Si Jackie Rice na nga ba ang gaganap bilang Valentina sa upcoming Darna TV series ng ABS-CBN?

Ito ang tanong ng mga netizens ngayon dahil marami umanong nakapansin. Sa mga artikulong inilalabas ng GMA Network at iba pang entertainment sites. Na wala na si Jackie Rice sa cast ng upcoming series na Artikulo 247.

Usap-usapan din na pinalitan na diumano ni Kris Bernal si Jackie sa nasabing serye.
Ayon pa sa Artists Catalog ng GMA Artist Center, wala na sa kanilang database ang pangalan ni Jackie Rice at si Jackie Lou Blanco na lang ang lumalabas.

Anim na taon na ang nakalilipas ng huling pumirma ng 5-year exclusive contract si Jackie sa GMA. At wala pang napapabalita kung na-renew na siya.

Kaya naman mukhang freelancer na nga talaga ang aktres. Wala ring balita kung mayroon ba siyang bagong project sa Kapuso.

Ilang beses na rin napapabalita na lilipat na ng network si Jackie. Noong una ay taong 2012 at ikalawa naman noong 2015.

Ngunit hindi natuloy ang kanyang transfer. At ngayong umugong na naman ang balita na ito, tanong ng marami ay matutuloy na nga kaya ito?

Tuluyan na kayang iiwan ni Jackie ang GMA after 15 years na pamamalagi niya rito?
May mga balita din kasing umuugong ngayon na isa si Jackie sa napipisil na gumanap bilang Valentina.

Ang mahigpit na kalaban ni Darna sa upcoming TV series ng Pinay Iconic hero na gagampanan ni Jane De Leon.

Samantala, nagbigay naman ng reaksyon niya si Jackie ukol dito. Tila may pahapyaw ang aktres sa kanyang online post.

Kalakip ng screenshot ng balita tungkol sa kanya saad ng aktres, “Gusto nyo ba”

Si Jackie Rice ay produkto ng StarStruck Season 3, kung saan siya ang itinanghal bilang Ultimate Female Survivor noong 2005.
Netizens, usap-usapan ngayon ang bagong lipat na aktres na ito na gaganap umano bilang Valentina sa Darna!
Ngayong isa na siyang Kapamilya star, isa si Janine Gutierrez diumano sa pinagpipiliang gaganap bilang Valentina.
Kamakailan nga lamang ay isinapubliko na ang mga artistang kasama sa casting ng Darna TV series ng ABS-CBN. Na pinagbibidahan ni Jane De Leon bilang Darna.

Puro mga bida pa lamang ang ipinakilala sa madla at wala pang detalye sa mga villains o makakalaban ni Darna.

Alam naman ng lahat na ang pinakamatinding kalaban ni Darna ever since ay si Valentina. Kaya naman inaabangan ng marami kung sino nga ba ang gaganap sa karakter na ito.

Nang mga unang araw na lumipat si Janine Gutierrez sa Kapmilya from Kapuso network ay isa na siya sa mga napipisil bilang Valentina.

Sa kanyang pagdating sa bakuran ng ABS-CBN ay inaasahang makakagawa siya ng mga dekalibreng teleserye na paniguradong mamahalin ng televiewers.

Sa pagsalubong sa kaniya ay sinagot ni Janine ang ilang mahahalagang katanungan na ipinukol sa kaniya ng mga press.

Nang tanungin naman siya patungkol sa pagkakapili sa kaniya ng Netizens bilang gumanap na Valentina sa upcoming SuperheroSerye na Darna ay bukas umano siya sa posibilidad na ito.

““It’s so interesting to me. Of course I’m a fan of Darna. I’m a fan of all the old films. Actually parang meron akong napanood before na iyong lola ko, nag-Valentina, e. So it’s interesting,” saad ng aktres.

Gumanap na Valentina sa pelikulang Darna: Ang Pagbabalik ni Anjanette Abayari noong 1994 si Pilita.

Dagdag pa niya, “Siyempre flattered ako na nakikita ako ng ibang tao na mapasama sa ganoong klaseng proyekto, so I don’t know, we’ll see.”
Sa ngayon ay bida si Janine sa seryeng pinagtatambalan nila ng aktor na si Paolo Avelino.
The post Sikat na Kapuso actress lilipat na diumano ng ABS-CBN para gumanap bilang “Valentina”sa upcoming “Darna TV Series” appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed

0 Comments