigay ni Ivana sa kanya gayung hindi pa bayad ang ginagamit niya ngayong cellphone.

Umani naman ng papuri ang kabaitan at generosity ni Ivana mula sa mga netizens.
Panoorin dito ang kabuuan ng kanilang vlog:
Halaga ng diamond ring ni Ivana Alawi na niregalo sa sarili nagkakahalaga ng P12-Million
Milyones pala ang halaga ng singsing na binili ni Ivana Alawi para sa kanyang sarili.
Matatandaan nakaraang taon, ibinahagi ni Ivana sa kanyang vlog ang regalo niya sa kanyang sarili for her 24th birthday.
8-karat diamond ring ang kanyang napili na token for herself noong kaarawan niya last December 25, 2020.

Ayon kay Ivana, bakit paraw siya maghihintay ng lalaki na bibili para sa kanya.
“Bakit ako mag-aantay sa lalaki, e di bilhan ko na lang sarili ko, ‘di ba? It’s just a symbol to love myself. Parang gift ko talaga siya para sa sarili ko,” sabi ni Ivana

Dagdag pa nya ay ito din daw ay isang investment na habang tumatagal ay tumataas ang halaga

Ayon sa sexystar-vlogger, matagal na raw niyang pangarap ang magkaroon ng diamond ring. Kaya matagal niya itong pinag-ipunan at natupad din ang kanyang birthday wish.

Makalipas ang halos isang taon, ayon sa report ng PEP.ph nagkakahalaga pala ng 12 million pesos ang singsing na iyon.

Nakausap nila ang jewelry maker na si Drake Dustin at ibinunyag nito ang istorya sa likod ng mamahaling singsing ni Ivana.

Ayon kay Drake ay nais talaga niyang kunin si Ivana bilang endorser ng kanyang jewelry brand na LVNA.

Saad nito, “Too weird. Parang tinadhana ni universe… yung tingin namin…

“Before namin siya kunin, hinahanap na namin siya. Biglang yung mom niya, si Tita Fatima, nag-message sa Facebook namin. Then we started collaborating sa IG muna. Yung parang pullouts-pullouts muna.”

Hindi umano for sale talaga ang singsing na iyon, pero ng makita ito ni Ivana ay pinursige ng dalaga na bilhin talaga ito.

Vana Moon daw talaga ang ipinangalan niya sa singsing na iyon dahil si Ivana ang nasa isip niya noong ginagawa niya ito.
Narito ang vlog last year ni Ivana:
The post Hipon Girl, sobrang nabigla ng makatanggap ng Iphone12 mula kay Ivana Alawi sa kanilang YouTube Content appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments