Looking For Anything Specific?

Kylie Padilla, lagi daw may katawagan noong sila pa ni Aljur Abrenica ayon sa source ni Cristy Fermin

Dahil trending sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla, may pahayag si Cristy Fermin ukol sa issue nila.

Sa kanyang programang ‘Cristy Ferminute’ ang hiwalayang Kylie at Aljur ang naging paksa ng batikang kolumnista.

Sinabi ni Cristy na ayon umano sa kanyang source ay laging may ibang kausap si Kylie. Kahit nagsasama pa sila noon ni Aljur.

“Kung natatandaan niyo po, mga kapatid, lagi po nating pinag-uusapan noon ‘yung kwento ng aking source na si Kylie po talaga ‘yung laging may kausap sa garden,” paglalahad ni Cristy.

Ayon sa kanyang source ay kahit madaling araw na daw ay may ibang kausap pa din si Kylie sa telepono.

“Kahit na madaling-araw, oo, meron siyang kausap sa phone, bumababa siya. Kahit sa kusina, gano’n-gano’n, meron siyang kausap. Natural, hindi naman patay na lokohan si Aljur, ‘di ba? Lalaki ‘yan. Kung ang babae po ay malakas ang pakiramdam, ang tunog naman po ng lalaki, matibay.”

“Merong nagaganap sa kabila ng sila pa ang magkasama,” dagdag pa nito.

Matatandaan ng lumabas ang isyung hiwalay na sina Kylie at Aljur. Si JM De Guzman ang itinuturong karelasyon ni Kylie.

Ngunit mariing itinanggi ng aktres ang akusasyon na ito at sinabing magkaibigan lang sila ni JM.

Samantalang si Aljur naman ay hayagang inamin sa publiko na nagkakamabutihan na sila ni AJ Raval.

Kaya naman siya ang naging tampulan ng mga netizens. At kumbinsido ang lahat na siya ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Ngunit kamakailan lang ay nagbigay ng pahayag si Aljur at hinamon si Kylie na sabihin na sa publiko ang katotohanan.

Panoorin dito ang kabuuan ng pahayag ni Cristy:

Cristy Fermin, Bwelta Sa Mga Bash3rs: “Hindi ko kailangan ng pera para magparetoke”

Mga batikos at negatibong komento ngayon ang natatanggap ng columnist na si Cristy Fermin mula sa online community. Ito ay dahil sa mga patutsada ni Cristy kay Jinkee Pacquiao matapos ang pahayag ng ilang mga netizens na ginagaya umano ng huli ang aktres na si Kristine Hermosa.

Ani Cristy,

“Siguro naman ay hindi ‘yun sadya ni Aling Jinkee. Kahit ano naman siguro ang gawin niya, kahit subsob pa niya sa uling ang mukha niya, hindi niya makakahawig si Kristine Hermosa dahil si Kristine, tunay, organic, walang operasyon.”

Sambit pa niya,

“Eh si Jinkee, alam naman natin kung anong pinagdaanan ng kagandahang pinanghahawakan nito ngayon. If you want to look beautiful, go to Belo.”

 

Kaagad naman nakatanggap ng batikos mula sa online community ang kolumnista at sinabi na palibhasa ay walang pera si Cristy kaya ganoon na lamang ito makapuna kay Jinkee.

Matapang na pahayag ni Cristy,

“Wala daw po akong pera na ipaparetoke, kaya daw ko po pinipintasan si Jinkee. Unang-una po, hindi ko po kailangan ng pera para makapagparetoke.”

Ayon sa kolumnista, marami daw na nagaalok sa kaniya na magparetoke, lalo na ang kaniyang mga anak-anakan na doktor ngunit siya mismo ang tumatanggai sa mga ito.

 

Paliwanag niya,

“Si Dra. Vicki Belo na anak-anakan ko, isa lang ang sasabihin, ‘Nanay, wala kang gagawin, hihiga ka lang’.

“At kung sakali naman po mga kapatid na akoý mabibiyaan ng malaking halaga, hindi pa rin po ang pagpapaayos ng mukha ang aking patutuunan. Yung mga pangunahing pangangailangan pa rin po ng aming pamilya, yun pa rin po.”

Sinabi pa ni Cristy na bawat tao ay mayroong kani-kaniyang desisyon at nais gawin. May iba na gustong magpaganda at mayroon din naman daw na walang pakeelam sa kanilang looks at masaya na sa kung ano ang mayroon sila.

 

May ilan na nagsabi na pinupuna ng kolumnista ang mga taong nagparetoke gayong siya ay nagparetoke din naman. Ngunit ito ay kaagad na itinanggi ni Cristy.

Saad niya,

“Mag-aalis po ako ng salamin. Ayan po mga kapatid. Kung nagparetoke po ako, itong ilong ko na taga-Sarrat Ilocos, eh di dapat tumayo na ‘to. Nagkaroon na sana ako ng bridge.”

“Pero wala po, hindi rin po ako nagpapa-inject ng kung anu-ano. Hindi rin po ako nagpapa-lift lift ng kung anu-ano. Wala po sa akin yun. Hindi ko po ano yun.”

 

Patutsada pa niya,

“Nagpakatotoo lang naman po ang tao. Wala pong krimen dun.

“Ang krimen po ay yung nagpagawa pero ide-deny.”

Saad ni Cristy ay nagpakatotoo lamang siya sa kaniyang naging pahayag. Ibinahagi din niya na simula noon ay nasubaybayan na niya si Kristine at ang kagandahan nito na walang bakas na kahit anong retoke.  Sinabi pa ni Cristy na nakita na niya ang hitsura ni Jinkee noong ito ay hindi pa nagpapaayos at talaga daw na malaki ang pagbabago ng hitsura nito ngayon kumpara sa dati.

The post Kylie Padilla, lagi daw may katawagan noong sila pa ni Aljur Abrenica ayon sa source ni Cristy Fermin appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments