Looking For Anything Specific?

‘Binugbog ang anak ko kahit buntis’- Jaclyn Jose, Nagbabala na Ilalabas ang Baho ni Albie Casino!

Kamakailan lang, usap-usapan sa social media ang pasabog na nilabas ng aktor na si Albie Casino tungkol kay Andi Eigenmann. Matatandaang naging ex-girlfriend ni Albie si Andi noon, at napagkamalan rin itong ama ng panganay ni Andi na si Ellie.

At dahil sa kontrobersyang ito, di umano’y nasira ang career ni Albie, lalo pa’t napatunayan rin na hindi siya ang ama ng ipinagbubuntis noon ni Andi.

Kahit pa mahigit isang dekada na ang nakalipas simula ng mangyari ito, hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakalimutan ni Albie ang atraso sa kanya ni Andi at ng pamilya nito.

Read More: Ogie Diaz, Pinagsabihan si Andrea Brillantes sa ‘Plastik’ na Pahayag Nito Tungkol sa Showbiz

Sa katunayan, sa kanyang nagdaang interview sa “Pinoy Big Brother,” iginiit nito na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagso-sorry si Andi sa kanya.

“I’m not going to hold my tongue so you can look good anymore. And my friends just saw her in Siargao and they said she’s super fat so that makes me super happy. I don’t know if that’s bad of me. But it brings me great joy to know she gained a lot of weight now. That’s the truth. Di tayo nagpla-plastikan dito. That’s the way we do it, man.”

Mukhang hindi naman nagustuhan ng ina ni Andi na si Jaclyn Jose ang maanghang na salitang ito ni Albie. Sa Instagram ay niresbakan ni Jaclyn ang aktor, at nagbabala rin ito kay Laurenti Dyogi ng ABS-CBN.

Ayon sa beteranang aktres, ayaw niyang isaalang-alang ang pagkakaibigan nila ni Lauren dahil lang sa bastos na pag uugali ni Albie.

“Nakikiusap ako nananahimik na si Andi, pero may sagot ako overboard din I just want to keep quiet. As a friend, pigilan mo yang batang ignorante kaysa magsalita ako. Lauren you can stop him or go on, sige mapapahiya kayo kasi lalahatin ko. I so adore you, wag mo sirain ang pangalan mo dyan sa mamang yan,” pahayag pa ni Jaclyn.

Dagdag pa niya, marami din daw hindi alam ang publiko sa totoong pangyayari noon. Kabilang na dito ang di umano’y pananakit ni Albie kay Andi habang pinagbubuntis nito si Ellie.

Ayon naman sa kapatid ni Andi, nag-sorry na rin ito noong 2020 pa sa kanyang ex-boyfriend via private message. Ngunit iginigiit naman ni Albie na public apology ang kailangan niya.

Jaclyn Jose, Labis na Humanga sa Simple at Tahimik Pamumuhay ng Anak na si Andi sa Siargao

Marami ang sumusubaybay sa tahimik na buhay ng dating aktres na si Andi Eigenmann. Sa social media, laging nakaabang ang mga fans sa update nito sa kanyang ‘island life.’ Naninirahan ngayon si Andi sa Siargao kasama ang kanyang tatlong anak at partner na si Philmar Alipayo. Kahit simple lang, fulfilling at masaya naman ang kanilang pamumuhay.

Lakas loob na tinalikuran ni Andi ang kanyang matagumpay na showbiz career kapalit ang tahimik na buhay sa isla. Dito niya rin nais palakihin ang kanyang mga anak na sina Ellie, Lilo, at Koa. Talagang walang-arte si Andi at hands-on ito sa pagiging nanay sa kanyang mga anak.

Maging ang ina ni Andi na si Jaclyn Jose ay labis ring humahanga sa maayos na pagsasama ng dalawa. Kamakailan lang, nagdedicate ng nakaka-touch na mensahe si Jaclyn para sa kanyang anak.

Ayon kay Jaclyn, labis ang paghanga niya sa katatagan ng kanyang anak at sa maayos na pagpapalaki nito sa kanyang mga apo.

“Anak hinahangaan kita sa kung anong meron na buhay ka ngayon. Napakatapang mo, saka ako din. Ang ganda ng pagpapalaki mo sa mga bata. Sorry sa lahat ng pagkukulang ko. Binago ko kasi yung word na typo, mali. Bago lang phone ko di pa ko sanay pasensya na po. Anak mahal na mahal kita at support ko lahat ng ginagawa mo. Mag-ingat palagi.”

Bukod pa dito, nagbahagi rin si Jaclyn Jose ng larawan ni Philmar noong Father’s day kalakip ng pagbati niya. Mukhang natuwa rin naman ang professional surfer, dahil nagpasalamat ito sa kanyang future mother-in-law.

Ayon pa kay Jaclyn, patuloy lamang niyang susuportahan ang kanyang anak sa mga desisyon nito. Kahit pa noong nasa kasagsagan ng isyu si Andi sa kanyang panganay na si Ellie, hindi ito iniwan ng kanyang ina at patuloy pa rin ang pagtatanggol ng beteranang aktres sa kanyang anak mula sa mapanghusgang mata ng publiko.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

The post ‘Binugbog ang anak ko kahit buntis’- Jaclyn Jose, Nagbabala na Ilalabas ang Baho ni Albie Casino! appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments