Kapag narinig natin ang salitang “wet market”, isa lang ang pumapasok sa ating isipan kundi ang maputik, basa at malansang amoy sa isa palengke. Ngunit kahit ganito man ang katotohanan sa mga tipikal na palengke marami pa rin naman ang tumatangkilik.
Sa kabilang banda, maniniwala ka bang may isang lugar sa Pilipinas na ubod ng linis ang kanilang palengke? Ito ang palengkeng matatagpuan sa isang lugar sa Bukidnon Province, kung saan ang kanilang pamilihang bayan ay naging usap-usapan sa social media dahil sa nakakamanghang kalinisan nito. Makikita ang kuhang larawan ng lugar na ibinahagi ng netizen na si Kyle Jennerman sa kaniyang social media account.
Kitang-kita sa larawan na talagang hindi aakalain na isa itong wet market na maituturing dahil sa sobrang linis at maaliwalas ang lugar. Kahit ang mga palikuran ng palengke ito ay napaka-linis rin. Taliwas ito sa nakasanayang palengke na laging pinupuntahan ng mga tao sa tuwing mamimili ng mga supply ng pagkain. Kapansin-pansin rin na walang makikitang ultimo maliit na kalat sa loob ng kanilang palengke. Ang buong wet market na ito ay ubod ng linis at sinong mag-aakalang pwede palang magkaroon ng ganitong wet market.
Dahil sa kalinisan ng Maramag Public Market, ito ang tinaguriang “Cleanest Wet Market in the Philippines”. Bukod sa kalinisan ng pamilihang ito napapanatili nilang malinis ang kanilang palikuran. Ito ay patunay lamang na responsableng mamayan ang mga tao sa lugar na ito. Marunong silang pangalagaan at panatilihing malinis ang kanilang pamilihan.
Nawa’y ito ang pumukaw sa ibang lugar na gawing ganito ang kanilang mga pamilihan upang hindi dinadalaw ng mga parasitikong hayop kagaya na lang ng ipis at daga. Kaya naman maraming mga netizens ang napa-wow sa sobrang linis ng pamilihang ito. Pwede naman palang magkaroon ng ganitong malinis na wet market pero bakit hindi nagagawa ng ibang lugar sa Pilipinas.
Isang inspirasyon ang kanilang magandang gawain na nakakatulong sa pag-unlad ng kanilang lugar.
Lalaki Mula Sa Indonesia, Nagpakasal Sa Isang Rice Cooker
Ang pagpapakasal sa taong iyong minamahal ay isa na siguro sa pinakamaganda at pinakamasayang kaganapan sa buhay ng isang tao.
Ngunit kamakailan lamang ay naging viral sa social media ang lalaking ito mula sa Indonesia. Hindi kasi siya nagpakasal sa isang babae kundi sa isang rice cooker!
Ayon sa mga larawan na ibinahagi ng Twitter user na si lagidirumah”, ang lalaking nakasuot ng kulay puti ay ang groom na si Khoirul Anam. Kasama at hawak niya ang kaniyang misis na isang rice cooker na nakasuot din ng puting belo.
Sa mga nasabing larawan, makikita na pinaghandaan ni Anam ang kaniyang kasal mula sa kasuotan niya at ng kaniyang rice cooker bride. Makikita din sa larawan ang paghalik niya sa rice cooker.
Sa isang larawan, makikita din na nakipagkamay pa si Anam sa isang wedding official. Kita din sa mga larawan ang pagpirma niya sa marriage of contract katabi ang rice cooker na nakasuot pa ng belo.
Ngunit apat na araw lamang makalipas ang kasal na naganap sa pagitan ni Anam at ng kaniyang rice cooker bride ay kaagad naman na nakipag-divorce ang binata sa naturang kitchen equipment at sinabi na kanin lamang ang kaya nitong lutuin.
Ani Anam sa kaniyang post,
“Disappointed, Khoirul Anam decided to divorce the magic jar because the wife can only cook rice but not vegetables.”
Ang naturang kasalan at divorce ay ginawa lamang ni Anam para makapagbigay saya at alis sa mga netizens.
Ayon naman sa local news, isang Indonesian celebrity si Anam na kilala sa kaniyang mga pakulo para magbigay aliw sa kaniyang mga tagahanga.
Tagumpay naman si Anam na makapagbigay ng saya sa mga netizens dahil marami talaga ang naaliw sa pakulong ginawa niya na pagpapakasal sa isang rice cooker.
Kaagad ding umani ng samu’t saring reaksyon ang nasabing post ni Anam mula sa online community.
The post Tunghayan Ang May Pinakamalinis Na Palengke sa Pilipinas, Pati Ang Mga Palikuran Nito Ay Hindi Magpapahuli Sa Kalinisan appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments