May prankang pahayag ang ina ni Kylie Padilla na si Liezl Sicangco tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng anak.
Kamakailan nga lamang, sa kanyang Instagram post ay niresbakan ni Liezl si Cristy Fermin. Sa pangbabatikos ng kolumnista sa kanyang anak na si Kylie.
Tungkol pa din sa hiwalayan nito sa estranged husband na si Aljur Abrenica.
Tila gigil na sambit ni Liezl, “Sobra kana Cristy Fermin!!! Gawin kaya sayo yang pinaggagawa mo, siraan ka ng hindi totoo, gusto mo? Walang kalaban laban ang mga taong sinisiraan mo. One sided ka!!! Di mo naman alam ang totoo at kung ano ang pinagdadaanan ng tao. Magbago ka na bago kapa bawian ng buhay.”
Wala pang reaksyon o sagot si Cristy ukol sa pahayag na ito ni Liezl. Tanging si Kylie lamang ang binabatikos ng kolumnista.
Samantala, hindi lang si Cristy ang nakatikim sa ina ni Kylie na nakabase na sa Australia. Dahil maging sina Aljur at AJ Raval ay mayroon din siyang mensahe.
Ipinost ni Liezl ang edited wedding photo nina Aljur at AJ Raval. Kalakip nito ay ang kanyang mensahe para sa dalawa na sana raw ay forever na.
Aniya, “Wish you both all the best in life. Sana forever na kayong dalawa. Happy naman si Kylie para sa inyong dalawa at naka-move on na rin cya at happy din cya. Sana ganon din yung source ni Cristy. Tama na bitterness nakaka wrinkles. Move on…”
Bago nag-post si Liezl ng reaksyon niya, pinalagan din ni Kylie ang mga ulat at opinyon ni Cristy tungkol sa kanya. Panay kasinungalingan naman daw ang isinusulat ni Cristy tungkol sa kanya.
Sinabihan pa ni Kylie si Cristy na matanda na kaya kailangan itong mag-grow up.
Nanay ni Kylie Padilla na si Liezl Sicangco, may bwelta sa batikang kolumnista na si Cristy Fermin
Ina ni Kylie Padilla na si Liezl Sicangco, may mainit na buwelta kay Cristy Fermin!
Hindi na nakapagtimpi ang nanay ng Kapuso actress sa mga pangbabatikos ni Cristy Fermin sa kanyang anak.
Nang pumutok muli ang isyu ng hiwalayan nina Kylie at Aljur Abrenica, nakisali na din sa usapin ang reporter na si Cristy.
Sa kanyang programa na Cristy Ferminute, inihayag ng reporter na mayroon umano siyang source na nakasama mismo ng mag-asawa sa kanilang bahay.
Ayon sa kanya, ang anak daw ni Robin at Liezl ang unang nagloko sa relasyon nila ni Aljur na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay.
Bukod pa dito, sinabi din ni Cristy na ginugutom umano ng aktres ang kanyang asawa.
Nagsalita na si Kylie sa kanyang Twitter account nitong nakaraan at diretsahang pinagsalitaan si Cristy.
Pero hindi pa din natinag ang reporter dito.
Sa Instagram, naglabas ng saloobin si Liezl sa paninira umano ni Fermin sa kanyang anak.
“Sobra kana Cristy Fermin!!! Gawin kaya sayo yang pinaggagawa mo, siraan ka ng hindi totoo, gusto mo?”
“Walang kalaban laban ang mga taong sinisiraan mo. One sided ka!!!”
“D mo naman alam ang totoo at kung ano ang pinagdadaanan ng tao. Magbago kana bago kapa bawian ng buhay,” galit na pahayag ni Liezl.
Nagkaroon na ng tell-all interview si Kylie kagabi, October 24 sa programa ng Kapuso Mo Jessica Soho.
The post Liezl Sicangco, ibinahagi ang edited na larawan ni Aljur Abrenica at AJ Raval na may caption na: “Sana forever na kayong dalawa.” appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments