Tumaas ang kilay ng mga netizens matapos nilang mabasa ang naging tweet ng komedyante at TV-host na si John Lapus tungkol sa kalagayan ni President Rodrigo Duterte.
Dahil ayon sa kanyang tweet, humihingi ito ng tulong sa Panginoong Diyos dahil sa 76 na edad ng Pangulo ito ay inaakay na lamang daw.
Saad niya sa kanyang tweet, “Diyos ko Lord! Tulungan nyo po kami. Yung Pangulo namin inaakay na.”

Samantala ang mga netizens ay hindi talaga napigilan ang magbigay ng kanilang reaksyon patungkol dito. Ibinahagi din ni Lapus, ang kanyang tweet matapos magpakita sa publiko si Pangulong Duterte kung saan sinamahan niya si Senador Christopher “Bong” Go na maghain ng kanyang certificate of candidacy sa pagka bise-presidente. Inanunsyo din ng Pangulo ang kanyang pagreretiro sa politika.
Narito naman ang mga naging komento ng mga netizens sa tweet ni Lapus,
“Alam mo ang karma? Matanda na Yong tao, binu bully mo pa. Dahan dahan baka bukas or di natin Alam, malalaman mo nalng ikaw naman ang inaakay.”
“Buti nalng yung matanda n inaakay na may silbi… e ikaw? Anung meron k?anung na e ambag mo bilang isang tao s bayan mo?”
“Lahat ng tumatakbong president kinakalaban at lahat ng naging president kinakalaban din ugali talaga ng pinoy di ko maintindihan.”
Samantala hindi naman daw bago kay Lapus ang batikusin si Pangulong Duterte. Dahil noon lamang Septyembre ay tila minaliit ni Lapus ang talino ni Pangulong Duterte.

Matatandaan din kasi na doble pag-iingat ang mga staff ng Pangulo dahil na rin sa kanyang kalagayan kung saan maari siyang mawalan ng balanse habang naglalakad. At hindi naman ito bago sa publiko dahil nakikita naman ito ng mga tao.
Kaya naman ang mga netizens ay nangangalit sa pagbabatikos ni Lapus sa kalusugan ng Pangulo imbis na tumulong na lamang sa ekonomiya ay mas pinipili pang lait-laitin ang pinuno ng bansa.
‘Masahol pa sa Hayop,’ John Lapus, pinasaringan si Senator Manny Pacquiao matapos nitong magbigay ng pahayag patungkol sa kanilang mga miyembro ng LGBTQ!
Ang komedyanteng si John Lapus o mas kilala bilang si Sweet, ay nagbigay ng kanyang sentimenyento sa kanyang Twitter account matapos mai-ere ang naging panayam ni Toni Gonzaga kay Senator Manny Pacquiao sa Youtube vlog nitong ‘Toni Talks’.

Source:Twitter/John Lapus
Nagbigay ng kanyang reaksyon si Sweet pagkatapos magdeklara ng kanyang kandidatura si Senator Manny sa pagtakbo nito bilang Pangulo ng Pilipinas ngayong taong 2022 na eleksyon. Matapos ang opisyal na pagdeklara ni Senator Manny sa kanyang kandidatura inilabas naman ng komedyante ang kanyang saloobin sa kanyang Twitter account kung saan nakasaad sa kanyang post na,
“Mga bakla! Wag kalimutan, sinabihan tayo niyan ng ‘Masahol pa sa Hayop.’ “

Source:Twitter/John Lapus
Matatandaan kasi noong taong 2016, na mariing iginiit ni Senator Manny ang kanyang mga pahayag laban sa mga miyembro ng LGBTQ community. Kaya muling pinaalala ni Sweet sa mga miyembro ng LGBTQ community ang masasakit na salita na tinawag sa kanila ni Senator Manny noon.
Kung saan ayon sa Boxing Champ noon, “Common sense lang. Makakakita ka ba ng any animals na lalaki sa lalakI, babae sa babae? Mas mabuti pa yung hayop. Marunong kumilala kung lalaki, lalaki, o babae, babae.”
Dagdag pa nito na, “Kung lalaki sa lalaki, babae sa babae, eh mas masahol pa sa hayop ang tao.”

Source:Twitter/John Lapus
Kaya naman ganito na lamang ang naging reaksyon ni Sweet ng malaman ang pagtakbo ni Senator Manny bilang bagong presidente ng bansang Pilipinas. Kung kaya’t sa ngayon, isa si Sweet ang nagpapayahag ng kanyang pagtutol sa pagtakbo ni Senator Manny bilang presidente.

Source:IG/mannypacquiao
Marami namang LGBTQ ang sumuporta at nag-retweet sa post ni Sweet at tila hinding-hindi nila makakalimutan ang masasakit na salitang binato sa kanila ng Senator. Maraming ring netizens ang nag-react at nag-comment na papalapit na umano ang eleksyon at nagbago lang umano ang pananaw ni Senator Manny ngayon dahil sa pag-anunsyo nito na tatakbo sa pagka presidente sa darating na eleksyon.
Narito ang kabuuang post ni John sa kanyang Twitter account:

Source:Twitter/John Lapus
The post Mga netizens, nang galaiti sa tweet ni John Lapus matapos sabihin ang ganito patungkol kay President Rodrigo Duterte, “Yung pangulo namin inaakay na!” appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed

0 Comments