Looking For Anything Specific?

Brenda Mage malaki daw ang naiambag, proud na ibinida na naging totoong tao siya habang nasa loob ng PBB House

Ipinagmalaki ni Brenda Mage na malaki ang naiambag niya sa loob ng Pinoy Big Brother House.

Pasok na nga sa top 5 housemate ng PBB Kumunity Season 10 si Brenda. Kabilang din sina  Alyssa, Samantha, Anji at Madam Inutz.

Sa kanilang lima pipili ang hihirangin na top 2 housemates sa kanilang batch. At sa huling linggo nila sa loob ng PBB House ay matitinding katanungan ang ibinato sa kanila ni Kuya.

Ito ay para lumabas umano ang kanilang tunay na kulay at makita ito ng mga manonood. Upang mapagdesisyunan kung sino ang nararapat na manatili sa loob ng bahay.

Tanong ni Kuya, ano nga ba ang mga nai-ambag nila sa pananatili sa loob ng kanyang bahay.

Sagot ni Brenda dito, “Uhmm siguro ang masasabi kong nai-ambag ko dito sa bahay ay isa ako sa nagbibigay kulay sa bahay ni Kuya, sa character kong pagiging comedian nakapagbigay saya ako dito.

“And pagdating naman po sa teleserye ng totoong buhay ay ipinakita ko po talaga. Kung ano at sino ako dito, kahit pa man negative yung ugali ko o positive.

“Kahit ano pa pong kakulangan ko o flaws ko na pinakita ko at talagang naging totoo ako sa sarili ko at hindi ako naging plastic dito.

“Pagdating naman sa task kahit papano mapa weekly task o HOH naman nabigay ko yung best ko.. yun mga nasabi ko na, maraming salamat.”

Matatandaan na laging trending sa social media ang mga patutsada ni Brenda laban sa aktres na si Alexa Ilacad. Bago pa man ma-ev1ct ito noong nakaraang linggo.

The post Brenda Mage malaki daw ang naiambag, proud na ibinida na naging totoong tao siya habang nasa loob ng PBB House appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments