Looking For Anything Specific?

Kilalanin Ang Mga Celebrities Na Nagkaroon Ng Pinagbabawal Na Relasyon

Hindi na bago para sa atin ngayon ang makarinig ng mga issue tungkol sa mga personalidad sa Philippine showbiz industry na nasasangkot sa third party at hiwalayan ng mga celebrity couple.

Kilalanin natin ang ilan sa mga celebrity couple na na-involved sa issue ng pagtataksil.

Toni Gonzaga & Paul Soriano

Gumawa ng pelikula noong taong 2017 ang aktres na si Erich Gonzales. Kasama niya sa pelikulang ‘Siargao’ sina Jericho Rosales at Jasmine Curtis-Smith. Ito ay idinerekta ng award-winning director na si Paul Soriano, ang asawa ng TV host-actress na si Toni Gonzaga.

Matatandaan na nagkaroon ng usap-usapan tungkol sa pagiging malapit nina Erich at Paul sa isa’t isa. Nagsimula ang balita tungkol sa kanilang dalawa habang nasa location shoot ng naturang pelikula kung saan makikita na magkasama na naglu-lunch ang actress at ang director. Nasabi din na minsan na din silang nagpapaiwan sa location kahit ang iba nilang kasamahan ay nagpapabalik balik sa Manila sa kalagitnaan ng kanilang shoot. Pinabulaanan naman ito ni Paul at sinabing ito ang pinakamasaklap na parte sa industriya na kanilang ginagalawan. Dagdag ng direktor, natural na sa kaniya ang makitang kasama ang iba pa niyang mga artista sa pelikula. Nangyari na din daw ito noong ginawa niya ang pelikula na ‘Thelma’ kung saan bumida si Maja Salvador noong 2011.

Nagsalita din si Toni tungkol sa isyu at sinabi nito na hindi siya magpaaapekto sa mga balita at naniniwala din daw siya sa woman’s intuition. Wala din daw siyang naramdaman na kahit anong negatibo sa kaniyang asawa. Bago pa man magsimula ang shoot ng nasabing pelikula, nasabihan na din daw siya nina Erich at Paul na baka sila ay maiugnay sa isa’t isa dahil na din sa mga hate messages na natatanggap ni Erich noon. Ipinagdasal na lamang ni Toni na hindi sana dumaan sa pagsubok ang kanilang married life.

Dawn Zulueta & Richard Gomez

Pinakasikat na reel-and-real life loveteam ang tambalang ‘CharDawn’ nina Richard Gomez at Dawn Zulueta noong dekada 90. Marami ang kinilig sa mga pelikula na pinagbidahan nilang dalawa. Isa na dito ang sikat na film na ‘Hihintayin Kita Sa Langit’. Naging maganda ang relasyon ng dalawa sa isa’t isa. Marami din silang memorable experiences, lalo na noong sila ay magkasamang nagta-travel.

Maayos man ang naging relasyon nila, hindi itinanggi ni Dawn na nahirapan din siya sa pakikisama niya kay Richard. Binalikan nila ang kwento ng kanilang pag-ibig noong ginawa nila ang reunion project na ‘Walang Hanggan’ sa ABS-CBN. Ipinaalala ni Dawn kay Richard na tila nakakalimot kung paano sila nagkahiwalay at ang rason kung bakit hindi nagtagal ang kanilang relasyon.

Saad ni Dawn, kung naging matapat lamang ito sa kaniya ay baka silang dalawa ang nagkatuluyan sa totoong buhay. Matatandaan na na-link sa maraming babae si Richard noon. Ang balita tungkol dito ay kusang nakakarating kay Dawn at paminsan ay nahuhuli niya ang ginagawang pagtataksil ng nobyo noon. Napabalitang matapos ang kanilang relasyon ay nakilala ni Richard at sinuyo ng matagal ang yuma0ng fashion model na si Patricia Borromeo. Hindi kalaunan ay napabalita na nakikipagmabutihan na ito sa commercial model-politician na kabyak na niya ngayon na si Lucy Torres.

Karylle & Dingdong Dantes

Parang isang fairytale romance ang pag-iibigan na naganap sa pagitan nila Karylle at Dingdong Dantes noong 2005. Nag-umpisa silang magkamabutihan sa set ng ‘Encantadia’. Matatandaan na naging maugong ang usap-usapang hiwalayan sa pagitan nilang dalawa nang simulang gawin ni Dingdong ang soap kasama si Marian Rivera, ang ‘Marimar’ at ‘Dyesebel’ noong 2008. Sabayan pa ito ng pelikula nila na ‘One True Love’ ng parehong taon. Sinasabing si Marian ang dahilan kung bakit naudlot ang pag-iibigang Dingdong Karylle.

Matatandaan din na bago pa man sumabog ang balitang hiwalayan ng dalawa, tinapos din ni Marian ang kaniyang 7-year relationship sa noo’y model at basketball player na si Ervic Vijandre.

Sa una at huling pagkakataon, nagsalita si Karylle tungkol sa kaniyang pakikipaghiwalay kay Dingdong. Inilahad niya na hindi naging madali ang proseso ng kaniyang pinagdaanan. Matagal bago siya naging handa na pag-usapan ang issue. Ayon sa interview kay Karylle, maraming rason ang naging dahilan ng kanilang breakup na sa huli ay sila lang ni Dingdong ang nakakaalam. Mutual naman daw ang desisyon nilang dalawa na tapusin ang kanilang relasyon. Inamin ni Karylle na mas nasaktan siya sa break up niya kay Dingdong kumpara sa mga past break ups niya dahil maganda at masaya daw ang kanilang naging pagsasama. Hindi na din daw nagtutugma ang mga schedules nila dahil parehas silang busy sa kani-kanilang mga proyekto. Malaki naman ang tiwala ni Karylle kay Dingdong. Sinabi nito na kailanman hindi nagloko ang aktor habang nasa relasyon kay Karylle.

Joanne Villablanca & Derek Ramsay

Nagsimula ang relasyon ng hunk actor na si Derek Ramsay sa model at fitness enthusiast na si Joanne Villablanca noong 2013. Ito ay matapos ang relasyon niya sa aktres na si Angelica Panganiban. Ngunit ang pagsasama nilang dalawa na tumagal ng anim na taon ay sa wala din napunta. Ginulat nito ang maraming tao sa showbiz dahil dalawang buwan matapos sabihin ni Derek na napag-uusapan na nila ni Joanne ang pagpapakasal, hiwalayan naman ang kinumpirma nito. Mutual man ang naging desisyon ng parehong kampo, hindi maiaalis sa isipan ng karamihan na posibleng nagkaroon ng third party sa hiwalayan nila.

Naging usap-usapan kasi ang ginawang series ni Derek sa GMA-7, ang ‘The Better Woman’ kasama ang sexy actress na si Andrea Torres. Todo man sa pagtanggi, hindi maitatanggi na magkasama silang nagta-travel at marami din ang nakakakita sa kanila. Pinabulaanan naman ni Derek ang mga spekulasyon na si Andrea ang dahilan ng hiwalayan nila ni Joanne. Sinabi niya na pareho sila ni Joanne na may pagkukulang at hayaan na lamang sa kanilang dalawa ang totoong dahilan ng kaniyang paghihiwalay.

Ani Derek, hindi lamang daw talaga sila para sa isa’t isa. Inamin naman ng aktor na sila ay nagde-date ng aktres na si Andrea makalipas ang ilang buwang break up kay Joanne.

Kim Chui & Gerald Anderson

Nagsimula ang lahat kina Kim Chui at Gerald Anderson sa loob pa lamang ng bahay ni Kuya. Sila ay magkasama sa 1st season ng Pinoy Big Brother Teen Edition noong 2006. Hindi pa man nabubuo ang love team nila na ‘KimErald’, makikitaan na ng pagkagusto ang binatang aktor sa Chinita Princess. Nabuo lamang ang kanilang love team nang silang dalawa ay makalabas ng bahay ni Kuya. Hindi lang on screen love team ang nangyari sa kanilang dalawa kundi naging real-life couple din sila. Tumagal ang kanilang relasyon ng apat na taon.

Nagkahiwalay man sa totoong buhay, patuloy pa din daw ang communication nilang dalawa. Ngunit dumating sad punto na naging on and off na din ang kanilang pag-uusap. Naging magulo daw ang lahat dahil nasanay sila na nandyan para sa isa’t isa. Hindi naman naialis sa isip ng karamihan ang isyu ng pagtataksil kaya’t humantong sa hiwalayan ang kanilang relasyon.

Dito na pumasok ang pangalan ni Bea Alonzo. Inamin ni Gerald na matindi ang pagkakagusto niya sa dalaga. Naganap ang lahat ng sila ay nagsagawa ng newest concert tour kasama ang ABS-CBN artists. Ngunit marami daw ang naging tutol sa relasyon nila dahil kasagsagan pa ng ‘KimErald’ love team noon.

Bianca Umali & Ruru Madrid

Maugong ang mga balita na noong 2018 pa lamang ay nagsimula ng mag-date ang Kapuso stars na sina Ruru Madrid at Bianca Umali. Ngunit mariing pinabubulaanan ng dalawa ang mga haka haka. Subalit may mga lumabas na photos ng dalawa na magkasama sa Japan at sa Siargao. Sabi ni Ruru na may mga kasama sila at ang iba naman ay dahil sa trabaho. Inamin ni Ruru na hindi pa sila lumalabas ni Bianca ng sila lang dalawa. Inisip din niya na masasaktan ang mga fans nina Bianca at Miguel kung sakali na makita ang mga ito na may kasamang iba.

Sa kabila ng pagde-deny ni Ruru na walang namamagitan sa kanila ni Bianca, lumabas naman ang issue na nagalit umano ang aktres kay Ruru dahil pinagselosan nito ang co-star nito sa Cara X Jogger na si Jasmine Curtis-Smith. Balitang matapos ang premiere night na dinaluhan ng dalagang aktres, nagkaroon ng maliit na away sina Bianca at Ruru na muntik pa daw madaplisan ng sasakyan ni Bianca ang aktor sa parking lot ng mall kung saan ginawa ang premiere night.

No comment na lamang ang nasambit ng aktor tungkol sa isyu. Nang tanungin naman kung ano ang tunay na estado ng kanilang relasyon, sinabi ni Ruru na malapit daw sila ng aktres. Subalit nitong Marso lamang ng kasalukuyang taon, tila nagpahiwatig na ng pag-amin ang dalawa.

Sa Instagram post ni Ruru, makikitang kasabay ng pagbati niya sa aktres ay ang pag-post nito ng larawan nila sa loob ng isang elevator na may caption na, “Happy birthday moonlight”, na siyang sinagot naman ni Bianca ng isang emoji.

Sa isang interview naman kay Bianca tungkol sa relasyon niya sa aktor, sinabi lang nito na “Basta happy ako, happy siya. Happy kami.”

Heart Evangelista & Jericho Rosales

Againts all odds at love conquers all pati na din you and me against the world. ‘Yan ang ilan sa mga katagang nababagay para ilarawan ang pag-iibigan nina Jerico Rosales at Heart Evangelista. Matatandaan na noong 2008, ipinaglaban nila Heart at Jericho ang kanilang pagmamahalan. Hindi kasi boto ang mga magulang ni Heart kay Jericho dahil nalaman nila na isang binatang ama ito. Nagkaroon din ng hindi pagkakaunawaan si Heart sa mga magulang nito at tumagal din ng tatlong taon ang hindi nila pagkibo sa isa’t isa.

Binansagan ni Heart na ‘true love’ ni Heart si Jericho . Sinabi nito na naging maganda ang kanilang naging pagsasama at tila walang problema na kinakaharap ang kanilang relasyon. Natuldukan lamang ang kanilang relasyon nang mapaniwala si Heart ng mga magulang na niloloko ni Jericho ang aktres at ito ay nakikipagmabutihan sa kasamahan nito sa soap, ang Malaysian actress na si Carmen Soo. Hindi man nagawang ipaliwanag ni Jericho kay Heart ang totoong pangyayari noon, aminado ng aktor na lubusan siyang nasaktan ng magpaalam si Heart sa kanilang relasyon.

Ani Jericho, kung hindi man maibabalik ang dating nakagawian, ang pagkakaibigan niya kay Heart ang nais niyang manumbalik na lang. Natupad naman ito nang muling magkita ang dalawa sa dinner na in-organize ni Tim Yap para sa 80th anniversary ng Rimowa, isang kilalang luggage manufacturer.

Nikki Gil & Billy Crawford

Taong 2008 nang magsimula ang pag-iibigan sa pagitan nina Nikki Gil at Billy Crawford. Tumagal ng limang taon ang kanilang pagsasama ngunit hindi nauwi sa maganda ang kanilang paghihiwalay. Pinilit din daw niya na ignorahina ng mga balita na niloloko umano siya ni Billy dahil hindi niya lubos maisip na ang ganitong sitwasyon ay mangyayari din sa kaniya.

Lost and confused, ‘yan ang sinabing dahilan ni Billy kaya sila naghiwalay ni Nikki. Itinanggi naman nito na may third party na involved. Inamin ni Nikki na pinagsisisihan niya na umabot ng limang taon ang kanilang relasyon na alam naman niyang matatapos din. Mas minabuti niyang tapusin na ito bago pa mahuli ang lahat. Sinabi din niya na hindi naging maganda ang break up nila at nadurog ng todo ang kaniyang pagkatao dahil sa sinapit na heartbreak.

Emosyonal naman na inamin ni Billy na siya ang naging dahilan ng kanilang hiwalayan. Nadawit naman ang pangalan nila Coleen Garcia at Andi Eigenmann sa isyu ng hiwalayan nina Nikki at Billy dahil kasama nito si Coleen sa noontime show na It’s Showtime at si Andi naman sa pelikula na ‘Momzillas’. Mariin namang itinanggi ng mga ito ang akusasyon laban sa kanila.

Taong 2014 nang ilantad sa publiko nina Billy at Coleen ang kanilang relasyon.

Angel Locsin & Luis Manzano

Unang naging magkarelasyon noong 2007, sina Angel Locsin at Luis Manzano ay inakalang maglelevel up na ang kanilang pagsasama dahil matatag din naman ang pundasyon nito. Matatandaan na minsan na silang nag-celebrate ng New Year sa Amerika kasama ang ama ni Luis na si Edu Manzano at half-siblings na sina Adi at Enzo. Nagkasama din ang pamilya ni Angel at pamilya ni Luis dito na si Batangas Congresswoman Vilma Santos, Senator Ralph Recto, at Ryan Christian. Sa hindi malamang dahilan, sila ay nagkahiwalay makalipas ang dalawang taon.

Tila sadyang pinagtagpo talaga sila ng tadhana dahil nanumbalik ang pagtitinginan nila sa isa’t isa makalipas ang limang taong pagkakahiwalay. Subalit napansin ng isang source na tila matamlay at malungkot si Angel sa set ng Pilipinas Got Talent Season 5 kung saan host si Luis at isa naman sa mga hurado si Angel. Dito din nagsimula ang mga spekulasyon ng marami na may problema sa relasyon nila ni Luis.

Sa gitna ng live on-cam taping ng nasabing show, nilapitan ni Luis ang napaiyak na si Angel at tiniyak nito ang pagmamahal sa dalagang aktres. Ngunit biglang umusbong ang pangalang Jessy Mendiola sa hiwalayang Angel Locsin at Luis Manzano.

Pinaliwanagan naman ni Jessy ang isyu tungkol sa hiwalayan nila Angel at Luis na nagdadawit sa kaniyang pangalan. Inamin niya na hiwalay na ang dalawa noong siya ay ligawan ni Luis. Nilinaw ni Luis na Enero noong taong 2016 nang sila ay maghiwalay ni Angel at Hulyo ng kaparehong taon nang sila ay maging magkasintahan ni Jessy.

Gerald Anderson & Bea Alonzo

“Nahulog ako ng matindi at mabilis,” yan ang naging pahayag ni Gerald nang ilarawan nito ang una nilang pagtatagpo ni Bea Alonzo noong 2010. Nagkamabutihan ang dalawa noong Abril ng nasabing taon nang sila ay dumalo sa newest concert tour kasama ang ABS-CBN artists. Ngunit may kasunduan sila ni Bea na liligawan lamang niya ang dalaga matapos ang tatlong buwan. Hango sa three month tule na ‘One More Chance’. Hindi naman naging madali sa kanila na pumasok sa isang relasyon dahil na din sa on-screen loveteam ni Gerald kay Kim Chui noong mga panahong iyon.

Hindi man nila mapigilan ang kanilang damdamin, itinago nila ang kanilang relasyon dahil na din sa dami ng tumututol dito. Si Gerald ay hindi pa hiwalay sa ka-love team na si Kim Chui noong mga panahong iyon ngunit sinabi naman ng binata na hiwalay na sila sa totoong buhay.

Ani Bea, pakiramdam niya ay hindi din naging matagumpay ang kanilang relasyon dahil pati magulang ni Gerald ay tutol sa kaniya at boto pa din sa ex-girlfriend nito. Pinagdesisyunan nilang dalawa na maghiwalay noong Nobyembre 2010. Makalipas ang anim na taon, muling nag-krus ang kanilang landas at dito na nila itinuloy ang naudlot na pag-iibigan.

Hindi man idinetalye ang eksaktong petsa ng kanilang pagbabalikan, sinabi ni Bea na muling nanumbalik ang nararamdaman niya noon para kay Gerald. Hanggang sa hindi inaasahang pangyayari kung saan naging maugong ang balita na ghinost umano ni Gera\ld si Bea. Namataan kasi sa isang party na magkasama sina Gerald at Julia Barretto na sinasabing dahilan ng hiwalayan nilang dalawa.

Kilalanin Ang Mga Celebrities Na Bumalik Sa Hirap Dahil Sa Pagkawala Ng ABS-CBN

It cannot be denied that many Kapamilya celebrities and staff have been severely affected by the closure of their home network, ABS-CBN. Adding to the problem they face is the pand3mic that continues to prevail in the country. Here are some celebrities who are said facing difficulty due to the closure of ABS-CBN.

Stephen Robles

Before Stephen’s career began on Its Showtime in 2018, she first became a contestant in the game show ‘Wowowin’ on GMA-7. She was looking for her American father at that time who was also based in America. Wanting to help her family, she auditioned to be a dancer on Its Showtime. Mommy Evangeline raised Stephen and her other four siblings alone.

Stephen felt her mother’s distress so she entered the world of showbiz. Because of her talent, she was given the opportunity in the noontime variety show of the Kapamilya channel. She has also started vlogging with her boyfriend who is the brother of actor JM De Guzman.

Barbie Imperial

Growing up next to the railroad in Bicol, Albay, Barbie dreamed big for her family. She was motivated by their situation before for her to work harder in life. She thought of auditioning for a reality show and trying her luck. Barbie joined the reality TV show Pinoy Big Brother: 737 in 2015. But after two weeks upon entering Kuya’s house, she was immediately evicted. But her desire to help her family did not end there.

She was given her first acting stint in an episode of MMK that featured her life. After joining Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi, many viewers noticed Barbie and this paved way for her to receive several projects and endorsements.

Zephanie

Zephanie has already inclined in singing ever since she was young. She joined The Voice Kids Season 2 in 2015 and Tawag ng Tanghalan Season 2 in 2017, but unfortunately, she didn’t win in the said singing competitions. In her last singing competition, she was able to take home the title as the first winner of Idol Philippines. She then gave her family the prize she won in the said singing contest.

Zephanie did not expect the big changes that will happen in her life. A few months after her victory, she was included as one of the new regular performers in ASAP Natin ‘To. Due to her popularity, she joined Brian McFadden, the former member of the group ‘Westlife’, for his 1st major solo concert in the Philippines.

Zeus Collins

Zeus grew up in Pasay City where he learned how difficult life is. He said that he practiced dancing on the street, so he was known for his skill on the dance floor. He is also proud to say that he has stayed away from crim3 and bad habits because of his dancing. Because he joined many dance groups to support his family, it became easy for Zeus to enter showbiz.

His first TV project was dancing as a Zombie with other housemates in Pinoy Big Brother: Double Up in 2009. He later joined the reality show after being rejected and this is where his career began. Zeus is also the leader of the group ‘Hashtags’ on Its Showtime and he was chosen to be its leader.

Jackie Gonzaga

Jackie has been inclined to dancing ever since she was a child. She participated in the programs at their school when she was still in a nursery where there were dance productions. When she entered college, she became part of the pep squad that supported her in her studies which also became her motivation to improve her grades. Even though she wanted to be a flight attendant then, Jackie still has a passion for dancing so she auditioned for G-Force. But she did not last long as a member of the group because traveling to and from their house in Antipolo caused her fatigue.

Until It’s Showtime open an audition for dancers. This was the beginning of her career where she was known as ‘Ate Girl’.

Joshua Garcia

Joshua is from the reality TV show of the Kapamilya channel ‘Pinoy Big Brother: All In’ and is dubbed as ‘Tatay’s Boy of Batangas’. Their financial problem put and encourage him to join the said TV show. Joshua, on the other hand, was fortunate as he was able to enter the showbiz after leaving the PBB house.

His popularity rose when he played the role of Tonying in KathNiel’s film, ‘Barcelona: A Love Untold’. After that, he has done many TV series with Julia Barretto as his love team. His last project was the film ‘Block Z.’

Francine Diaz

Francine played minor roles in the ABS-CBN series before she was given a big role. She was the third among six siblings. At a young age, she already knew how difficult their life is before. So she used it as her motivation and inspiration to work harder and give all the best she could in every project she makes. Her father is a former OFW while her mother is a housewife.

In 2018, Francine’s big break came when she joined the cast of the ABS-CBN’s series entitled ‘Kadenang Ginto’ as Cassie Mondragon. In the said series, she and Kyle Echarri formed a love team called ‘KyCine.’

Baron Geisler

It was 1994 when Baron entered the world of showbiz through the TV show ‘Ang TV’ on ABS-CBN. After joining Batch 5 of Star Circle, the management saw potential in his acting. He also has a group before called ‘Koolits’ with actors John Lloyd Cruz and Mark Solis. When he joined the ‘Tabing Ilog’ series, this is where his love team with Jodi Sta. Maria started.

Like other personalities, Baron also experienced difficulty in life where he became an alc0holic and dru6 dependent. When he joined the cast of ‘Ang Probinsyano’, his alc0hol add1ction did not stop. He then decided to voluntarily rehab himself in Cebu and he recovered eventually. He also met his wife, Jamie Evangelista, in the said city.

Tony Labrusca

Even though he was born in America, Tony still travels back and forth to the Philippines where he grew up. He said in an interview that he was not happy in Canada where they migrated when he was just 9-years-old. When he graduated high school in Canada, he decided to return to the Philippines and try showbiz. He was given the opportunity and his first break was the TV commercial for a fast-food chain.

He also auditioned to join the group ‘Boyband PH’ but unfortunately, he failed. His acting debut is when he became a cast of an episode of the Wattpad series on TV5. Tony became more prominent when he made the iWant original movie ‘Glorious’ with Angel Aquino.

Andrea Brillantes

Andrea first appeared in the popular kiddie gag show ‘Goin’ Bulilit’. She also played the role of Shaina Magdayao’s daughter in the drama series, ‘Alyna’. She was only given a big break when she became the lead star of the TV series, ‘Annaliza’. Andrea also played the role of Lia Buenavista, Angelo’s sister in the remake of the series, ‘Pangako Sa’yo’.

Andrea became more popular when she played the role of Marga Bartolome, the daughter of Daniela Mondragon in ‘Kadenang Ginto’. This is where her love team with Seth Fedelin was formed. It was also reported that their friendship deepened due to their love team.

Maris Racal

Maris Racal entered as a housemate in the reality TV show ‘Pinoy Big Brother: All In’ in 2014 where she was with Joshua Garcia. After she won as the 2nd placer in the said show, projects started to come to her as a full-fledged actress. She has starred in the series ‘We Will Survive’, ‘Until Where’, and many more.

Maris’ first big-screen project was the movie ‘Star Versus Me’ in 2015. She was also part of Piolo Pascual and Sarah Geronimo’s movie ‘The Breakup Playlist’. Maris and Inigo Pascual’s love team started where the latter’s father, Piolo entered the PBB house and told Maris to wait for his son. Since then, the ‘MarNigo’ love team has been formed.

Maymay Entrata

Since childhood, Maymay has dreamed of becoming an actress. At the age of 14, she tried to audition for various talent shows. Although she was not lucky in the previous contest she joined, she has given the opportunity in ‘Pinoy Big Brother: Luck 7’ in 2016 where she won as the 1st Big Placer. She and Edward Barber’s love team called ‘MayWard’ were formed inside the PBB house.

The first project they have as a love team was the film ‘Loving In Tandem’. Even though the two have separate projects, MayWard made sure that they were still there for each other. Star Creatives TV released a big surprise for their fans. This is the teaser for their debut series, ‘Heart To Heart’ which has yet to have a playdate as its shooting has been postponed.

Awra Briguela

Child star Awra Briguela was discovered in his viral video where he showed off his talent in drama. Because of the viral video, Coco Martin discovered him and included him in the action-drama series ‘Ang Probinsyano.’ With the talent he showed, Awra has also made TV series and movies. He has starred in ‘Ang Panday’, ‘The Super Parental Guardians’, and ‘Familia Blondina.’

Just last year, he starred as an H1V positive teenager in the iWant original series ‘Mga Batang Poz’ based on the best-selling young adult novel written by Segundo Matias Jr. He also made the movie ‘James & Pat & Dave’ with Donny Pangilinan, Loisa Andalio, and Ronnie Alonte.

Seth Fedelin

Seth stood as the second parent to his three younger siblings. To help his family, he worked as a caretaker of an abandoned swimming pool at their residence. He was called the ‘Hopeful Son of Cavite’ and he was also the first official housemate of PBB Season 8 to enter PBB house after winning the housemate selection challenge.

Due to joining PBB, Seth was able to enter the showbiz industry. He was included in the popular series ‘Kadenang Ginto’ with his love team Andrea Brillantes. He also has a group along with Andrea Kyle Echarri, and Francine Diaz called ‘The Gold Squad’ that already has more than 2 million subscribers on YouTube.

What can you say about this? Do you know other celebrities who are now encountering difficulties in this time of p@ndem1c? Kindly share your comments, reactions, and thoughts with us?

The post Kilalanin Ang Mga Celebrities Na Nagkaroon Ng Pinagbabawal Na Relasyon appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments