Aminado ang aktor na si Aljur Abrenica na naging manipulative na rin siya sa kanyang nagdaang relasyon. Sa press conference ng kanyang bagong pelikula na ‘Manipula,’ nagbalik tanaw si Aljur sa mga bagay na pinagsisisihan niya sa kanyang dating nakarelasyon. Diretsahan ring inamin ni Aljur ang kanyang mga pagkakamali.
Inilabas ni Aljur ang kanyang saloobin sa press con nila na ginanap noong October 23 sa Tipsy Pig, Timog Avenue, Quezon City. Hindi nilinaw ni Aljur kung kaninong ka-relasyon niya nagawa ito. Ngunit ayon sa aktor, habang nagma-mature siya ay mas narerealize niya rin na mali ang kanyang mga nagawa.

“Nag manipula na ako sa pag-ibig noon. I think it comes with a maturity and self awareness. I wasn’t aware at the time, dati, madalas. Akala ko sa ngalan ng pag-ibig, alam mo yun? Pero hindi pala, hindi ganun. Lahat ng pangmamanipula mo, for now, is OK lang. Mananalo ka, pero sa dulo, hindi mo maitatago yung totoo.”
Angkop na angkop rin ito sa kinakaharap na problema ngayon ng aktor sa kanyang misis na si Kylie Padilla. Usap-usapan sa social media ang publicized na hiwalayan ng dalawa. Kamakailan lang ay nagsalita si Aljur at ibinunyag na si Kylie ang naunang nagloko, kung kaya’t nauwi sa hiwalayan ang pagsasama nila.

Sa kanyang bagong interview kay Jessica Soho, itinanggi naman ni Kylie ang mga paratang na ito. Ayon sa aktres, kahit kailan ay hindi niya nagawang magloko dahil gusto niya ng buong pamilya para sa kanilang mga anak na sina Alas Joaquin at Axl. Ngunit hindi na rin daw niya kinaya ang mga ginagawa ni Aljur.
“Ang dami kong pwedeng sahihin na ikakasira niya ’cause we were both in the marriage but I choose to keep quiet na lang about the details. hindi naman makakatulong sa amin eh, he knows what he did wrong, I know what I did wrong,” pahayag ni Kylie sa kanyang exclusive interview.

Sa ngayon ay hindi na nagsasama pa sa iisang bubong si Kylie at Aljur, ngunit nagshe-share naman sila ng custody ng kanilang mga anak. Inamin rin ng co-star ni Aljur na si AJ Raval na niligawan siya nito, at kasalukuyan na silang nasa getting to know each other stage.

Liezl Sicangco, ibinahagi ang edited na larawan ni Aljur Abrenica at AJ Raval na may caption na: “Sana forever na kayong dalawa.”
May prankang pahayag ang ina ni Kylie Padilla na si Liezl Sicangco tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng anak.
Kamakailan nga lamang, sa kanyang Instagram post ay niresbakan ni Liezl si Cristy Fermin. Sa pangbabatikos ng kolumnista sa kanyang anak na si Kylie.

Tungkol pa din sa hiwalayan nito sa estranged husband na si Aljur Abrenica.

Tila gigil na sambit ni Liezl, “Sobra kana Cristy Fermin!!! Gawin kaya sayo yang pinaggagawa mo, siraan ka ng hindi totoo, gusto mo? Walang kalaban laban ang mga taong sinisiraan mo. One sided ka!!! Di mo naman alam ang totoo at kung ano ang pinagdadaanan ng tao. Magbago ka na bago kapa bawian ng buhay.”

Wala pang reaksyon o sagot si Cristy ukol sa pahayag na ito ni Liezl. Tanging si Kylie lamang ang binabatikos ng kolumnista.

Samantala, hindi lang si Cristy ang nakatikim sa ina ni Kylie na nakabase na sa Australia. Dahil maging sina Aljur at AJ Raval ay mayroon din siyang mensahe.

Ipinost ni Liezl ang edited wedding photo nina Aljur at AJ Raval. Kalakip nito ay ang kanyang mensahe para sa dalawa na sana raw ay forever na.

Aniya, “Wish you both all the best in life. Sana forever na kayong dalawa. Happy naman si Kylie para sa inyong dalawa at naka-move on na rin cya at happy din cya. Sana ganon din yung source ni Cristy. Tama na bitterness nakaka wrinkles. Move on…”
Bago nag-post si Liezl ng reaksyon niya, pinalagan din ni Kylie ang mga ulat at opinyon ni Cristy tungkol sa kanya. Panay kasinungalingan naman daw ang isinusulat ni Cristy tungkol sa kanya.
Sinabihan pa ni Kylie si Cristy na matanda na kaya kailangan itong mag-grow up.
The post Aljur Abrenica, May Inamin Tungkol Sa Kanyang Mga Nagdaang Relasyon appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed

0 Comments