Dalawang buwan na ang nakakalipas ngunit lubos pa din ang kalungkutan ni Mygz Molino sa pagkawala ni Mahal.
Sa naging panayam kay Mygz sa programang ‘The Boobay and Tekla Show’ ay bumuhos ang luha ng binata.
Ito ang kauna-unahan niyang guesting at interview matapos mamaalam ni Mahal.

Bago magsimula ang tanungan, inalala muna ng show ang mga masasayang alalal na naiwan ni Mahal sa industriya ng showbiz.

At dito ay hindi napigilan ni Mygz ang kanyang emosyon at napaiyak na lamang ng pinapanood ang tribute video para kay Mahal.

Nang tanungin siya kung ano ang pinakanamimiss niya kay Mahal ay hindi agad nakasagot si Mygz.

Ilang sanadali ang nakalipas ay tila nahimasmasan na ang Indie film actor. At sinabing napakarami ng mga bagay na namiss niya kay Mahal. Aniya, ang mga tawa niya, ang mga ngiti niya at ang pagpapasaya sa kanya at sa kanyang pamilya ang hindi niya malilimutan kay Mahal.

Ibinahagi din ni Mygz na isa sa mga gusto pang gawin ni Mahal ay ang makagawa ng maraming vlogs.

Kaya naman ipinangako ni Mygz na gagawin niya ang mga nais pa sanang ma-achieve ni Mahal noong nabubu’hay pa ito.

Marami sa mga fans at tagasuporta nina Mygz at Mahal ang tumutok at naging emosyonal din sa mga pahayag ni Mygz.

Nadala din sila sa emosyon ng binata na kitang kita ang pagdadalamhati.

Narito ang ilan sa kanilang komento:
“grabe ! ang sakit sa dibdib umpisa palang ramdam na ang sakit at lungkot na nararamdaman ni bunso mygz.”
“Inaabangan ko tlga tong interview nato, grabe ang iyak ko luha at sipon nagsama na”
“I shed a lot of tears seeing Mygz bunso crying. i felt his pain inside.”
Panoorin dito ang kabuuan ng kanyang interview:
Mygz Molino at kanyang pamilya, personal na dinalaw ang puntod ni Mahal
Sa wakas, nakapunta na sa puntod ni Mahal Tesorero si Mygz Molino kasama ang kanyang pamilya.
Kinailangan kasi sumailalim sa quarantine ni Mygz pati na din ang kanyang pamilya matapos sumakabilang buhay ni Mahal dahil sa C0VID-19.

Si Mahal ay tuluyang namaalam noong August 31, 2021 na ikinabigla ng lahat.

Si Mygz ay ang naging kasa-kasama ni Mahal sa kanyang mga huling araw. Dumalaw pa sila sa dating on screen partner ni Mahal na si Mura.

Kutang kita ng netizens kung paano alagaan at suportahan ng vlogger si Mahal kaya ganoon na lamang ang pag aalala nila para kay Mygz nang mawala ang yumaong aktres.

At sa wakas, nakapunta na si Mygz kasama na ang kanyang buong pamilya sa puntod ni Mahal. Nagbahagi siya ng ilang larawan sa kanyang Instagram account.

Dahil dito, naisayahan naman ang netizens dahil nakita na nilang nakadalaw na si Mygz sa mga labi ni Mahal.

Marami ang naka appreciate at natuwa kay Mygz dahil nakita ng mga netizens kung paano niya inalagaan si Mahal noon.


Sa ngayon, wala pa masyadong update maging sa YouTube channel ni Mygz. Marahil ay nag aadjust pa din ito sa pagkawala ng kanyang pinaka iingatang katandem.
The post Mygs Molino, hindi napigilang maiyak sa kanyang first guesting ng mapag-usapan muli si Mahal. appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed

0 Comments