Pinatunayang muli ng Kapuso comedian na si Kiray Celis ang pagmamahal niya sa kanyang pamilya.
Sa kanyang latest vlog, ibinahagi ni Kiray kung gaano siya ka-proud sa kanyang kuya na construction worker.
“Isa sa pinaka masipag, pinaka pogi, pinaka mabait na Construction worker ang kuya ko!,” buong pagmamalaki ni Kiray sa kanyang social media post.

Kalakip nito ay ang litrato nilang magkapatid at makikita ang ngiti ng kanyang kuya sa natanggap nitong sorpresa.
Ayon kay Kiray, matagal na umanong pangarap ng kanyang kuya na magkaroon ng sarili nitong motorsiklo.

Kaya noong kaarawan nito ay hindi na niya ito niregaluhan para makaipon siya ng ipambibili ng motor nito.
Personal na pumunta si Kiray sa lugar kung saan nagtatrabaho ang kanyang Kuya na construction worker. At dito niya inabot ang susi ng pinapangarap nitong motor bilang isang sorpresa.

Lubos naman ang saya ng kanyang kapatid ng makita ang napakagandang sorpresa na ito mula sa kanyang nakababatang kapatid. Buong puso din ang pasasalamat nito kay Kiray.

Umani naman agad ng paghanga at papuri ang ginawang ito ng komedyana. Pati na rin ang kasipagan ng kuya niya bilang construction worker ay hinangaan ng marami.

Narito ang ilan sa komento ng netizens:
“sweet naman! Congrats Johanes! Salute Kiray Celis so proud of you”
“napaka buti mam kiray sa buong family mo napaka swerte nila sau palagi ko pinapanood mga ganap mo”
“Sobrang nakaka proud yung hindi mo kinahiya yung trabaho ng kapatid mo kasi, totoo naman yun na marangal yung trabaho niya.”
“Bait mo talaga kiray. Super bless ng family mo sayo.”
Panoorin dito ang kabuuan ng kanyang vlog:
Kiray Celis, nagluluksa muli dahil sa pagpanaw ng isa sa mga pinakamalapit na mahal sa buhay
Hindi pa man nakakamove-on si Kiray sa pagkawala ng kaibigang si Mahal ay isang malapit sa puso niya ang muling namaalam.
Sa online post ng aktres nitong Huwebes, September 8, 2021, inilahad niya ang labis na kalungkutan sa masamang balitang kaniyang natanggap.
Ito ay ang pamamaalam ng madreng nagpa-aral sa kanya na nakilalang si Sister Marina.

Sa kanyang post ay nagbahagi ang Kapuso actress ng mga throwback pictre niya kasama si Sister Marina.

Sa kanyang caption saad ni Kiray, “Iniwan na naman ako ng taong isa sa mga pinakamamahal ko… Sister Marina ko.. ba’t mo ‘ko iniwan? Sabi ko sa ‘yo ‘di ba bibilhan pa [kita] ng truck. Promise ko ‘yun sa ‘yo di ba? Ang bigat naman ng 2021”

Ibinahagi ni Kiray na isa si Sister Marina sa mga tumulong na magpaaral sa kanya noong hindi na siya kayang pag-aralin ng kanyang mga magulang sa private school.

“Sa mga hindi po nakakaalam, isa po si Sister Marina sa mga nagpaaral sa ‘kin sa St. Paul… Hindi po ako kayang pag-aralin ng mga magulang ko sa private school nun. Pero tinulungan niyo ako ni Sister Theresia”

Sa huling bahagi ng post, nagpasalamat si Kiray sa lahat ng tulong at magagandang ala-alang iniwan sa kaniya ng yumaong si Sister Marina.

“At ngayon… magkasama na kayo sa heaven. Alam ko happy na kayo kasi kasama niyo na ‘yung one and only love niyong si Papa Jesus. Mahal na mahal ko kayo Sister. Habang tina-type ko ‘to, iyak pa rin ako nang iyak. Miss na miss ko na mga yakap at halik mo. Durog na durog ako. Wala akong masabi kundi maraming salamat at mahal na mahal kita… Mahal na mahal Sister Marina”
The post Kiray Celis, masayang sinorpresa ang kanyang kuya na contruction worker ng isang brand new na motor! appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed

0 Comments