Looking For Anything Specific?

Jeyrick Sigmaton, a.k.a ‘Carrot Man’ itinanghal bilang isang best aktor sa New York!

Higit pa sa pagiging internet sensation ang napatunayan ni Jeyrick Sigmaton na unang nakilala bilang si ‘Carrot Man’

Nakilala noon si Jeyrick na nadiscover sa Cordillera sa pamamagitan ng ilang netizens na kumuha ng kanyang larawan.

Agad siyang nag viral sa social media dahil sa angkin niyang kakisigan at mula noon ay nabansagan siyang ‘Carrot Man’

Lingid sa kaalaman ng marami ay unti-unti nang gumagawa ng kanyang sariling titulo si Jeyrick. Kamakailan nga lamang ay itinanghal siya bilang best actor sa New York.

Siya ay bumida sa isang short film na pinamagatang “Dayas,” directed by Jianlin De Los Santos Floresca at ipinroduced ng Be Unrivaled Production.

Ang nasabing pelikula ay hango sa kwento ng isang maliit na minero Itogon, Benguet.

Ipinamalas ni Jeyric sa “Dayas,” ang kanyang husay sa pag arte at pasok ito sa International Film Festival Manhattan (IFFM) Autumn 2021 sa New York. Kung saan siya nga ang itinanghal bilang best actor.

“It’s about the livelihood of Kankanaeys in Cordillera,” saad ng direktor ng short film.

“We will be showcasing cultural attributes… kahit na in a short period of time, we wanted to show what genuine Igorot talent [could] do,” dagdag pa nito.

Umani naman ng papuri si Carrot Man mula sa napakaraming netizens.

Narito ang ilan sa kanilang komento:

“Wow! Can’t wait to see this. Ang gagaling nyong lahat. Laki ng improvement ni carrot man.”

Congratulations jeyrick for winning the best actor in new york selection”

“Kudos to everyone. I can say I stan Carrot man with that cry”

“Wow Artista na si idol…I’m happy for you Jeyrick!”

Narito ang preview ng Dayas:

Carla Abellana naiyak ng payagan na siya ng GMA na makabyahe papuntang New York para mabili ang kanyang dream wedding dress

Hindi napigilan ng Kapuso actress na si Carla Abellana ang maging emosyonal. Matapos na payagan ng GMA na bumyahe abroad.

Unti-unting ipinapasilip ng bride-to-be na si Carla Abellana ang mga paghahanda para sa upcoming wedding nila. Ng longtime boyfriend at kapwa Kapuso star na si Tom Rodriguez.

Sa kanyang latest vlog, ibinahagi ni Carla ang proseso ng pagbili niya ng kanyang wedding dress.

Tatlong beses palang nagpaalam si Carla sa GMA-7 para bumiyahe patungong Amerika. Upang bilhin niya ang kanyang dream wedding dress sa kanyang favorite designer.

Pero ayon sa aktres dalawang beses daw siyang na-reject and finally sa pangatlong attempt ay napayagan na raw siya.

“It’s a miracle because I think that was already my third attempt to ask for permission and consideration or reconsideration to fly. But yeah, the first two times, talagang na-reject ‘yung aking leave, ‘yung aking pagpapaalam.

“So, it’s really a miracle. I consider it a miracle because nagkaroon ng hindi lang change of heart but change of mind,” teary-eyed na kwento ni Carla

Naluluhang pinasalamatan ni Carla ang GMA Network sa permisong ibinigay nito para makaalis siya ng bansa.

“I thank GMA for allowing me, finally allowing me to fly. They may not know how important this is for me but thank you to GMA. I love it. I love it so much. I’m so happy,” emosyonal na pahayag ng aktres sa video na kinuna niya noong nakaraang Marso.

“I’m so happy because it’s true when they say na parang nabunutan ng tinik ‘yung dibdib mo. Gumaan na ‘yung pakiramdam. Nawala na lahat ng stress, lahat noong iniyak ko, na pinadasal ko. Sulit talaga. Super thank you. Alam ko parang mababaw but it’s really my dream, so finally tuloy na siya,” dagdag pa niya.

The post Jeyrick Sigmaton, a.k.a ‘Carrot Man’ itinanghal bilang isang best aktor sa New York! appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments