Looking For Anything Specific?

KC Concepcion, Ginulat Ang Marami Sa Kaniyang Rebelasyon Tungkol Sa Kaniyang Mga Magulang

Kahit pa man malapit sa mga magulang, mas pinili pa din ng aktres at singer na si KC Concepcion na mamuhay ng mag-isa at maging independent, partikular na dahil ang kaniyang mga magulang ay mayroon na din kaniya kaniya ngayong pamilya matapos ang kanilang hiwalayan.

Sa kaniyang Instagram account, ibinahagi ni KC ang trailer ng panayam sa kaniya ni Luchi Cruz-Vales para sa show na “Usapang Real Life”. Dito ay inilahad ng 35 taong gulang na aktres kung bakit siya mayroong “complex” na nais niyang maging proud sa kaniya ang kaniyang mga magulang.

Aniya,

“Mama ko kasi, she has her own family. My papa also has his own family.

“They’re both married, they both have children with their husbands and their wives.”

“Ako lang kasi yung nag-iisang anak nila na silang dalawa, so meron akong complex na gusto ko silang gawing proud sa akin.

“Gusto ko may mga gagawin na ikaka-proud nila. Gusto ko lang na maging proud sa akin.”

Matapos nito, sumagot naman si Megastar Sharon Cuneta, ang kaniyang ina, sa pahayag na ito ni KC sa Instagram din.

Ani Sharon sa kaniyang panganay na anak,

“You are not alone.”

Dagdag pa niya,

“My eldest, this baby girl, should never have been made to feel alone…

“She didn’t choose to be born into a family that started out with so much love only to be br0ken apart into a million pieces, like her mother’s heart…

“If I could…I would turn back the clock, and though I know the break-up still would have happened, I would try to shield her innocence from time…

“But the part of life I gave her isn’t mine…Yet I would…If only I could…”

Ayon kay Sharon, anuman ang mangyari at kahit hiwalay na sila ni Gabby, siya, si KC, at Gabby ay mananatili pa din bilang isang pamilya.

“And in a sense, whether we – or they – like it or not, we three still always will be, my Maria Kristina Cassandra Cuneta Concepcion.

“Papa and Mama will love you forever. You will always be our first child, the first who made us parents.”

The post KC Concepcion, Ginulat Ang Marami Sa Kaniyang Rebelasyon Tungkol Sa Kaniyang Mga Magulang appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments