Looking For Anything Specific?

Nagtataka sila sa kanilang Rice Cooker na nangangamoy prito sa tuwing magsasaing, nang buksan ay nagulantang sila sa kanilang nakita


Ang isang pagkain na napaka importante at hinahanap nating mga Pilipino ay ang kanin kaya naman ang pagkakaroon ng rice-cooker sa bahay ay napakalaking tulong, dahil dito madali ka nalang makakapag luto ng kanin at hindi mo narin kailangan pang bantayan dahil kusa na lamang itong maluluto kaya naman ang rice-cooker ay isa sa pinaka mahalagang gamit sa bahay dahil araw-araw itong ginagamit.

Samantala, usap-usapan naman ang isang ibinahagi ng Netizens tungkol sa kakaibang karanasan niya ng gamitin ang kanilang rice cooker, di umano sa tuwing mag-sa-saing daw siya dito ng kanilang kanin ay nag aamoy pinirito ang kanilang rice-cooker.

Kahit daw ilang beses na itong hugasan ay hindi nawawala ang amoy nito na parang may pinirito. Ngunit kahit pa man ganon ang amoy ay hindi naman naapektuhan ang lasa ng kanilang kanin.

Ang post na ito ay ibinahagi ni Big D Reyes, dahil sa matagal na din silang nagtataka nais nilang malaman ang tunay na sanhi kung bakit ganon ang nagiging amoy ng kanilang kanin. Kaya naman nagdesisyon sila na buksan ang ibabang parte ng rice cooker upang suriin kung mayroon ba itong problema.

At doon nga ay napag-alaman nila na kaya pala nagiging amoy pinirito ang kanilang rice cooker sa tuwing nagluluto ay dahil sa mga butiki sa ilalim nito na halos na prito at nasunog na sa tuwing gagamitin ang rice-cooker.

Makikita sa larawan na ibinahagi ng netizen na ang mga butiki na halos sunog na dahil siguro sa kuryente sa rice cooker. Biro naman ng netizen na ginawa nalamang nila na ulam ang mga ito.

Palaisipan naman sa ating netizen kung paano nga ba nakapasok ang mga butiki sa loob nito.

Dahil naman sa ibinahagi na post ni Big D Reyes ay marami namang netizens ang natawa at naaliw sa kanyang kwento at umani rin ito ng maraming reaksyon at komento galing sa mga netizens.

Post a Comment

0 Comments