Ang TV host-actress na si Pauleen Luna ay nagbahagi ng kanyang video kung saan ang kanyang anak na si Baby Tali ay marunong ng maglinis gamit ang walis at dustpan. Mapapanood sa video kung paano nag-eenjoy si Baby Tali sa kanyang ginagawang gawaing bahay.

Kaya naman ang mga netizens ay tila sobrang naaliw sa kanyang pagiging masipag at pagiging masunuring anak sa kanyang mommy Pauleen at daddy Vic. Maririnig din sa video kung paano pinupuri at binibiro nina Vic at Pauleen ang kanilang anak dahil sa magandang gawain na ipinapakita nito.
Isang magandang halimbawa si Baby Tali para sa kanyang kapwa mga bata, dahil sa kanilang kamusmusan ipinapakita na sa kanila ang tamang pag-uugali kagaya ng pagiging masipag at masunurin na bata.
Na kahit na laki sa karangyaan hindi ito basehan upang hindi sila matuto ng mga gawaing bahay.
Narito ang kabuuang video sa ibaba:
Ganito Pala Tratuhin Ni Pauline Luna Ang Anak Nila Ni Vic Sotto Na Si Tali

Kinagiliwan ng mga netizens ang mga videos na kuha ng mag-ina na si Pauline Luna Sotto at ang kaniyang anak na si Tali Sotto.
Ito ay kinatuwaan ng marami dahil sa kanilang mga sweet at happy moments na mag-ina na makikita talaga kung gaano ka hands-on mommy si Pauline sa kaniyang anak.
Sa mga videos na ibinahagi ni Pauline sa kaniyang social media accounts, kapansin pansin talaga na maganda at maayos ang pagpapalaki nina Pauline at Bossing Vic Sotto sa kanilang anak. Sa murang edad pa lamang kasi ni baby Tali ay matalino na ito.
Kamakailan nga lamang nang magbahagi si Pauline ng video kung saan makikita si Tali na nagsasalita at nagbibilang ang iba’t ibang lenggwahe tulad ng Spanish, Japanese, at Chinese.
Marami naman sa mga netizens ang natuwa at humanga sa magandang pagpapalaki nina Bossing Vic at Pauline kay baby Tali. Saad pa ng ilan na kahit pa man madalas na busy ang dalawa sa kanilang schedule sa showbiz ay makikita pa din kung gaano sila ka-hands on sa kanilang anak na si baby Tali.
Kaya naman hindi na nakakapagtaka kung bakit ito ay lumalaki ng may respeto sa kapwa, mabait, at matalinong bata.
Marami din ang humanga sa bonding at sweet moments ni Pauline at baby Tali.
Narito ang ilang komento mula sa online community:
“Cuties si tali sotto, matalinong bata, madaling turuan. Love it Tali, maraming nagmamahal sa iyo dai. God bless.Amen.”
“Ang cute mag-usap nila bilang mag-ina. Parang magkabarkada lang eh..hehe..good job, Pauleen..”
“apka talented nman tlga ni bavy tali mga lucky parent.”
“beauty and brain si tali so cute and loving pa nakakatuwa”
“Baby Tale your such a Talented hugs n kisses bb smart girl mommy Pauline and your daddy are great Parents Godbless whole Family”
The post PANO0RIN: Ang nakakaaliw na video ni Tali Sotto habang ito ay nag-eenjoy sa kanyang pagwawalis! appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments