Looking For Anything Specific?

Elisse Joson, masayang ibinahagi ang naging pregnant journey sa kanyang latest vlog

Aktres na si Elisse Joson, proud mommy na!

Matapos ang kanilang nakaka supresang baby revelation kagabi, october 21, nag bahagi na ng pregnancy journey ang aktres ngayon, November 1.

Sa kanyang YouTube channel, makikita ang vlog ni Elisse.

Sa una ay ipinakita nila ang mga flashback videos  nila ng kanyang nobyo na si McCoy De Leon.

Katulad ng ibang personalidad na itinago ang kanilang pagbubuntis, natakot din daw noong una si Elisse.

Ipinakita din ng proud mom ang ilang videos noong ipinagbubuntis pa lamang niya ang kanilang anak ni McCoy.

Mula sa pag check up, gender reveal at kanilang bonding moments mag pamilya.

Pinangalanan nilang Felize McCenzie ang kanilang healthy baby girl na ayon kay Elisse ay pinaghalong pangalan nila ni McCoy.

Sa Instagram, nag post din ng kaunaunang picture nila ng kanyang pamilya ang aktor.

 

Ganun din ang proud mommy na si Elisse na may madamdaming mensahe sa kanyang anak.

 

Sa comment section, nakat6anggap ng warm welcome si baby Felize mula sa mga malalapit na kaibigan ng kanyang parents sa industriya.

Excited na din daw siyang makita ng kanyang mga ninong at ninang.

 

Panuorin ang buong vlog dito:

Elisse Joson at Mccoy De Leon, proud na inamin kay Big Brother na meron na silang baby ngayon

Sa kauna-unahang pagkakataon ay inamin na sa publiko nina Elisse Joson at McCoy de Leon na meron na silang baby.

Linggo ng gabi, October 31, inilahad ng dalawa ang rebelasyon sa kanilang guesting sa Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10.

Sa nasabing episode ng Pinoy Big Brother, binisita ng dalawa na kapwa former housemates si Big Brother.

Matatandaang nabuo rin ang kanilang tambalan sa loob ng bahay ni Kuya noong 2016.

“Nagpapasalamat kami na makabalik ulit dito and i-share po sa inyo ang magandang balita po namin. Naisip po namin na dito po kami nagsimula sa bahay po ninyo and malaki po ang utang na loob po namin,” pahayag ni Elisse.

“Kami po ni McCoy, meron po kaming isang napakaganda at napakabait na baby girl,” dagdag pa niya.

“This is baby Felisse McCenzie, ayan po, yung pangalan niya galing po siyempre hati sa amin ni McCoy. Siya ang lucky charm po namin. She is our greatest blessing po talaga,” sabi pa ng aktres.

Sabi naman ni McCoy, napili nilang sa “PBB” at kay Kuya aminin at ipakilala ang anak nila ni Elisse dahil doon nga nagsimula ang kanilang pagmamahalan.

“Nagpapasalamat kami na makabalik ulit dito and i-share po sa inyo ang magandang balita po namin.

Bukod dito, kinuha rin nila si Kuya bilang ninong ng anak nila.

Sagot naman ni Big Brother sa celebrity couple, “Una sa lahat ay nais kong magpasalamat sa inyong alok sa akin, at gusto kong malaman niyo na lubos kong tinatanggap ito.

“Isang karangalan ang maging ninong ng anak ninyo. Higit sa lahat, congratulations, McCoy at Elisse!” sabi pa ni Kuya.

The post Elisse Joson, masayang ibinahagi ang naging pregnant journey sa kanyang latest vlog appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments