May nakakatwang reaksyon ang R&B singer na si Jay R sa naging kissing scene ng kanyang asawa na si Mica Javier kasama si Gerald Anderson.
Sa naging virtual interview sa kanya sa Kapamilya Chat, hindi nakaligtas si Jay R na mahingian ng komento at reaksyon sa kissing scene ng kanyang asawa.
May ginampanang daring role na si Mica noong naging bahagi siya ng Precious Hearts Romances Presents: Los Bastardos.
Ngayon naman, fierce din ang awrahan ng aktres sa kanyang karakter sa bagong teleserye ng ABS-CBN na Init Sa Magdamag. Kasama niya dito si Gerald Anderson na kanyang leading man.
Sa nasabing interview sa singer, pinanood siya ng clips kung saan may kissing scene si Mica at Gerald.
Habang pinapanood ito, pabirong komento ni Jay R, “What? What is happening? What is going on? I hope you brush your teeth after that. I hope you ate a mint…”
Hiningian din siya ng reaksyon kung ano daw ang masasabi niya sa kissing scene ng asawa kasama ang ibang aktor.
“Well, I don’t know… It was cool. Okay lang naman. Reaction? I think, it looked, parang hindi nagtagpo eh, oh di ba? Parang, so okay lang sa akin. Chill lang,” kalmadong sagot niya.
Pero paglilinaw naman ni Mica, pinapaalam naman niya daw agad sa kanyang asawa kung may mga kailangan siyang gawing love scenes sa isang proyekto.
Bagong magiging leading lady ni Gerald Anderson na si Gigi de Lana, umani ng samut-saring reaksyon ngayon
Magkakaroon ng bagong leading lady ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson sa katauhan ni Gigi de Lana.
Noong Martes, October 12, ibinahagi ng Star Creatives na isang international series na may pamagat na Hello, Heart ang pagtatambalan ng dalawa.
Romantic comedy series umano ang mgaiging genre ng nasabing serye. Iikot ang istorya tungkol sa isang dalaga na dumaan sa iba’t-ibang kamalasan hanggang sa nakilala niya ang kanyang lucky charm.
Iha-hire ng karakter ni Gerald si Gigi na magkunwari bilang kanyang asawa at ipapakilala niya ito sa kanyang lola.
Samantala, agad namang umani ng samu’t-saring reaksyon ang bagong tambalan nina Gerald at Gigi.
Hindi kaila sa publiko na nabansagan ng ‘chickboy’ si Gerald dahil sa mga naging karelasyon niya sa industriya ng showbiz.
Si Gigi de Lana naman ay ang sikat na internet sensation ngayon dahil sa husay niya sa pag-awit. Una siyang nakilala sa “Tawag ng Tanghalan” kung saan naging kalahok siya at Gidget Dela Llana pa ang pangalan niya noon.
Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens sa tambalang Gerald at Gigi:
“Congratulations Gigi De Lana for your upcoming shampoo endorsement!”
“Wala pang shampoo commercial si Gigi. Safe pa si Julia.”
“Nakoooooooo GeGi (Gerald-Gigi) bagong love team hahaha yari ka jan”
“Julia neng kabahan ka na”
“Mag- ingat, Gigi. Nakakasira ng vocal chords yan.”
Halos karamihan sa mga netizens ay pinag-iingat si Gigi kay Gerald. Mukhang hindi na natanggal ang ‘babaer0’ image ng aktor sa publiko.
Pinapaalalahanan din ng mga ito ang nobya ng aktor na si Julia Barretto dahil sa posibleng kahihinatnan umano ng tambalang Gerald at Gigi.
Ikaw anong say mo dito?
The post Jay-R, sinabihan ang kanyang asawa na si Mica na magsipilyo ng maayos matapos makipag kissing scene sa aktor na si Gerald Anderson appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments