BuntaIan ang nakagawian ng aktres na si AJ Raval na bonding sa mga nagiging leading man niya sa pelikula.
Ayon kay AJ nang makasama niya sa pelikulang Taya ang aktor na si Sean de Guzman. Mismong staff and crew ng kanilang movie ang nakasaksi sa kakaibang bonding nilang dalawa.
Bu6bu6an diumano ang way ng kanilang pagkukulitan ni Sean. Kaya naman nasanay na siya na ganun ang maging gawi sa iba pa niyang nakakapareha.
At ngayong si Wilbert Ross naman ang kanyang leading man sa movie na Crush Kong Curly. Walang humpay na kulitan at buntaIan din ang kanilang harutan.
WrestIing nga daw ang way of bonding nina AJ at Wlbert while on set.
Kuwento ni AJ, “Sobrang solid po ng friendship namin ni Wilbert. Yung friendship po namin, parang nakakalimutan na rin po niya na babae ako.
“Sobra po kaming mag-asaran. Yung bonding namin, nagwre-wrestIing talaga kami.”
Ayon pa sa aktres ang unang impression niya kay Wilbert ay mayabang. Ngunit nagkamali daw pala siya ng inaakala.
“Si Wilbert po, ang unang impression ko sa kanya, sorry ha, ang unang tingin ko sa kanya snobbish, mayabang, yung mga ganoong bagay.
“Naging judgmental ako agad, pero yun po kasi ang aura niya. Ang lakas po ng dating niya, hindi naman po natin maikakaila yun.”
Sa ngayon na sobrang close na nilang dalawa ay lagi na rin daw niyang inaasar si Wilbert. Dahil aniya iyon daw ang pamamaraan niya sa pakikipag bonding sa isang tao.
Sa parte naman ni Wilbert ay parang naging kuya daw niya ang binata dahil lagi siya nitong binibigyan ng payo.
The post AJ Raval, inaming ‘wrestling’ ang bonding nilang dalawa ni Wilbert Ross. appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments