Looking For Anything Specific?

Wilbert Tolentino, tapat na inaming niregaluhan ng house and lot ang kanyang alaga na si Madam Inutz

Napakagalanteng manager talaga ni Wilbert Tolentino.

Iyan ang naging impresyon ng mga netizens ng ibahagi ni Mamshie Wilbert na niregaluhan niya ng bahay at lupa. Ang kanyang talent na si Madam Inutz.

Ito ang ikinwento ni Wilbert sa vlog ni Mama Loi matapos siyang makatanggap ng pambabatikos na diumano’y ginamit lang niya ang kasikatan ni Madam Inutz.

Matatandaan na sumikat ito dahil sa kakaibang strategy niya sa pagbebenta through live selling sa Facebook.

Marami ang naaliw sa kanyang karakter at minahal agad ng publiko ang pagiging totoong tao niya.

Hindi siya nahihiya ipakita ang tunay niyang ugali sa harap ng napakarami niyang viewers na kung tawagin niya ay mga in’util.

At doon na nga siya nabansagang Madam Inutz. Maraming mga vlogger ang agad na nais na makacollab siya sa mga vlogs.

Agad nga siyang kinuha ng Star Image Artist Management. Pero ilang araw lang ang lumipas ay kumalas agad siya dito.

Makatapos naman nito ay binisita siya ni Wilbert at binigyan siya ng pera nito upang maitulong sa pangangailangan ng kanyang pamilya. Especially ng kanyang nanay na be’dridd’en na.

Samantala, sa nasabing vlog ni Mama Loi saad ni Wilbert. “Kung sino mang nag-bash dito gusto ko lang i-share at FYI lang… Binigyan ko ng bahay at lupa si Madam Inutz.”

Kwento pa ni Wilbert, 88 square meter raw ang lupa na kanyang ibinigay kay Madam Inutz.

Ipapaayos niya daw ito at gagawing tatlong palapag para sa pamilya ni Madam Inutz.

Ito rin ang ginawang inspirasyon ni Madam Inutz sa pagpasok niya sa Pinoy Big Brother. Para makamit ang pinapangarap niya para sa kanyang buong pamilya.

Panoorin dito ang kabuuan ng pahayag ni Wilbert Tolentino at pati na din ang update sa bahay ni Madam Inutz:

Madam Inutz, umabot sa mahigit P342k ang naipamili sa hamon ni Wilbert Tolentino na “2 Minute Shopping Challenge”

Hakot pa sa hakot! Madam Inutz, humakot ng pinamili na may malaking halaga sa challenge ni Wilbert Tolentino!

Sikat na sikat ngayon ang online live seller na si Daisy Lopez ng Cavite o mas kilala bilang Madam Inutz.

Sa bagong upload na vlog ng YouTube vlogger na si Wilbert Tolentino, nakasama niya si Madam Inutz at si Herlene Budol o mas kilalang Hipon Girl.

Para sa vlog na ito, nag enjoy ang online seller sa 2 minute shopping challenge ni Wilbert.

Maging dito sa pamimili, kapansin pansin pa din ang priority ni Madam Inutz na walang iba kung hindi ang kanyang ina.

Humakot siya ng napakadaming hair straightener at komportable unan, kumot at bedsheets para sa kanyang ina.

Puno naman ng tawa at saya ang naging vlog ni Wilbert kasama si Hipon Girl at Madam Inutz. Bukod dito, napansin din ng viewers ang pagiging supportive ni Hipon kay Daisy.

Walang mapaglagyan ang tuwa ni Madam Inutz dahil nakarami siya ng pamimili at first time daw ito na nangyari sa kanya.

“Grabe! Napakasaya ko kasi parang panaginip lang,” tuwang-tuwang sabi ni Madam Inutz.

“First time in history, first time in my life na mararanasan ko ‘to.”

Sa dulo ng vlog, na sa Php 150,000 ang hula ni Madam Inutz ang total ng kanyang pinamili. Laking gulat niya nang sabihin ni Herlene na kalahati lamang ito dahil umabot sa Php 342, 173 ang total.

 

Marami naman netizens ang masayang muli para kay Daisy Lopez.

The post Wilbert Tolentino, tapat na inaming niregaluhan ng house and lot ang kanyang alaga na si Madam Inutz appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments