Looking For Anything Specific?

Sharon Cuneta, galit na ipinagtanggol ang anak na si Frankie mula sa mga bashers nito: “I feel parang they’re helpless”

Megastar Sharon Cuneta nagsalita na patungkol sa kanyang anak na si Frankie Pangilinan. Ito ay ng nagkaroon ng isang panayam si Sharon sa PEP.ph kung saan ito ay tungkol sa pangbabatikos umano ng mga tao sa kanyang anak.

Ayon sa kanya, kung siya lamang naman ang babatikusin ay ipagsasawalang bahala daw niya ito. Ngunit, pagdating daw sa kanyang mga anak ay iba na umano itong usapan.

Sabi pa ng Megastar, nararamdaman daw niyang parang walang laban ang kanyang anak dahil bata pa umano ito. Samantala, naniniwala pa rin siya na maayos niyang pinalaki ang kanyang mga anak.

Saad niya, “I feel parang they’re helpless. They’re young and impressionable, and they’re being raised very well and as very decent human beings.”

Dagdag pa nito, “So, ako yung nasasaktan for them, not because there maybe any truth to what the trolls are throwing their way. Pero mas dahil nanay ako at naiinis ako na nae-expose sa ganoong klaseng environment.”

Ayon sa kanya ay maaring may kinalaman sa politika ang ginagawa ng mga kritiko ni Frankie. Hindi rin naman daw mapipigilan ni Frankie ang kanyang sarili na magsalita tungkol sa mga paniniwala niya dahil nagmana ito sa kanyang ama na si Senador Francis “Kiko” Pangilinan.

Aniya pa, “Nadadamay yung anak ko, when actually, we all know it’s supposed to be still a free country and everyone has freedom of speech. So if she dishes it out, she has to be able to take also what comes back.”

Ayon pa sa kanya na sensitibo umano ang kanyang anak na si Frankie pagdating sa kalagayan ng mga mahihirap niyang kababayan sa Pilipinas. Pero minsan daw ay umaabot na siya sa punto na ibina-block niya na lamang ang mga kritiko niya.

Ika pa ng Megastar, “Minsan ano na lang, pinagtatawanan ko, idini-delete ko na lang o bina-block. Kapag sobra, minsan nagmamaldita ako once or twice, ‘tapos wala na, tapos na. Ano lang, pang-asar.”

Matatandaan na pinapaulanan ng kritisismo ang kanyang anak na si Frankie dahil sa kanyang mga opinyon tungkol sa mga nangyayari sa bansa. Kaya naman dahil dito, pati ang kanyang singing career ay pinaulanan din ng batikos ng mga netizens.

Sharon Cuneta, ipinakilala sa mga netizens ang isa pang ‘anak’ na nasa US: “Napakagwapo, iyan ang lahi namin”

Proud na proud si Megastar Sharon Cuneta nang ipakilala niya ang kanyang anak na lalaki na naninirahan sa US.

Sa tagal nang nasa industriya ng showbiz si Sharon Cuneta, halos lahat sa kaniyang pagkatao at pamumuhay ay alam na ng masa.

Kung tutuusin ay wala nang maitatago ang tinaguriang Mega Star na si Sharon.

Ngunit nitong nakaraan lamang nang ginulat muli niya ang mga netizens sa isang pagbubulgar.

Ukol sa isa pa niyang anak na kailan man ay hindi niya isina- publiko.

Kaya naman sa kanyang latest vlog update sa YouTube ay ipinakilala na ni Sharon ang tinutukoy niyang “son”.

Ito ay si Curtis, na isang sundalo at miyembro ng US Army.

Sa ngayon ay nasa Las Vegas ang Megastar upang magbakasyon kasama ang ilang kapamilya at malalapit na kaibigan.

Sa kanyang vlog, ipinakilala ni Mega si Curtis, ito ay ang kanyang pamangkin na tinuring na niyang anak.

Itinuturing din niyang “pride and joy” ang pamangkin at sana raw ay naging tunay na anak na lang niya ang sundalo.

“I’m with my son Curtis. I’m so happy to see him. He looks like me. He looks like tatay, my dad,” saad ni Sharon.

Aniya kulang na lamang daw na siya ang maglabas kay Curtis, proud na proud pang sambit ni Mega, “napakaguwapo. Iyan ang lahi namin!”

Kuwento ni Curtis, miyembro siya ng US Army at isa sa mga sniper section leader. Hirit naman ni Mega, mukhang namana sa kanya ng kanyang pamangkin ang pagiging sharp shooter.

“I don’t just fire and fire and fire like some people. I actually aim!” sey ni Sharon na sinang-ayunan naman ni Curtis.

Sa nasabing vlog ay nakipag reunion din si Sharon sa aktres na si Beth Tamayo na naninirahan na din sa U.S.

The post Sharon Cuneta, galit na ipinagtanggol ang anak na si Frankie mula sa mga bashers nito: “I feel parang they’re helpless” appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments