Looking For Anything Specific?

Mag-Asawang Doktor, Proud Sa Tagumpay Ng Tatlong Anak Na Board Topnotchers

Nakaka-proud na makita ng mga magulang ang kanilang mga anak na makapagtapos sa kanilang pag-aaral. Tunay ngang kahanga-hanga ang kanilang naging tagumpay at makita na sinundan ng mga ito ang kanilang mga yapak.

Maraming mga kwento na atin nang nabasa ang siyang nakapagbigay ng inspirasyon. Kasama na sa mga kwentong ito ang makapagtapos ng pag-aaral, makapasa sa board exam at mag-top pa rito. Ngunit isa ngang nakakamanghang kaganapan na mangyari ang lahat ng ito sa iisang pamilya na pawang medisina ang kinuhang mga kurso. Isang pamilya ng mga doktor ang kamakailang nag-trending sa social media.

Credit: Facebook / Federico Peralta IV

Base sa naging paglalahad ni Dr. Eric Peralta, silang mag-asawa ay parehong doktor. Maging ang kanila ngang tatlong anak ay parehong mga doktor na rin matapos makapasa sa Physician Board Examination. Saan ka pa, diba?

Ayon pa dito, tila nga daw nasa cloud nine silang mag-asawa dahil sa achievements ng kanilang mga anak. “Sobrang happy. We’re on cloud nine. Hindi ko madi-define yung feeling kasi yung isa nagkaroon, yung pangalawa ganun din. Pero ito yung ultimate, finale top 1 pa. Ang sarap ng feeling,” sabi pa ni Ana, ina ng mga ito. “Yung magtaguyod ka lang isang doctor, ang laki na ng hirap na pinagdaanan namin. Pero sinulit nilang lahat yung  pinaghirapan namin,” dagdag pa ng kanilang ama na si Eric.

Credit: Facebook / Ana Eryka Elaine Peralta

Ang kanilang panganay na si Ana Bianca Eloise Peralta ay nag-Top 6 noong Setyembre 2015. Ang pangalawa naman na si Ana Eryka Elaine Peralta ay nag-Top 5 noong Setyembre 2017. Ang bunso at nag-iisang lalaki na si Federico Adriano Peralta IV ang nakakuha ng pinakamataas na karangalan at nag-Top 1 noong Setyembre 2019.

Credit: Facebook / Ana Eryka Elaine Peralta

Ayon sa panganay na si Bianca, walang nga umanong pressure sa pagkuha ng isang medical na career kahit na ang kanilang mga magulang ay parehong mga doktor. Sinabi pa nga niya na itinuturing nilang magkakapatid na inspirasyon ang kanilang mga magulang.

Credit: Facebook / Ana Eryka Elaine Peralta

Samantala, hinikayat ni Ana ang iba pang mga magulang na suportahan ang kanilang mga anak sa kabila ng mga trabahong dapat asikasuhin pa. “Give all the support that you can give to your children. No matter how busy you are, find time para talagang masuportahan,” dagdag nya.

Tunay nga na walang tatalo sa pamilyang may suporta sa isa’t isa. Sapagkat ang lahat ng tagumpay ay hindi lamang sa isa sa kanila kundi para sa lahat. Nararapat din natin na bigyan ng oras ang mga pangarap ng ating pamilya para ito makamtan. Sabi pa nga sa isang pamosong kataga, “Ang pamilya ay tulad ng mga sanga sa isang puno, lahat tayo ay lumalaki sa iba’t ibang direksyon ngunit ang ating mga ugat ay nananatili bilang isa.”

Tatlong Dalagang Matalik Na Magkakaibigan, Nakamit Ang Kanilang “BFF Goals” Na Sabay-Sabay Silang Maging Lisensiyadong Doctor

Madalas sa ating kabataan, hindi nawawala ang mga pagkakataon na magkaroon tayo ng mga matatalik na kaibigan kung saan sila ang nakakasama natin sa lungkot at ligaya. Sila ang klase ng mga kaibigan na kailanman ay hindi ka iiwanan at sabay-sabay niyong inaabot ang inyong mga pangarap.

Sa panahon ngayon, nauuso ang mga friendship goals ng mga magkakaibigan. Ito yung sabay kayong nangarap at sabay niyo ring nakamit ang inyong mga mithiin sa buhay. Narito ang isang kwento ng tatlong dalaga na matalik na magkaibigan, na nagkaroon ng “BFF Goals” at sabay din nila itong natupad.

Kilalanin natin ang tatlong matalik na magkakaibigan na sina Joieanne Marie Macarubbo, Marie Clare Perez and Jovine Martin. Ang kanilang nakaka-inspired na kwento ay ibinahagi ni Joieanne Marie kung saan ang kanyang pangalan sa facebook ay si Ching Macarubbo.

Ang tatlong dalaga na ito ay matagal ng matalik na magkaibigan simula pa noong sila ay nasa high school. Sabay silang tatlo nakapagtapos ng high school at sabay rin silang pumasok ng kolehiyo sa Cagayan State University.

Silang tatlo ay pareho ng pangarap sa buhay at iyon nga ang maging isang registered Doctor. Kaya naman nang makatuntong sila ng kolehiyo, pareho sila ng kurso at ito nga ang medisina. Isa sa naging “BFF Goals” nilang tatlo ay ang sabay silang makakapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo at magiging isang ganap na doktor.

Sa facebook post ni Ching na may caption na, I can still vividly remember the day we took the first photo. The foundation of our dreams. 2011, the year we graduated highschool. Never have I imagined graduating together again with these two, neither have we talked about going in the same school.

We just found ourselves applying in the same college. We have gone through so much during the years, on the brink of failure, crying ourselves out almost every night, tired & restless especially during our clerkship, but never took quitting as an option. Now, 9 years from that day, here we are, living our vision.

Truly, the future belongs to those who believe in the beauty of their dreams. Wouldn’t have survived medschool without you two And ofcourse the support of our dear parents

Kanyang ibinahagi kung gaano sila kasaya na napagtagumpayan nilang magkasama ang kanilang naging goal sa buhay. Hindi man nila inakala na ang kanilang mga puso ay makadugtong ng kapalaran, dagdag pa ni Ching nagulat na lamang daw siya noong una ng makita nilang tatlo na parehong kurso ang kanilang kukunin. Doon na nila napagtanto na hanggang sa pagkamit ng kanilang pangarap ay magkasama pa rin sila at walang iwanan.

Labis din silang nagpapasalamat sa kanilang mga magulang na walang sawang sumusuporta sa kanila. Tunay silang inspirasyon para sa mga kabataan na hindi tumitigil na makamit ang kanilang mga pangarap.

The post Mag-Asawang Doktor, Proud Sa Tagumpay Ng Tatlong Anak Na Board Topnotchers appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments