Looking For Anything Specific?

Piolo Pascual at Shaina Magdayao spotted sa Bohol kasama ang magkasintahan na sina Jodi Sta. Maria, Raymart Santiago

May relasyon na nga ba sina Piolo Pascual at Shaina Magdayao?

Ito ang tanong ng marami ng kumalat ang ilang litrato ng dalawa na sweet na magkasama sa Bohol.

Sa nasabing litrato at kasama din nila ang celebrity couple na sina Raymart Santiago at Jodi Sta Maria.

Tila nasa isang masayang bakasyon ang apat na Kapamilya stars.

Sa unang larawan makikitang mahigpit na nakayakap si Piolo kay Shaina. Nasa tabi din nila noon si Raymart.

Sa sumunod naman na larawan ay tila couple photo ito. Naka akbay si Piolo kay Shaina at ganun din naman si Raymart kay Jodi.

Sina Raymart at Jodi ay halos isang taon ng magkasintahan at inamin naman na nila ito sa publiko.

Samantala sina Piolo at Shaina ay ilang taon na ding nali-link sa isa’t-isa. Pero magpasahanggang ngayon ay tikom ang bibig ng dalawa ukol dito.

Sa sumunod pang mga larawan ay may kuha din na sina Shaina at Jodi lang ang magkasama. At nha non-showbiz friends nila.

Nakuhaan din ng litrato sina Piolo at Shaina na nakahiga ang aktor sa kandungang ng aktres. Habang ang dalaga naman ay nakahiga sa dibdib ng aktor.

Tila nasa isa silang motorboat sa nasabing litrato.

Meron din kuha na magkahawak kamay ang dalawa at parehong nakangiti sa camera.

Sa mga nakalipas na panayam noon ni Piolo aminado ang aktor na exclusively dating na sila ni Shaina.

Ayon naman sa aktres wala silang commitment ni Piolo pero inamin din niya na madalas silang magkasama.

Kung sakaling may relasyon man ang dalawa ay wala namang masama doon.

Pareho silang single and ready to mingle.

Huling nakarelasyon ni Piolo na bukas sa publiko ay si KC Concepcion.

Si Shaina naman ay si John Lloyd Cruz ang huling napabalitang nobyo niya.

Shaina Magdayao, inalala ang kalupitan noong unang nakatrabaho si Mon Confiado at muling makatrabaho ulit ito ngayon!

Naaalala pa ni Shaina Magdayao kung paano siya ‘pinagmalupitan’ ni Mon Confiado noong bata pa siya.

Kilala ang aktor na si Mon Confiado bilang isa sa pinakamagaling na kontrabida.

Hindi lamang sa pelikula ngunit pati na din sa mga teleserye.

Malakas ang impact ni Mon sa mga manonood, na talagang galit sa mga karakter niya.

Kayang kaya niyang gumanap bilang masamang tatay, tyuhin, anak, asawa, at kung anu-ano pa.

Pero gayunpaman, may mga roles na mabait din si Mon, pero mas effective pa din ang pagiging kontrabida niya.

At isa nga ang aktres na si Shaina Magdayao sa mga nakaranas ng kalupitan ni Mon.

Nagkasama sa isang serye sina Mon at Shaina noong 1999 hanggang 2001 para sa ‘Marinella’.

Sinariwa ni Shaina ang isang eksena kung saan kinidnap at binugbog siya ni Mon sa kanyang Instagram story.

 

“Dati nung bata ako sa #Marinella, kinikidnap mo ako at binubugbog,” saad ni Shaina.

Sa ‘Maalala Mo Kaya’ ay muling nagkasama ang dalawa, ngayon ay bilang mag-asawa ngunit bugbog pa rin siya dito.

“Ngayon, sa MMK, asawa na kita, pero binubugbog mo pa din ako,” dagdag pa ng dalaga.

Kalakip nito ang litrato nilang dalawa, na sa tingin pa lang ay ramdam mo na ang kaba.

Dahil sa pwedeng gawin ng karakter ni Mon sa karakter ni Shaina bilang sila ay mag-asawa.

Kinaaliwan naman ang throwback na ito ni Shaina ng maraming netizens.

At umani din ng iba’t-ibang reaksyon.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Hahaha alalang alala pa ni Shaina pagmamalupit ni Mon”

“Magaling naman kasi talaga si Mon Confiado na kontrabida nakakainis talaga”

“Binubugbog ka lang noon asawa mo na ngayon hahaha havey si Shaina”

Anong masasabi mo rito?

The post Piolo Pascual at Shaina Magdayao spotted sa Bohol kasama ang magkasintahan na sina Jodi Sta. Maria, Raymart Santiago appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments