Looking For Anything Specific?

Love is lovelier the second time around, Paulo Avelino at LJ Reyes posible nga kayang magkabalikan?

Balikang LJ Reyes at Paulo Avelino posible pa nga kaya?

Ito ang tanong ngayon ng mga netizens dahil sa balitang nagkaka-usap na muli ang dating magkasintahan.

Si Paulo ang ama ni Aki, ang 11-year-old love child nila ni LJ. Apat na taon tumagal ang relasyon nina LJ at Paulo bago sila naghiwalay noong 2013.

Nabuo ang katanungan na ito ng marami dahil ibinahagi ni LJ sa panayam niya kamakailan kay Boy Abunda. Na bumalik ang komunikasyon nila ni Paulo.

“We’re not friends, friends na parang every day nag-uusap, but he’s been there for Aki naman.

“He’s been in touch, especially… siya yung nag-message sa akin. Siya ang nag-send sa akin ng message.

“Nagsabi lang siya na, parang, ‘I know you’re going through a very difficult time.’

“At siyempre, ang iniisip niya rin is si Aki, and if anything daw that I need when it comes to Aki, I can always tell him,” kuwento ni LJ tungkol sa palitan nila ng mensahe ni Paulo.

Hindi naman itinanggi ni LJ na okay na ang relasyon nila ni Paulo ngayon dahil na rin sa kanilang anak pero aniya hindi naman daw sila ganu’n ka-close. At aniya, may komunikasyon naman ang mag-ama.

Ayon pa nga kay LJ isa si Paulo sa agad nangamusta sa kanyang kalagayan. Ng umugong ang balita ng hiwalayan nila ni Paolo Contis.

May mga netizens naman na nagsabi na baka sakaling may part two ang naputol na pag-iibigan nina LJ at Paulo.

Posible nga kayang mangyari ito?

Paolo Avelino, kinagiliwan ng mga netizens ngayon matapos ibahagi ang kanyang porma kapag nasa bahay lang

Gwapo pa din! Ito ang comment ng mga netizens sa OOTD pambahay ni Paulo Avelino.

Hindi maitatanggi na isa sa mga pinaka gwapong artista at tinitilian ng lahat. Sanay din tayo na nakikita si Paulo sa big screens at teleserye.

Makokonsidera din na isa ang aktor sa girls magnet ngayon dahil dating pa lang ay napaka lakas na.

Pero kakaibang Paulo ang bumungad sa mga netizens partikular na sa Twitter World.

Ito ay matapos mag upload ng kanyang pambahay Outfit Of The Day o OOTD ang Walang Hanggan star.

Kabaliktaran ng nakikita natin sa kanya kapag may mall shows, napaka simpleng Paulo ang makikita sa Twitter.

Nakasuot ng oversized shirt ang aktor pero hindi ito ang mapormang oversized shirt na nauuso ngayon. Pati na din ang shorts niya ay lagpas tuhod din.

Wala din kahit anong tsinelas ang aktor.

“Ganito talaga ako pumorma,” caption niya sa Twitter post.

Samantala, dinagsa naman ng comments ang viral photo ni Paulo. Narito ang ilan sa kanila:

“kapag ikaw yung pulubi sa amin iuuwi kita”

“kahit naman anong suot mo ikaw pa rin ang mahal ko”

“Parang sa fan girl lang”

“Parang si aki talaga”

“Okay lang Paulo! Tanggap kita!”

Sana all gwapo pa din tignan kahit mukhang “pulubi” ang damit!

The post Love is lovelier the second time around, Paulo Avelino at LJ Reyes posible nga kayang magkabalikan? appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments