Looking For Anything Specific?

Marco Gumabao at Ivana Alawi, umagaw ng atensyon ngayon matapos makitang magkasama at sweet sa isat-isa

Marco Gumabao at Ivana Alawi magkarelasyon na nga ba?

Iyan ang tanong ng maraming netizens ngayon dahil sa viral video nina Ivana at Marco na sobrang sweet sa isa’t-isa.

Sa Instagram stories ng isang Ann Murphy, makikita ang get together nilang magkakaibigan. Nagkakantahan sila at nagiinuman sa tila isang private club.

Makikitang magkatabi sina Ivana at Marco sa upuan, sa isang video clip na nakapost kitang kita naman na nakahawak si Marco sa hita ni Ivana habang kumakanta ito.

Hindi naman alintan ng dalaga ang paghawak na ito ng aktor. Kaya naman mabilis na hinuha ng mga netizens na baka may relasyon ang dalawa.

Narito ang ilan sa komento ng netizens ukol dito:

“Friends lang sila. Sure ako.”

“Yiee! Bagong loveteam!”

“Chipipay talaga c ivana”

“Cute sila if sila”

“nakasulat ba yan sa diary ni ano”

Samantala, hindi ito ang unang pagkakataon na na-link sina Ivana at Marco.

Biglang sumulpot at nabuo ang ‘MarVana’ pinagsamang Marco at Ivana sa mismong IG ng aktor.

Sa photo sa IG ay topless si Marco, naka-shorts at may na glass of wine habang nasa gilid ng swimming pool. Dati na itong ginagawa ng aktor, pero dahil kay Ivana ay umabot na sa kulang-kulang 150,000 ang mga like at mahigit 1,800 ang mga komento.

Ang dahilan, bigla nga kasing nag-comment ang reyna ng YouTube na si Ivana sa IG post na `yon ni Marco.

 

“Asan credits ng photog?” sabi ni Ivana.

“Excuse me like muna bago comment. @kimawesome111, di ba?” sagot naman ni Marco.

Meaning, magkasama ang dalawa noong mga oras na `yon. At si Marco nga ba ang sinasabing masugid na manliligaw ni Ivana ngayon?

Marco Gallo, inaming na-excite nang malamang may kissing scene sila ni Julia Barretto

Napaka memorable umano sa aktor na si Marco Gallo ang naging kissing scene nila ni Julia Barretto.

Sa bagong serye ng TV 5 na “Di Na Muli” ay magkatambal sina Marco at Julia, together with Marco Gumabao.

For Marco Gallo’s part, hindi daw niya agad pinaniwalaan noong tinawagan siya ng Viva para ialok ang project sa kanya.

Tila tanggap na yata ng half-Italian na si Marco Gallo na hindi siya pang-bida kaya ganoon ang reaction niya.

Pero aniya, nang mahimasmasan na siya ay saka siya nakaramdam ng pressure. At nang mag-umpisa na ang kanilang taping nawala na raw ang kanyang kaba.

At napalitan ito ng excitement lalong lalo na ng malaman niyang may kissing scene sila ni Julia sa nasabing serye.

Ani Marco, “I am excited because my friends know that my girl crush, like, celebrity crush in show business is Julia Barretto.

“When I learned I’m having a kissing scene [with her], I was, like, ‘Oh my god, the universe heard me’”

Sa kanyang exclusive interview eith PEP.ph, ibinahagi ng aktor na nakaramdam siya ng “intimidation” sa kaalamang nobyo ni Julia si Gerald Anderson.

Kuya daw kasi kung ituring ni Marco si Gerald at madalas siyang nagpupunta sa gym na pagmamay-ari nito.

Aminado rin siya na nahiya siya nang kunan ng direktor na si Andoy Ranay ang passionate kissing scene nila ni Julia. Nahihiya umano siya dahil deep inside ay kinikilig siya.

Pero alam din ni Marco na sa parte ni Julia ay walang personalan, at trabaho lang ang lahat.

Samantala, breath of fresh air ang pagkakalarawan ni Julia kay Marco Gallo at sa character portrayal nito.

Tila nagbalik teenager daw siya sa mga naging ekesena nila ni Marco para sa “Di Na Muli”

The post Marco Gumabao at Ivana Alawi, umagaw ng atensyon ngayon matapos makitang magkasama at sweet sa isat-isa appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments